Chapter 8
BUMILI si Voltaire ng isang beer in can na si Jeanine mismo ang nagtransact matapos itong magbayad.
"Umalis ka na agad dito. Die hard fan mo ang kasama ko dito. Kapag nakilala ka niya. malalaman na nandito ka at pagkakaguluhan ka." halos pabulong at may asik nitong sabi.
"Sounds concern." sarkastikong reaksyon nito.
"Bahala ka ayaw mong maniwala. Ayan na siya."
"Jeanine, may kakilala akong model, kaibigan ko iyon. Kaklase ko nung highschool. Kausapin ko para mag pose sa iyo." sabi ni Rabelle.
"Bakit kailangan mo ng model?" tanong ni Voltaire.
"Wala kang pakialam." mataray niyang sagot na mahina ang boses.
"Okay lang na maghubad sa harap mo iyon. Bisexual iyon. walang malisya. " sabi pa uli ni Rabelle.
She felt embarrased nang i brought out iyon ni Rabelle. hindi na niya ito na kontrol. Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Voltaire.
"Mamaya na natin yan pag-usapan. Rabelle. " sabi niya pero nakairap na nakatitig kay Voltaire. Umalis na ito sa harap niya.
HINAHABOL ni Jeanine na huwag siya abutan ng araw sa kanyang pag uwi mula sa kanyang duty sa Convenient Store. Sa kanyang paglalakad ay biglang may humarang sa kanyang lalake na biglang nagpatigil sa kanya at ang isa ay agad siyang kinabig at tinutukan ng patalim sa leeg.
"Alam mo na ito. Ibigay mo sa amin ang wallet mo at cellphone mo bilis!"
Bigla siyang naparalisa sa takot habang nakatingin sa patalim.
Nanginginig siya nang kunin ang wallet niya sa bulsa ng pants niya pero biglang nakatanggap ng lumilipad na sipa ang lalakeng humarang sa kanya at napabalya ito sa basurahan.
"Put---" nagulat na reaksyon ng lalakeng may patalim.
Voltaire!
Nakakuha siya ng buwelo at mismong cellphone niya ang pinagpukpok sa ulo nito at nabitawan siya nito pati ang patalim na kaninang tinutok sa kanya.
"Let me handle this!" agad na lumapit si Voltaire at inundayan ng suntok ang lalakeng tumutok ng patalim sa kanya. Hindi siya naawa nang mapadugo ni Voltaire ang mukha nito at inihagis sa isang kasama nito.
May pumitong pulis.
At agad na rumesponde sa kanila.
Relief siyang napatingin kay Voltaire.
"Thank you!"
MATAPOS magpablotter ni Jeanine sa nangyaring panghoholdap ay dumeretso na sila sa bahay at pinagluto ng almusal si Voltaire bilang pasasalamat sa ginawa nito.
"Gagawa kita ng Green salad bilang pasasalamat sa ginawa mong pagliligtas mo sa buhay ko." may gratitude niyang sabi.
"Gusto ko iyan. Sige lang." sabi nito habang buong dipa na nakahiga sa kama niya.
"Kung wala ka doon baka wala na ako. Hindi ko kayang labanan sila lalo na at may patalim sila. salamat talaga."
Hindi na ito sumagot.
Napahinto siya at nagtaka. Nilapitan niya ito at napansin niyang nakatulog na pala ito. Humihilik pa ito.
Nakatulog siya.
Malaya niya uling namasdan ang makinis at makisig nitong mukha.
Kahit nakakainis siya marunong naman ako makaappreciate ng kabutihan ng isang tao. He saved my life. Lord, gusto ko makaganti sa kabutihan niya sa akin. Paano kung hiniling niya na tumira dito? Paano kung humingi siya ng kapalit at iyon ang hingin niya. Papayag ba ako?
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomanceHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...