ILANG MINUTO ng katahimikan ang pumagitna kina Voltaire at Serena. Sa totoo lang wala na siyang plano kausapin ito at kalimutan na ang mga bagay na nagpabaliw sa kanya dahil dito. He reallt wanted to start right with Jeanine. Hindi niya lang mahindian si Jeanine sa nais nito na mag aayos din sila. He is aware that his girlfriend has a big point. They need to fix things up. They really need it.
"Nasabi ko kay Jeanine na kumakain ako dito dati, tayo..." si Serena na ang bumasag ng katahimikan.
"I am hungry so order muna ako."
Matapos umorder ay seryoso silang nagkatitigan at biglang naluha na si Serena.
"I am sorry, Voltaire. Hindi ko sinabi sa iyo ang mga nangyari sa akin. I am sorry na hindi ko iningatan ang sarili ako. I am sorry..."
Naantig at naawa na binigyan niya ng tissue si Serena.
"Alam ko na ang nangyari. Nahuli ba ang walang hiyang gumawa sa inyo niyan?"
Umiling ito.
"It shattered me when you decide to break me. At kaya ako napunta dito. Salamat kay Robert at nandiyan sa mga panahon na kailangan mo ng kasama. I am sorry dahil wala ako. Sana nasabi mo sa akin ang nangyari sa iyo but blessing in disguise kung hindi nangyari iyon hindi ako mapupunta dito at makikilala si Jeanine."
"Mahal mo nga si Jeanine."
"Hindi mahirap mahalin si Jeanine. Tinulungan ako ni Jeanine na muling mabuo. At kaya gusto ko rin na magkaayos tayo, finish what is unfinished. I want to free both of us. We deserved to be happy, pati ikaw. Robert loves you so much. Hindi mo ba siya minahal?"
"Minahal ko na rin siya. Tinanggap niya ako sa kabila nang lahat pero hindi ko siya maipaglaban dahil sa nangyari sa akin."
"Still my love stand. Ngayon ilalaban ko na siya higit pa sa ginawa ko noon."
Natigilan sila sa tinig na iyon na nagpatayo kay Serena.
"Robert?"
Kasama ito si Jeanine na natutuwa sa nangyari.
"Come on Serena, let your self be happy with him. Forget the former things and dont dwell in your past. I know, Robert will continue to make you happy as he wants to do with you." napatayo na rin si Voltaire at giniya si Serena papunta kay Robert.
"Serena, we can do it together. Let me love you again!" naiyak na pakiusap ni Robert
"Robert." naluha na may galak na lumapit si Serena at niyakap si Voltaire.
Natuwang lumapit si Jeanine kay Voltaire at yumakap na rin. Natutuwa na sa wakas ay kapwa sila naging masaya na naging kahitnatnan ng kanilang paghaharap.
PABALIK na sina Voltaire at Jeanine sa Oxford Compound lulan ng sasakyan. Huminto si Voltaire sa kanto malapit sa Oxford.
"Bakit ka huminto?" nagtakang tanong ni Jeanine.
"I never thought it happened. Okay na si Serena at Robert at tayo. I cant believe it." na-a-amaze na sabi ni Voltaire.
"Ako rin. Hindi ko rin ito inasahan."
"Really everything happens for a reason. As long as love is the reason , all things will do not just good but better then hope for the best." masayang sabi ni Voltaire at buong tamis na hinalikan siya nito. Masuyo niyang ninamnam ang malambot at banayad nitong labi. Nais pa niyang namnamin pa ang umiinit na nitong labi sa labi niya nang bigla itong huminto at napatingin sa gawi ng Oxford compound. Nakita niya ang pagguhit ng pagkagulat sa mukha ni Voltaire.
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomanceHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...