Chapter 28 The past and the present
INAYOS na ni Jeanine ang mga hindi niya naharap sa school. Nakapagclearance at masaya siya dahil wala siyang bagsak. Malaki ang naitulong ng kanyang pagkasali sa Art Exhibit sa mga mataas niyang grado sa huling semester. Nakilala na rin siya sa buong Fine arts institute at sa buong Montreal University. Sa kabila nang popularity, praises at mga achievements niya ay hindi siya naging masaya.
The loneliness spells Voltaire Ichihara.
Mga ilang araw na rin itong nagpakita mula nang huli nilang paghaharap sa hospital.
Sa pag uwi niya sa Oxford Compound ay nagbalik sa ala-ala niya ang isang malakas na ulan na nakita niya si Voltaire na basang basa sa tapat ng bahay ni Serena.
Nasaan na kaya siya? Hindi pa rin niya maiwasan na mag-alala at mangulila dito. Matinding ispiritu ng lungkot ang nakita niya dito nang huli silang magkita.
Natigilan siya nang makita niya na may nagbubukas ng pinto sa bahay ni Serena.
Si Serena mismo.
Natigilan silang nagkatiningan.
NIYAYA ni Serena si Jeanine na mag-usap sila sa bahay nito. Sa tagal niya sa Oxford ay ngayon lang siya nakapasok sa bahay sa tatapt ng kanyang bintana.
"Nakahanap na rin kami ni Robert ng buyer ng bahay na ito. Nandito ako para magpaalam na sa bahay na ito. Bahay kung saan ako lumaki at naging tahanan ko."
Matamang tiningnan niya si Serena. Sa kabila ng ganda at ngiti nito ay nadarama niya ang lungkot na tinatago nito.
"Gusto ko sana makibalita na rin kung ano na ang nangyari kay Robert. Hindi ko man lang siya mapuntahan dahil kay Rupert."
"Alam mo na ba na may sakit siya?"
"I already knew it. Pero sa sitwasyon niya na dapat nandoon ako ay hindi ko magawa. His family hates me so much." naluha nang sabi ni Serena.
"Mahal na mahal ka ni Sir Robert."
"I know it. Maraming pagkakataon na ayaw kong tanggapin ang pagmamahal niya but he is so persistent. Naguguilty ako dahil hindi ko iyon maipaglaban. Lalo na ngayon. Umpisa pa lang alam ko na hindi ako deserving." may pait niyang sabi kahit na nakangiti.
"Magkakausap pa kami ni Sir Robert about sa pagbili nila ng millenial David.Tanggapin ko na iyon para makabayad na ako kay Voltaire."
"What do you mean?" na-curious na tanong ni Serena
"Binayaran ni Voltaire ang operasyon ng Papang ko. Nadugtungan ang buhay ng papa ko dahil doon. Ang ibabayad ni Sir Robert ang ibabayad ko sa kanya."
"Noon pa man napakabait at generous si Voltaire. Kung gagawin mo iyan, hindi niya iyan matatanggap. The same thing na ginawa ko, sinubukan ko rin magbayad ng mga utang sa kanya pero hindi niya tinanggap."
"Talagang kilalang kilala mo si Voltaire. Gaya ng matagal na pagkakakilala niya sa iyo. Walang ibang binabanggit na tao si Voltaire kundi ikaw Miss Serena."
"Jeanine..."
"Mangahas na ako, Miss Serena. Gusto kong malaman kung mahal mo pa si Voltaire."
Napaiwas ng tingin si Serena.
"Kami pa rin ni Robert. Magpapakasal na kami."
"Bakit noong isang araw tinatanong mo kay Voltaire kung mahal niya ako?"
"Gusto mo malaman ang totoo, sa mga ginagawa ni Voltaire.Alam ko na hindi siya seryoso. Naawa ako sa iyo dahil nadadamay ka sa mga ginagawa niya na wala na sa hulog. Noong sinabi niyang mahal ka niya...."
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomanceHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...