Chapter 20
NAUNANG natapos ng hair rebond si Jeanine at nagulat siya sa malaking pagpababago ng kanyang hitsura lalo na nang ayusin at nagkaroon ng volume ang kanyang buhok. Kahit si Serena ay na-amaze sa kanya.
"Wow, mas lalo ka pang gumanda. Hindi ka na lang ngayon isang magaling at promising at artist, isa ka na rin sa pinakamagandang artist."
"Salamat po, Ma'am Serena. bawat babae naman po ay nangarap na maging maganda at mukhang ito na po ang panahon ko na maging maganda." parang maiiyak na siya sa galak dahil talagang ang ganda ng pagkakaayos ng buhok niya. Naalala tuloy niya ang kanyang mamang na alaga siya lagi sa pagsusuklay at pag aayos ng buhok niya.
"Okay ka lang?" nag-aalalang napansin siya ni Serena.
"Wala po. Naalala ko lang ang mamang ko. Mula nang namatay siya wala na nag ayos ng buhok ko. Nagyon na lang uli."
"Sad to here that pero ang importante magandang maganda ka na. I am sure na hindi lang sa art mo maiinspire ang mga tao sa exhibit pati na rin sa taglay mong ganda inside and out. I got the feeling that a bright shining star will shine on that night."
"Kung ipapahintulot ng Dios iyon, buong buo ko po tatanggapin at pagyayamanin."
Bigla uli nag ring ang phone niya. Napalunok siyang napatingin kay Serena.
"Okay sagutin mo na. Siya na ba iyan? Ang iyong inspiration?" in teasing tone ni Serena.
Tumango na lang siya at dumistansya para sagutin ang phone.
"Hindi ka pa tapos?"
"Eto tapos na."
"Tara na dito, nasa Pizza House ako malapit dito. Marami pa tayong gagawin. Bibili pa tayo ng mga damit mo."
"Okay sige na. Bye."
Nagpaalam na siya kay Serena na bumeso pa sa kanya.
"Isama mo ang boyfriend mo, ipakilala ko kay Robert. I am sure na magkakasundo sila dahil parehas silang supportive boyfriend."
Napangiwi siya sa sinabi na iyon ni Serena.
"Sige po, Ma'am. Hinihintay na po ako ni...ng boyfriend ko. Magkita na lang po tayo sa Exhibit."
Umalis na siya na biglang nag igting ang kaba. Pakiramdam niya ay hindi na niya kilala ang sarili.
Hindi ako iyon pero kailangan kong gawin. I am sorry....
PUMUNTA na si Jeanine sa Pizza House. Napansin siya na titig na titig sa kanya ang lalakeng security guard na pinagbuksan siya ng pinto.
Bakit ganoon naman makatingin iyon? Parang nanunuri?
Agad niyang nakita sa bandang dulo si Voltaire na kumakain ng pizza. Nang palapit na siya ay biglang napahinto sa pagkagat ng pizza si Voltaire hanggang sa mahulog iyon pabalik sa Box. Naiwan pa ang sauce sa gilid ng labi nito at nakanganga habang nakatitig sa kanya.
Ano bang mayroon pati ang guard at si Voltaire ay kung makatitig ay parang may kung ano sa mukha ko?
"Hoy, ano ba? Mukha ba akong maligno?" nasuyang naupo siya sa harap nito.
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
Storie d'amoreHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...