MAAGA NANG nag enrol si Jeanine. Hindi niya mapigilang ang excitement dahil iyon na ang huling taon niya sa Montreal. Ga-graduate na siya. Nahalikan pa niya ang kanyang certificate of registration.
Ga-graduate na ako Mamang, eto na iyon. Nasaan ka man at kung nakikita mo ako, alam ko na proud ka sa nag-iisa mong nini. Lalo ko pong pagbubutihin!
Nakatanggap siya ng tawag kina Caitlin. Sinabi na nito na enrolled na siya.
"Bakasyon pa ako. Iba ka talaga. Sipag sipag mo. See you this school year."
"Pasalubong ko ah!"
"Sure, Mare."
Lumabas na siya ng unibersidad.
Natigilan siya nang may nakitang isang tao sa loob ng iosang makinang at mamahaling sasakyan. Inalis niyon ang sunglasses nito.
That lion eyes, almost like the eyes of Voltaire.
Daddy ni Voltaire?
Hindi niya mawari kung mauuna ba ang takot o kaba nang tinitigan siya nito. Para itong may optic blast at pinatama iyon sa kanya. Ang sakit nito tumitig. May lumabas na lalakeng naka black suit at nilapitan siya.
"Good morning, you are Jeanine right?"
"Yes sir?" sibil siyang humarap.
"I am Mr. Clark Munoz of Itch Motors Philippines. I am with the Overall Chairman of Itch Motor and I know you know her, Mr. Hiro Ichihara. Hope you don't mind if we ask you for lunch."
PUMAYAG SI Jeanine kahit may daga sa dibdib na makasama si Mr. Hiro Ichihara. Dinala siya sa isang fine dining restaurant. Tinapangan niya na harapin ito dahil ama ito ni Voltaire.
"Don't be a tense young lady, we are just having our lunch." basag nito sa katahimikan.
"May I know why you invited me here, sir?" pinili niya maging formal at magalang kahit nga tense siya.
"I just want to you."
"Anong gusto niyo pong malaman?"
Napangisi ito.
"It's been a long time that someone talks to me in Filipino but don't worry I understand. Well anyway, I just want to know who is the girlfriend of my son."
Sabi ko na nga ba!May kinalaman iyon sa amin ni Voltaire!
"Alam po ba ni Voltaire na magkasama tayo?"
Ngumisi lang ito habang hinain na sa kanila ang pagkain.
"Honestly, no. I just want to be with his girl. You know my son is one of the impulsive people I ever met. I know he will overreact if he will know this. But you can tell him that we met and had our lunch after this. is it okay?"
Napatango siya pero hindi niya maiwasang kabahan na kaharap niya ang daddy ni Voltaire.
"I never thought that a young lady like you is my son's girlfriend. Do you know that he went here, gave up almost his everything just for a girl? That girl is Serena, but now he is with you, can you tell me what happened?"
Hindi siya komportable sa tanong nito.
"I thought we are having lunch and you want to know things about me. Well, I guess that question can be answered by Voltaire himself."
"I know but I want to know your point of view about that. I hope you don't mind."
The discomfort rises. Parang kung magtatagal pa ay baka may hindi magandang mangyari. Mukhang hindi ito nakipagkita para sa kabutihan.
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
Любовные романыHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...