The Plan

172 11 0
                                    


Chapter Two

MEDYO stress na pauwi na si Jeanine. Normal na iyon and hindi na niya iyon iniinda.Anim ang Kwarto ng Oxford Compound. Tatlo sa ibaba at tatlo sa itaas. Nasa taas ang kanyang kuwarto sa bandang kaliwa. Bago siya umakyat ng hadgadan papunta sa kuwarto niya ay madadaanan niya ang tatlong kuwarto. Sa unang kuwarto ang nakatira ay isang dalawang nursing student na sina Fernie at Liezel. Nakikita niya lang ito kapag walang pasok ang mga ito. Tubong Leyte na lumuwas ng Manila para mag-aral. Sa gitnang kuwarto naman ang nakatira ay isa sa mga matagl nang tenant. Si Ma'am Mira na isang matandang dalagang teacher. Medyo masungit ito at ayaw ng maingay. Sa ikatlong kuwarto ay si Rockford at ka-live-in na si Madel na nagtatrabaho sa Dept Store bilang mga salesman at saleslady. Medyo matagal na ring tenant. Pag-akyat niya ay naroon ang kuwarto niya at katabi niya sa gilid ay si Karlo. Isang Store supervisor ng isang restaurant at sa bandang gilid ang nakatira ay isang Dance Instructor at pinakama-maingay na madalas kaaway ni Ma'am Mira, ang kikay na si Valerie.

Sa wakas nakauwi rin...

Pagkabukas niya ng pinto ng kanyang kuwarto ay bigla siyang napaatras at nagulta nang may Makita siyang lalake na nakahiga sa kama niya. Namalik-mata siya at hindi makapaniwala sa nakita. Muli siya lumabas ng Compound at hinagod ng tingin ang kabuuan ng Compound.

"Tama ang pinasukan ko. Oxford Compound!" binasa pa niya ang naka-engrave na lettering ng Oxford Compound sa pinaka centerview ng lumang paupahan.

"So, nasa tamang lugar ako! Humanda sa akin ang natutulog sa kuwarto ko kung sino man siya!" dali dali siyang bumalik sa loob ng compound para harapin ang estrangherong walang paalam na natutulog sa kuwarto niya.

"Hoy!" binuksan niya ang ilaw at napatda siya nang makita niyang wala nang natutulog na lalake sa kama niya.

"Asan na iyon?" napakamot batok siya at nasuyang hinanap ito sa paligid ng kuwarto niya.

Agad siyang nag-check ng mga gamit niya mula sa mga aparador niya kung saan naroon ang mga damit niya ang enveloped paper files niya. Hindi iyon nagalaw. Pati ang alkansyang kawayan niya ay naroon pa. Pati ang mga painting materials niya at mga

lapis, ball pen ,sign pen at technical pen ay kumpleto ang bilang na nakalagay pa rin sa

tin canister. Kung anong hitsura ng mga bagay na iniwan niya sa kuwarto nang umalis siya at ganoon niya ring dinatnan.

Maliban sa kama niya na nadaganan na ng katawan ng tao na kanila pinalitan pa niya ng bagong labang mattress na yellow green.

Napansin niyang bukas na bukas ang bintana. Dumungaw siya doon at nagsuspetsa siya na baka doon dumaan ang lalake palabas.

Hindi ako puedeng magkamamali. May nakita akong nakahiga sa kama kanina!

Muli niyang hinalughog ang paligid. Sa aparador niya at sa ilalim ng kama niya.

Hindi kaya namalik-mata lang ako?

Naguguluhan siyang napaupo at kinilabutan.

Natigilan siya nang makita siyang kulay itim na jacket sa bandang sulok ng kama niya. Nagtatakang kinuha niya iyon at doon niya natiyak sa sarili na hindi siya namamalikmata kanina.

Hindi kaya sa lalakeng iyon ang jacket na ito? Wala akong ganitong klaseng jacket!

Inamoy niya ang jacket. Napapikit siya at sumagi sa isip niya ang malamig na simoy na hangin na hinahalikan ang maalong dagat nang malanghap niya ang pabangong nakakapit sa jacket.

Ang bango! Hindi niya mapigilang amuyin iyon. Nakakabuhay ng dugo na wari kinikiliti ng libu-libong anghel ang kanyang pandama.

Pero naroon ang kuryosidad niya kung sino ang estrangherong lalakeng iyon at ano ang ginagawa nito sa kuwarto niya

Scent of a Lonely manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon