Chapter 17
KAHIT pagod at puyat ay buong puwersa at suporta si Jeanine at ang mga kuya na maihatid sa operating room ang kanyang Papang. Nakangiti pa ito na ipinasok. Ang pilit niyang ngiti ay napalitan ng pag iyak nang nasa loob na ito.
Lord, naniniwala ako na magiging maayos ang lahat.
Niyakap siya ng mga kuya niya. Matagal na rin na hindi niya naranasan iyon.
"Ano man ang mangyari magkakapatid pa rin tayo." may tatag sa sabi ng kuya niya kahit na basag na ang tinig nito
"Pasensya kana, Jeng. alam ko na hindi ako naging mabuting kuya sa iyo."
Hindi siya makapaniwala na napatitig sa kuya Jay-ar niya.
"Ganoon din ako, Jeng. Napagtanto ko rin iyon. Kung hindi pa nangyari ito kay Papang hindi ako magkakaroon ng realisasyon ng ganito. Sorry dahil hindi ka namin pinahalagahan bilang bunso namin kapatid."
Mas lalo pa siyang naiyak. Hindi na rin niya napigilang magsalita tungkol sa sama ng loob niya sa mga kuya niya.
"Matagal ko nang gustong marinig sa inyo iyan. Masama ang loob ko sa inyo dahil mula nang iwan tayo ni Mamang hindi ko na naramdaman na minahal niyo ako bilang kapatid. Masaya ako ngayon dahil muli kong naramdaman na nagmamahalan tayo at nagkakaisa. Sorry din dahil inilayo ko ang sarili ko sa inyo. Hindi rin ako naging masaya na wala kayo. Sorry din, Kuya Mario, kuya Jay-ar sa pag-iisip ko na inyo na hindi kayo mapagmahal na kapatid. Sorry."
Masaya siya at nasabi niya iyon kahit may kaba. Humigpit ang mga yakap ng kuya at nagalak pa siya lalo.Nakadama siya ng pagkabuo.
"Babawi kami. Kapag nakatapos ka, kami nang bahala ni Jay-ar sa mga exhibits mo. Tutulungan ka namin maging magaling na artist. "
"Sabi mo yan kuya. Aasahan ko iyan."
Isa na iyon sa magagandang bagay na nangyari sa buhay niya. Nagkasundo na silang magkakapatid gaya nang dati.
NAGING MATAGUMPAY ang operasyon. Agad na dinala sa healing Ward ang kanyang Papang. Ayaw man ni Jeanine ay nagpaalam na siya sa kanyang mga kuya.
"Kailangan ko nang bumalik sa Manila. Hindi pa tapos ang semester at may mga gagawin pa ako. Kayo na muna ang bahala kay Papang."
"Hindi ka dito magbabakasyon?" tanong ni Kuya Mario
Umiling siya.
"Marami pa akong gagawin. Dadalaw dalaw na lang ako kapag nakaluwag ako ng oras. Konting tiis na lang magkakasama uli tayo."
"Pakibantayan na lang ang kapatid namin, Voltaire. Kung wala ka lang nobya, pasado ka na sa amin." wika ng kanyang kuya Jay-r
Nag-init ang pisngi niya na napatingin siya kay Voltaire na napangisi lang.
"Kuya?" nahiyang saway niya
"I will kahit hindi niyo na sabihin. Masaya ako sa tiwala. I hope makapag fellowship pa tayo kapag nagkaroon ng pagkakataon."
"Sabihin niyo kay Papang na umalis na ako. Pagaling siya. Kayo na ang bahala sa kanya."
Matapos magpaalam ay umalis na sila. Sakay na sila sa kotse ni Voltaire. Marahas siyang huminga at may lungkot na minasdan ang ospital.
"Dont be anxious, okay na ang father mo pati na ang mga kuya mo."
Napangiti siya. Kahit puyat at pagod na ay energetic pa rin ito. Pinaandar na nito ang kotse. Pabalik na sila sa Manila.
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomanceHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...