Fight for Forever 3

71 8 0
                                    


NAKASAKAY  sa kotse sina Voltaire at Jeanine. Papunta silang Paete para kausapin ang kanyang pamilya tungkol kay Mr. Ichihara. Talagang pagod at inaantok siya kaya napahilig siya sa balikat ni Voltaire. 

"Matulog ka na. Matigas man ang balikat ko pero safe ka diyan at makakapagpahinga ka."

Natawa siyang hinampas ang balikat nito at maayos na humilig.

Mga ilang minuto pa lang yata na nakapikit ang kanyang mga mata ay bigla siyang nagising sa napakatining na ingay.

"Voltaire!" 

Nilamon sila ng liwanag ng malaking sasakyan na bumangga sa kanila. Narinig  niya ang sigaw ni Voltaire na niyakap pa siya.  Nagimbal siya nang makita niyang duguan na ang ulo at mukha nito. Sinalo ng mukha at dibdib nito ang nabasag na windshield.

"Voltaire!" she screamed with fears. Lalo na nang hindi na ito gumalaw kahit na hawakan niya ito.

"Tulong! Tulungan niyo kami! Voltaire!"


"VOLTAIRE!" hingal na hingal si Jeanine na naalimpungatan na biglang ikinahinto ng pagmamaneho ni Voltaire.

"Babe, what wrong?" nag-alalang reaksyon ni Voltaire.

Agad niyang nahawakan ang mukha ni Voltaire. 

"Wala kang dugo, buhay ka!"

"Buhay na buhay ako. Ano bang nangyari?" nagtatakang reaksyon ni Voltaire.

"Buti panaginip lang. Kahit sa panaginip, hindi ko kayang tanggapin na patay ka!"

Napangiting hinaplos ni Voltaire ang mukha niya at nabawasan ang kanyang panginginig dulot ng takot na nawala ito.

"Lahat tayo mamatay pero pipilitin ko na tumanggal ang buhay ko para matagal kitang makasama."

Naantig niyang nayakap si Voltaire. Ngayon lang siya uli natakot nang ganoon. 

"Hindi lang sanay ako na may nawawala sa buhay ko. Mula nang mawala si mamang at ang nangyari kay papang. Natatakot ako , Voltaire. Hindi pa ako handa na may mawala uli. Lalo ka na.

"I'm still alive and As long as I live, I will love you with all my duration."

Lalo pa siyang sumiksik dito na parang bata na takot na takot sa dilim. natawa lang si Voltaire at inihilig ang ulo niya sa lap nito.

"Matulog na na uli. Forget that bad dream. As long as you love me. You will have you best wake up."

Iyon na nga ang ginawa niya at muling pumikit. Dinama ng mga palad niya ang mainit na hita nito na tinatalo ang kanyang takot at pangamba.

 Nagpatuloy na sa pagmamaneho si Voltaire.


NAKARATING na sina Voltaire at Jeanine sa furniture shop at naabutan nila si Kuya Mario na pinipinturan ang kumupas nang pangalan ng kanilang shop. 

"Super Mario Woods pala ang pangalan ng shop niyo. Cool." na amaze na reaksyon ni Voltaire.

"Oh, nandito pala kayo, akala ko sa makalawa ka pa luluwas, Jeng?" natuwang sinalubong sila ni Kuya Mario.

Nang lumabas ang kanyang papang ay natuwa ito at agad siyang tumakbo at niyakap siya.

"Salamat at okay na okay na kayo!"

"Mabuti at nandito ka na. Masaya ako na maaga kang naluwas. Mukhang naibalita na sa iyo ni kuya Jay-ar mo ang paparating na business partner natin."

Scent of a Lonely manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon