Chapter 9
SURPRISE and blessed si Jeanine dahil matindi ang effort ng mga kaklase niya sa kanya na tulungan siya sa kanyang project. It inspires her na gawin ito kahit hindi iyon ang kanyang comfort zone.
Nang hawakan na niya ang mga carving chisels ay bigla niyang naala ang kanyang Papang. Napangiti siya nang bumalik ang kanyang alaala noong pinapanood niya itong mag ukit ng nga arcs sa mga ginagawa nitong mga furniture.
Miss na kita, Papang.
"Wait a minute." hinila siya ni Voltaire papunta sa sulok. Ang sungit na naman nito.
Ipinakita nito sa kanya ang sketch ng uukitin niya na siya mismo ang gumawa.
"Ito ang gagawin mo? I am almost naked? Kung wala itong pink cloth ay para na akong porn star."
"Iyan nga. It is inspired ng David sculpture ni Michel Angelo. Isang renaissance sculpture piece na may millenial touch. Iyan ang project ko. Actually sa tunay na sculpture, totally naked iyan pero dahil may Philippine Millenial touch, naisip ko na balutan ang siya ng pink cloth dahil pink is a millenial color."
"I will be naked."
Napakagat labi niyang tango.
"Wala ka na bang ibang concept?"
Umiling siya.
"Sa Japan, i recieve an expensive talent fee for this. Dito i am doing this for charity." nanlumong reaksyon ni Voltaire.
Lumapit na si Rigor kay Voltaire.
"Ready ka na, Bro?"
Napataas kilay na sumulyap si Voltaire sa kanya.
"What will i do?"
"Set na ang lahat except sa iyo, Bro. Kailangan mo nang mag pose para masimulan na ni Jeanine ang project."
"Tayo lang ba ang nandito?"
"Yes. Trust us. Tayo lang ang nasa lab. Dont worry, all these things will be artistic. Purely art." garantiya ni Rigor.
Sumama na si Voltaire kay Rigor para ihanda ito sa pagpose nito. Kasama si Justine. Salamat at may mga lalake silang kasama para i assist si Voltaire.
Lumapit sa kanya si Caitlyn para i assist naman siya.
"Kaya mo ito, Jeanine. Make it your best art as you always did."
"Salamat sa inyo. Hindi ko na naiisip na gawin ito sa dami ng mga ginagawa at iniisip ko."
"We understand you. Mahirap nga ang ginagawa mo.Estudyante sa umaga, nagtatrabaho sa gabi at noong kami rin ay namurublema sa landscape art, hindi ka nag-atubili na tumulong sa amin. Ngayon bumabawi kami at hindi kami papayag na hindi ka namin makasama sa finals."
"Maraming salamat talaga sa inyo." naluha siyang sabi.
"You are welcome."
Humarap na siya sa marble stone na mas matangkad pa sa kanya.
Sa pag uukit, isipin mo na nasa loob ng bato ang nais mong hugis na nilabas. Ang gawin mo, tanggalin mo ang mga hindi kailangan bahagi para ilabas mo ang hugis na gusto mong makita ng tao. Tanggalin mo ang hindi kailangan. Para kang superhero na hinahawi ang lahat ng mga hadlang para makalabas ang mga gusto mong iligtas. Ikaw ang magpapalaya sa hugis na nakakulong sa napakalaking tipak na bato. Ilabas mo siya.
Iyon ang naalala niyang sabi ng kanyang Papang noong tinuturuan nito ang kuya Mario niya na umukit ng image ng mukha ng nililigawan nito. Naiinis siya dahil hindi siya lumapit sa kanyang ama sa kanyang suliranin. Pero ang mga alaala niya sa kanyang ama patungkol sa pag uukit ang lalo nagbibigay lakas sa kanya na gawin ito.
"Oh my God!" nanlaki ang mga mata ni Caitlyn at napanganga ito nang lumabas na si Voltaire na nakatapis ng tuwalya.
Nakita na niya ang katawan ni Voltaire pero ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. Talagang may power ito na pag-iniitin at palamigin ang kanyang dibdib at the same time.
"With the model like this, i am sure magiging maganda ang David sculpture version mo, Jeanine. Hindi lang basta gwapings ang nakuha mong model , he has a nice muscular cuts." amaze na sabi ni Justine.
"Wait, may kamukha siya." napakunot noong reaksyon ni Caitlyn.
Alert siyang napasulyap kay Caitlyn.
"Sukatan ko na siya." agad na niyang kinuha ang caliper para gawin na niya ang pagsukat sa mukha ni Voltaire. Tinapangan niya ang loob para labanan ang kung anumang mainit na puwersa na umiikot sa kanyang buong sistema dahil sa magandang hubog ng katawan nito.
"How long it will take?" mahinang tanong nito nang gamitan na niya ng caliper ang magkabilang mukha nito.
"Bibilisan ko, alam ko rin na hindi ito okay sa iyo."
"Honestly, magandang experience ito. First time ko gagawin ito. Sana maging maganda ang paggaya mo sa akin."
"Sure ka?"
"Kapag pangit ang kinalabasan nito, i will hate you."
Napakibit balikat na lang siya at nagfocus sa pagkuha ng sukat nito.
SINIMULAN na ni Jeanine ang pag ukit ng marble. Bini- Videohan siya ni Justine. Nakiusap lang si Voltaire na huwag siyang isama sa video na pinagbigyan naman nila. Mga ilang oras lang ay nagawa na niya ang ulo hanggang balikat sa harapang bahagi. Na excite pa siya lalo nang makita niya ito.
"Umpisa pa lang ang ganda na." natuwang kinunan ito ng picture ni Caitlyn.
"Break muna tayo, tawagan ko lang si Rabelle na hindi ako makakapasok. Kailangan kong mapagpatuloy pa ito kahit umabot sa kalahating bahagi."
"Okay, bibili na rin kami ng pagkain ni Rigor." prinsinta ni Caitlyn at agad na nitong niyaya si Rigor. Salamat kay Justine at pinahiram muna nito ang jacket para takpan ang kahubaran ni Voltaire.
"Kumusta." nilapitan na niya ito.
"I miss this act. Hindi halos nalalayo sa daily routine ko sa Japan. Isang bagay na surrender ko para kay Serena.
Serena na naman.
Pinuntahan nito ang on progress na sculpture niya at nakita niya ang ganda ng ngiti nito. Hindi niya mawari kung bakit may siglang dumayo sa dibdib niya nang makita niya iyon sa mukha ni Voltaire.
"Marvelous! It's so beautiful. I can't believe na nagawa mo ito!"
Mas Guwapo siya kapag nakangiti. Isang maputi at masarap na ngiti.
Ngunit bigla rin itong napalis. He is a lonely boy again.
"I remember, ginawan din ako ni Serena ng image ko. A painting. Nasa unit ko siya sa Tokyo. "
Talagang hindi siya maka move on kay Serena. Mahal na mahal niya talaga si Serena...
"Mahahanap din natin siya. At iyon ang paghandaan mo habang hindi pa iyon nangyayari."
Pilit na ngumiti si Voltaire at nang dumating na sina Rigor at Caitlyn ay kumain na sila ng pagkaing binili ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomanceHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...