The Fix 1

74 7 0
                                    


HINARAP ni Jeanine si Sir Robert sa Executive office ng Hotel Thalassa kasama si Sir Rupert at si Cassie, ang secretary ni Rupert. Halatang pinilit lang ni Robert na maging maayos para mapag-usapan ang tungkol sa Millenial David. Ang laki ng ipinayat nito. 

"I am sorry disappoint you pero hindi ko na po ibibenta sa inyo ang Millenial David." buo ang loob niyang sabi.

Nagkatinginan ang magkapatid at marahas na huminga si Robert.

"I thought you had an agreement." nadisappoint nga si Sir Rupert.

"I will take care to her, just wait outside." kalmadong sabi ni Sir Robert ay umalis na nga ng office si Sir Rupert at Cassie.

Kinabahan na siya dahil sila na lang ni Sir Robert ang naroon. Nangangamoy interrogation.

"Hindi ba may pinag-usapan na tayo." pagpapaalala sa kaniya ni Sir Robert.

"Alam ko po pero nagbago ang desisyon ko. I'm sorry po." nahihiya niyang sabi

"Dahil ba kay Voltaire?"

Napalunok siya.

"Akala ko hindi ko alam na nagkikita kayo. Hindi ko akalain na lasing ka pala kausap."

"I am sorry sir..." hindi na siya makatingin nang diretso.

"Ang desisyon mo lang ba na ibenta ang Millenial David ang nagbago?" may sarkasmong tanong nito.

Nagi-guilty na siya. Hindi siya makapagsalita. It's a hot seat.

"Akala ko hindi ko malalaman? Yesterday, kakalabas ko palang sa hospital ay dinalaw na ako ni Serena sa bahay. Bagay na hindi niya pa nagawa dahil sa hiya at takot sa pamilya ko pero ginawa niya iyon dahil sa galit. Bakit sinabi mo na sinabi ko ang tungkol sa nangyari sa kanya?" naluha nang sabi ni Robert. Inaasahan niya na sasabog ito na parang bulkan pero isang kalmanteng alon lang ang tinanggap niya pero tila may mga dikya iyon na nag-iwan sa kanya ng mga nakakatusok na tentacles sa kanyang puso.

 Nakakaguilty. Nakakahiya. Nakakaiyak.

"Are you guys official?" in his next level of sarcasm.

"Yes." 

"Mukhang obvious na sa pinag-usapan natin ay wala kang tinupad. I thought maayos kang kausap. It seems that I cant trust you. I failed to take the risk just to make Serena happy before I died. Sana hindi mo na lang sinabi kay Serena ang ipinagtapat ko sa iyo. Magiging maligaya ka naman kahit hindi mo iyon sabihin. O gusto mo lang din na masira sa paningin ni Voltaire si Serena...."

"Hindi totoo iyan!"  napaasik bigla si Jeanine sa huling sinabi ni Robert.

"Tanggap ko ang kasalanan ko sa pagbali ko sa napag-usapan natin. Hinihingi ko iyon ng sorry kanina pa. Pero ang pagmukhain siyang sira kay Voltaire. Hindi ko intensyon iyon. Pero mabuti na rin na nangyari ito at para sabihin ko ito sa iyo, ipaglaban mo ang pagmamahal mo kay Serena. Be man enough to fight that love inside of you! Kung mamatay ka naman, mamatay ka na nasa piling ka ng mahal mo at ipinaglaban mo siya kahit sa kamatayan!"

Biglang napalis ang sarkasmo sa mukha ni Sir Robert.

"Salamat sa oras. Aalis na po ako." naging magalang pa rin siya kahit na pinainit ni Robert ang kanyang dibdib.


PABALIK si Jeanine sa Oxford at muli silang nagkasalubong ni Serena na nakita niyang kalalabas lang ng bahay nito. Umiwas ng tingin sa kanya pero pinili niya ang sarili na harapin ito.

"Pwede po ba kayong makausap, Miss Serena?"


PINAUNLAKAN ni Miss Serena ang paanyaya ni Jeanine. Kumain sila sa silang Sizzling Restaurant na malapit doon.

"I used to eat in this place. Malaki ang pinagbago ng lugar.It became more class but still the food served deliciously as it should be." na impress na reaction ni Serena nang kumain sila ng Grilled T bone Steak.

"Ito ang best seller nila sa loob ng dalawang dekada. Kulang pa ito sa mga magandang mga nagawa niyo sa akin ni Sir Robert. Nakipagkita po ako sa inyo Miss Serena para humingi ng sorry. Hindi ko po nagsuklian ng maganda ang mga magandang nagawa niyo sa akin." naiyak na siya sa sobrang guilt.

"Jeanine..."

"Sana po huwag po kayo magalit kay Sir Robert. Ginawa lang po niya na sabihin sa akin ang nangyari sa inyo para rin po sa inyo. Mahal na mahal po kayo ni Sir Robert."

"I know but I dont deserved any of their love. Kay Robert lalo na ni Voltaire."

"Hindi totoo iyan, Miss Serena."

"That night when someone shattered me, still haunts me. Kinaya ko naman na mabuhay gaya ng dati pero hindi ko pala makakaya nang matagal. They dont deserved me dahil hindi ko matanggap ang nangyari sa akin." napahagulhol nang sabi ni Serena at naawang nilapitan iya ito at niyakap.

"Hindi ko sinabi ito kay Voltaire at pinili na mawala sa buhay niya dahil ayaw kong pati siya ay mahirapan sa kalagayan ko. At ngayon pinili ko rin na mawala rin kay Robert dahil nasisisra na sila ng kanyang pamilya dahil sa akin. Masaya na ako na kahit paano na minahal nila ako. Kuntento na ako doon. Iyon na lang, Jeanine. They deserved someone better than me."

"Regain yourself!"

Nagulat silang napatingin sa nagsalitang iyon.

"Voltaire?" sabay pa sila ni Serena.

"I am sorry Voltaire!" naiyak lalo na yumakap si Serena kay Voltaire.


LUMABAS ng restaurant  si Jeanine para makapag-usap nang sarilinan sina Voltaire at Serena. Mainam na iyon para masira na ang dapat masira at makapagsimula ng bagong samahan. Tiwala naman siya kay Voltaire. Habang naghihintay sa labas ay may natanaw siyang kotse na papunta rin sa restaurant. Huminto iyon sa parking lot at ilang sandali lang ay lumabas doon si Robert na inaalayan ng secretary na si Jerome. Agad din naman siyang napansin ni Robert.

"Bakit nandito siya?" nagtakang tanong niya sa sarili

At papalapit ito sa kanila.

"Jeanine."

Hinarap niya ito nang may paggalang kahit na sumama ang loob niya dito noong huli silang magkita.

"Nanggaling ako sa inyo at napagtanungan ko sa mga kasama mo sa boarding house na nakita ka raw dito sa Sizzling House."

"Bakit po? Kung ang tungkol po sa Millenial David, hindi na po talaga magbabago ang desisyon ko..."

"Hindi iyon ang pinunta ko dito. Alam ko ang ginawa ko last time we met. I just want to say sorry. Nadala lang ako ng emotion ko."

"I understand sir. Wala na po iyon sa akin."

"Nasa loob po sina Voltaire at Miss Serena. Nag-uusap po sila."

"Nandito si Serena?" hindi makapaniwalang reaksyon ni Sir Robert.

"Nagkausap na po kami ni Miss Serena. Nakipag-ayos na rin sa mga bagay bagay lalo na ang tungkol sa naging nakaraan nila ni Voltaire nakakakaapekto sa present natin. We deserve to start a new life. Kayo na rin ni Miss Serena. Sana magkaayos na rin kayo."

"I admired your guts and sincerity to fix things at your young age. Kami itong mga matatanda, kami pa itong inaayos mo. Voltaire is so lucky to have you."

"Ganoon po dapat para lahat ay may peace at may kakayahang makahinga nang maluwag. At sana hindi rin po kayo mapagod na ipaglaban si Miss Serena. Deserve niyo rin po na lumigaya at alam ko na si Miss Serena po ang makakapagbigay niyon sa inyo.At ganoon din po kayo sa kanya."

"Babalikan pa ba niya ako?" umaasang tanong ni Sir Robert.

"As long as you know how to love you will stay alive..."

"Even if I am dying."

"Mas masaya na mamatay nang nagmamahal. Fight for that love. You deserve to be happy Sir."

Naiyak sa tuwa si Sir Robert sa kanya at masaya siya dahil nainspire niya iyo to be confident in love.

Scent of a Lonely manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon