Chapter 27 The Halfway
NAGKITA na sa Hotel Thallasa si Jeanine at Robert. Na-amaze siya sa ganda, kinang at lawak ng opisina nito. Hinatid siya ng secretary ni Robert at naiwan sila sa loob ng office nito. Napansin niya na mukhang maputla ito.
"I am glad na nakapunta ka, Miss de la Costa."
"Pasensya na po kayo at ngayon lang ako nakaharap. Nakakabless ang ginagawa niyo sa akin at sa artwork ko. Ano na po ba ang mangyayari sa Millenial David."
"We decide na kami na lang ang bibili at isasama siya sa mga art pieces ng Hotel. Even my dad loved it. Nabuhay ang pagiging fanatic niya sa gawa ni Michael Angelo. I summon you para mabili na namin from you si Millenial David."
Napaisip niya. Kung bibilhin nito si Millenial David ay ayos lang sa kanya. Isang karangalan na mabili ang kanyang gawa pero may mga sumisingit sa kanyang puso na nanghihinayang na mabili iyon.
Dahil sa mga alaalang nabuo doon.
All the memories that spells no other name.
Voltaire Ichihara.
Tama, kung iba na ang may ari ni Millenial David, mababawasan na ang mga alaala niya. At mababayaran ko na rin ang perang ibinayad niya sa operasyon ni Papang. Kailangan putulin ko na ang mga kung anumang nag uugnay sa amin. Ito na iyon.
Nang palapit na ito sa kanya ay bigla itong namilipit sa sakit at nabuwal ito.
"Sir Robert!" bigla siyang nabahala at nilapitan ito.
Mariing nasapo nito ang dibdib at kasabay na nanginginig ang mga daliri nito.
"Sir Robert ano po ang nangyayari, Tulong! Tulong!" naiiyak na siya sa sobrang taranta.
KASAMA si Jeanine sa nagdala sa hospital kay Robert kasama ang secretary nito na si Jerome. Agad niya ring tawagan si Serena pero hindi niya ito makontak. Si Jerome ang kumakausap sa doctor.
"Kumusta po si Sir?"
"May mga kamag-anak po ba siya na pupunta para malaman ang kondisyon niya?" tanong ng doktor.
"Nasa Greece po ang pamilya niya. Pero tatawag po ako ngayon." hindi na nag aksaya si Jerome na tumawag gamit ang phone nito.
"Jeanine!"
"Ma'am Serena" agad niyang nakita ito at ang paghangos nito.
"What happen to Robert, Jeanine?" nag-aalalang reaksyon ni Serena.
"Wala kaming idea kung ano, Ma'am Serena. Kapamilya niya ang hinahanap ng doktor. Ngayon ay kinokontak na ni Sir Jerome ang pamilya niya sa Greece."
Marahas na nahawi ni Serena ang buhok paitaas mula sa noo nito at marahas ding huminga.
"May idea ba kayo kung anong nagyayari kay Sir Robert?" kinutuban na siya na may alam ito sa sitwasyon ni Sir Robert.
"Si Rupert, his twin brother. Nasa McKinley Hill siya, makakapunta siya dito. I have his number tawagan mo siya." nakiusap na sabi ni Serena at ibinigay ang phone niya.
"Bakit hindi po kayo ang tumawag?" nagtaka niyang tanong.
"I cant..Hindi tanggap ng buong Thalassa ang relationship namin. Ikaw na ang tumawag sa kanila, sabihin mo na nandito siya sa Hospital."
Hindi na siya nag usisa pa dahil buhay ng tao ang pinag uusapan. Siya na nga ang tumawag kay Rupert Thalassa at mga ilang ring lang ay sumagot na ito.
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomanceHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...