The man that cant move on.

106 13 0
                                    



Chapter 11

DAY OFF ni Jeanine sa Z-Lite pero may pasok siya sa school. Itutuloy pa niya ang kanyang Sculpture project. Maaga siyang nagising. May tatlo oras pa siya bago pumasok sa school. Medyo pagod pa siya at gusto pa niya muna humiga kaya hindi muna siya bumangon. Nagulat siya nang ma realize niya na nasa kama siya.

"Bakit ako nandito?"

Agad siyang napatingin sa lapag at nakita niya doon si Voltaire na nakahiga at nakatagilid pa ito.

Paano'ng?

Na- amaze siya dahil gumana ang pagka gentleman nito. Hindi tulad noon na para itong siga.

Tumihaya na ito at nagmulat ng mata.

God, his eyes..like a sunrise

"Ano'ng oras na?" tanong nito at biglang bumangon. Kinusot kusot pa nito ang mga mata.

Unfair, kahit kagigising lang ang guwapo niya. Bukod na pinagpala sa lalakeng lahat.

"Paano ako napunta dito?" tanong niya kay Voltaire.

"Syempre binuhat kita." sagot nito at agad na bumangon at umunat unat. Sumilip sa suot nitong Tshirt ang abs at love handles nito. Nang makadama siya ng init sa kanyang dugo sa kanyang nakita ay agad siyang umiwas ng tingin at bumangon na rin.

He is really like a fires in my blood.

"Hindi mo pa ba gagawin ang project mo?" paalala nito sa kanyang gagawin.

"Gagawin na nga. Kaya nga ako maaga nagising. Pero mag hilamos muna tayo at mag almusal. Ano ba gusto mong kainin?"

"Hindi ko pagsasawaan ang green vegetable salad mo. Pwede ba?"

"Check ko kung may budget ako. Maharlika ang gulay ngayon." sabi niya habang kinukuha ang pitaka sa bag niya.

"Maharlika?" nagtakang tanong ni Voltaire.

Nalungkot siya nang makita sa pitaka na dalawang daan na lang ang pera niya  at mga barya na kung tantiya ay wala pang singkwenta pesos. 

Kasya naman ito pero paano ako bukas. Next week pa ang sahod ko.

"Huy! Ano iyong maharlika?" tanong uli nito na tinapik siya sa balikat.

"Mahal iyong green veggies, baka kapusin ang budget ko. Pwedeng sa sahod ko na lang. Promise." 

"Wala ka nang okane?"

Napataas ang isang kilay niya sa huling salitang narinig niya.

"Okane?"

"Hindi mo alam ano? Hindi ko sasabihin ang ibig sabihin ng okane kung hindi mo sasabihin ang salitang maharlika."

"Sabi ko mahal. Maharlika means. Mahal. Expensive. Mahal gawin ang Green Veggies."

"Ah mahal pa. Now i know." napangiting hinimas ni Voltaire ang baba nito.

"Eh ano ang okane?" siya naman ang humingi ng sagot.

"It means money. wala ka nang pera."

"Ay huwag mo namang paglandakan. Sorry ha, hindi kasi ako mayaman." nakairap niyang binulsa ang pitaka.

"You started it first. You said a word na hindi ko alam and you just keep me hanging."

"Iyon lang pagtatalunan natin? Tara na kumain tayo. May alam akong sulit na kainan ng breakfast. Sa sahod ko na uli kita gagawan ng Green Veggies."

Scent of a Lonely manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon