Chapter 28 The Face off
LUTANG at nalilito ang puso ni Jeanine nang lumabas siya ng kuwarto kung nasaan nakaratay si Sir Robert. Nais siyang magpahangin para kahit paano ay makadama siya ng ginhawa sa bigat na nadarama ng kanyang dibdib.
"... tulungan natin sila magkabalikan."
Nag-i -echo ang pakiusap na iyon ni Sir Robert sa kanya. Napahinto siya sandali at sumandal sa isang poste na malapit sa fire exit ng hospital. Naghihina na siya sa mga nangyayari hanggang sa napaupo siya habang nakasandal.
"Please make it a secret. Ayaw kong malaman nila ang napag-usapan natin. Masaya akong mawawala sa mundong ito na mapupunta si Serena sa taong nagmamahal sa kanya at handa siyang makasama ng panghabang buhay..."
Iyon ang bilin ni Sir Robert sa kanya na nagpabigay diin sa kanya para lalong hindi ito matanggihan. Mahirap suwayin at hindian ang taong mamatay na.
Kung gagawin ko ito para sa tunay na para sa isa't isa kahit na mahal ko na si Voltaire. Sana kaya ko. Sana...
"Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang lahat. Kailangan ko nang tingnan kung nakalabas na si Jeanine kung tapos na siya kausapin ni Robert."
Ang boses na iyon, si Voltaire. Bigla siyang napatayo at agad na nagtago sa tabi ng isang nakita niyang locker.
Nakita niya na papunta sa kuwarto ni Robert si Voltaire at sinundan ito ni Serena. Pinigilan nito si Voltaire.
"Nandiyan si Rupert. ayaw niya akong makita. Sinisisi niya ako sa mga ginagawa ni Robert. Please, Voltaire umalis na tayo dito. Hindi tayo dapat na nandito."
"Si Jeanine ang pinunta ko dito. siya dapat ang wala dito. Kukunin ko lang si Jeanine."
"Siya ang nagdala dito kay Robert. Kung gusto siya kausapin ni Robert hayaan mo na siya." nakikiusap na sabi ni Serena.
"Hindi mo ba ako naiintindihan? Hindi siya dapat nandito. Napakabata pa niya para sa ganitong sitwasyon. Marami pa siyang dapat gawin at maranasan. She did not deserve this. Tayo tayo na lang ang maglabo labo kung gusto mo but not her."
"Bakit hindi mo sabihin iyan nang patulan mo siya?
Ako na ang topic nila? Hindi maganda ito!
"Hindi ko gusto ang tono mo. Ayusin mo!" nainis na tugon ni Voltaire.
"Nagagalit ka dahil natatamaan ka. Nakakapanibago na nakikihalubilo ka sa mga outgoing na katulad niya. Hindi ang tipo mo ang ganoon? Alam ko may iba kang dahilan kaya nakipagrelasyon ka kay Jeanine?"
"Kung ano man iyon wala ka nang pakialam. Now i can say that my world will not revolve on you anymore." marahas na bumitaw si Voltaire sa kanya na ikinagitla ni Serena. Mukhang papunta si Voltaire sa ward ni Robert.
"Mahal mo ba siya?" tanong ni Serena na may luha sa mga mata.
Kinabahan siya nang walang kasing wagas. Biglang nanginig ang kanyang mga laman lalo na ang kanyang lalamunan habang nag-aabang ng sagot.
Napahinto sa paglakad si Voltaire at nilingon si Serena. Muli silang nagharap.
"Mahal mo ba si Jeanine?" muling tanong ni Serena.
Napapikit siya na may pagsamang pagluha.
Alam ko ang isasagot mo at tanggap ko na iyon. Kahit masakit....alam ko na...
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomansaHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...