Chapter 16
Natuwang ngumiti si Voltaire. Lumapit ito sa kanya at bumulong.
"May kapalit iyon."
Nanlaki ang mga mata niya at napasinok siya sa gulat na napatingin ito.
Isang malapag na ngiti ang sumulok sa labi ito.
Kinabahan siya at agad na napayakap sa dibdib niya.
My God?
"Ano'ng kapalit?" nag-aalala niyang sabi at napaatras dito.
Muli itong bumulong sa kanya.
"Sabihin ko sa iyo kapag okay na ang lahat. I have a plan and you have a big role to make that happen."
His fresh breath brushes her ears up to her hair. Narinig pa niya ang pagak nito at naglakad na pabalik sa lugar kung nasaan ang mga kapatid niya.
"Tara, kumain muna tayo with your brothers."
Hindi niya maiwasang mapaisip habang sumunod siya dito.
Ano'ng binabalak mo, Voltaire? Ngayon lang sa buong buhay ko na nagkasundo ang puso at isip ko at pati ang katawan ko na nagsasabi na mabuti ka. Kulang ang pasasalamat sa ginawa mo sa Papang ko. Kung ano man iyang binabalak mo at may gagawin ako bilang kapalit ng pagtulong, sana kaya ko. Sana....
SOBRANG naninibago si Jeanine sa inaasal ng mga kapatid niya sa sobrang bago sa kanya. Hindi ito masyadong hospitable at warm sa mga tao lalo na kabilang sa kanyang sirkulo. Tanging si Voltaire lang ang nakasundo ng mga ito at ngayon kumakain sila sa malapit na Food den sa Hospital. She felt out of place dahil ang tatlong ito na lang ang nakukuwentuhan.
"Masarap pala itong Adobong tagalog. Salamat sa treat niyo. Hindi ako kumakain masyado ng meat pero napakain ako ng marami sa sobrang sarap." natuwang sabi ni Voltaire.
"Wala ito sa kalingkingan ng ginawa mo. Pero gusto ko sana bayaran ka kahit paunti-unti." ani Kuya Mario.
"Bayaran? hindi iyon utang. Tulong ko iyon."
Akala ko ba walang kapalit? Iba ang pakikiharap niya sa mga kuya ko. Iba siya!
"Masyadong napakalaki ng tulong na iyon. Hindi sa pride o sa kung anuman. Sana hayaan mo na mabayaran ka namin. Hindi birong halaga ang inilabas mo."
"Hmm... kung gusto niyo na mabayaran iyon madali akong kausap. Just be the best brother for Jeanine."
"Ha?" bigla niyang nasapo ang dibdib at napatingin sa kanyang mga kuya.
"As i said you are blessed to have a sister like her. During my stay here. Kahit na isa akong stranger, matigas ang ulo at stubborn. Nandiyan siya at tinulungan at dinamayan ako. I admit, she bring out the best in me."
Hala siya? Ano ang pinagsasabi niya? tila may libo-libong kiliti at kilig ang bumalot sa kanyang puso.
"Tanong ko lang pare. Ano'ng mayroon pala kayo ni Jeng?" may curiousity na tanong ni Jay-ar.
"Kuya Jay-ar? saway niya kasabay na pag-init ng kanyang pisngi.
Pagak na natawa si Voltaire.
"She is just like a sister. i have a girlfriend in Manila at tutulungan ako ni Jeanine to win her back."
Kung kanina ay libo libong kiliti ay kilig ngayon ay napalitan iyon ng libo libong yelong sibat direktsa sa puso niya. Bakit may sakit siyang nadama? Isang malamig na pain. Pinilit niyang ngumiti para maibsan iyon.
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomanceHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...