The Confession

95 8 0
                                    


Chapter 26 The Confession

RERESPONDE ang mga guard at marshall sa paghila palabas ni Voltaire kay Jeanine pero agad na binalaan ni Voltaire ang mga ito.

"I am her boyfriend. Huwag kayong makialam!"

Mabilis  na nailabas si Jeanine ni Voltaire sa club. 

"Dito tayo mag usap. Hindi maingay. Walang tao. Tayo lang!"mariing sabi ni Voltaire.

"May mga kasama ako sa loob. Si Rabelle at Boss namin."

"I said tayo lang ang mag uusap. Kailangan nating mag -usap. Bakit nagkakaganyan ka? Hindi kita maintindihan."

"Mas hindi kita naiintindihan. At kahit noon pumasok ka sa buhay ko kahit hindi kita maintindihan, inintindi kita! napika niyang sabi sabay duro sa dibdib nito. Nabasag na ang tinig niya at nagsimula nang maluha. Biglang natulala sa kanya si Voltaire.

"Bakit umiiyak ka?"

"Wala kang pake!" hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob na sigawan ito.

"I just want to tell na dumaan ako sa school niyo at wala ka. Nag clearance na sila Caitlin at hinahanap ka ng Prof niyo. Nandoon ako sa school. They are celebrating your breakthrough. Proud sa iyo ang school niyo...."

"Tama na. Alam ko na ang gagawin ko. Gawin mo na lang ang purpose mo na nakuha mo na. Babae ako at nakita ko ang dismaya ni Serena nang malaman niya na ikaw ang boyfriend ko."

Seryosong napatingin sa kanya si Voltaire.

" Trust your instincts, and make judgments on what your heart tells you. The heart will not betray you. sabi yan ni David Gemmel. At sinasabi ng puso ko na mahal ka pa ni Serena nang malaman niyang tayo kaya ano pang hinihintay mo. Pursue her back at huwag mo na akong gambalan. Huwag ka rin mag-alala. Iyong scheme natin, sasabihin ko na kunwarian lang para ma win mo siya uli. Okay na?" sinasabi niya iyon na nag iinit ang kanyang dibdib at mga mata sa sakit. Sakit na matagal na niyang iniinda dahil sa kanyang damdamin kay Voltaire.

"Paano kung sabihin ko na wala na akong balak na gawin iyon?"

Siya naman ang natigilan. Lalong naging seryoso ang guwapong mukha nito. Lumapit ito at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

"Gusto ko gising ka kapag ginawa ko ito."

Biglang hinigop ng labi nito ang labi niya at masuyong  hinimay iyon at lumalim na tila kuryente na kinikiliti ang kanyang kalamnan at kaluluwa. Lalo pa iyong lumalalim at niyakap siya nito pakabig sa matigas at mainit nitong katawan. His hot and yes cold lips makes her temperature rise at kusang niyang sinalubong ang halik nito. Lalong lumalalim, dumidiin at bumibilis na halos kapwa hindi na sila makahinga. Her heart is pounding. Ito pa ang nagbibigay lakas para kayanin pa ang pagsakop ng pumupusok na labi nito sa kanyang labi.

Hindi! may bahagi ng isip niya na nanlaban at malakas na tinulak ito. Kapwa sila hingal na hingal at gulat na gulat.

Baka iniisip niya na ako si Serena. Isang praktisan ng halik na hindi para sa akin. 

Sa naisip niya na iyon ay biglang nag init siya sa galit at buong lakas na sinampal si Voltaire. Tinanggap iyon ni Voltaire pero parang hindi naman ito nasaktan at natingnan pa rin siya nito habang patuloy na hinihingal.

"Ano pa ba ang gusto mo? Praktisin natin kung paano tayo maghalikan sa harap ni Serena. Tama na, Voltaire. Huwag na ako , iba na lang!"

Napangiti pa ito na nasapo ang labi.

"Anong nakatatawa? Nasasanay ka na na pag trip-an mo ako. Tama na Voltaire. Gusto ko nang bumalik ang dati buhay ko na tahimik. Ayaw ko nang bulabugin mo ang buhay ko. Nandyan na uli si...."

"Now irealize na may dapat kang aminin?"

"Anong aaminin ko?"

"That kiss makes me think that you love me. I feel it more than physical."

Nagulat siya at hindi siya makapagsalita. Para siyang na bulls eye nito sa nalilito at nasasaktan niyang puso.

"Isang tanong lang, Jeanine. Kahit kailan ba, hindi mo ba ako nagustuhan?"

Naiyak siyang umiwas ng tingin at tinalikuran ito at diretso na naglakad

"Tama na. ayoko na!" 

Natatakot siyang umamin kahit na gusto nang isigaw ng puso nito kung gaano na niya ito kamahal. Dahil alam niya na si Serena ang gusto nito.

"Liar!" galit na sigaw nito

Nagulat na nilingon niya ito.

"Hindi iyan ang sinabi mo kay Rabelle. Narinig kita kanina. Nasa labas ako ng kuwarto mo. Kailan mo pa itinatago ang feelings mo sa akin?"

"Mahalaga pa ba sa iyo ang kung anuman ang nadarama ko sa iyo. Alam ko naman na si Serena ang mahal mo? Ano pa na malaman mo. At ngayon alam mo na huwag kang mag-alala hindi ako aasa na mamahalin mo rin ako."

Tinitigan lang siya ni Voltaire. Para itong na stone curse.

"Kung sasabihin ko ba na mahal kita, mamahalin mo rin ba ako? Alam kong hindi pero sa tuwing nandiyan ka para akin. Sa mga haplos mo, sa pagdamay at pagbuhat ng bigat ko, hindi ko kinaya na labanan ang nadarama ko sa iyo. Hindi ka naman mahirap mahalin, Voltaire. I am sorry na minahal kita. I am sorry!" naiyak na tumakbo siya. Hindi niya akalain na maaamin niya ito at dahil sa magkahalong nerbiyos. Agad siyang nagpara ng taxi at nakasakay niya. Gusto niyang lumayo dito. Tama na nasabi niya ito. 

Hindi ko na alam ang mga susunod na mangyayari pero kahit nasabi ko na mahal ko siya ay walang nagbago. Ituturing niya lang ako na isa sa mga babae na humahanga sa kanya at nagjajangad sa kanya. Tama na. Ayaw ko nang paulit ulit nang masaktan dahil sa kanya.

"Saan tayo miss?" tanong ng driver.

"Sa Sampaloc po!" basag ang tinig niyang sagot.

Nagring ang phone niya. 

Baka sina Rabelle na ito. Nakakahiya na bigla akong umalis.

Nagtaka siya dahil hindi nakaregister ang number sa phone niya.

"Hello, Sino ito?" may curiousity niyang sinagot iyon.

"Jeanine. Its Robert."

"Sir Robert?"

"Kanina pa kita tinatawagan. We need to talk about the Millenial David. Puede ba tayo mag meet tomorrow sa Office ko sa Hotel Thallasa."

"Pasensya na Sir at ngayon lang po ako nakasagot pero sige po."

"You sound bad? Maysakit ka ba?"

"Ha? ah, medyo lang po."

"Ah kaya siguro di mo masagot mga tawag ko kanina. Take medicine and rest and tomorrow is another day."

"Thanks sir. See you tomorrow."

Nakarecieve siya ng text mula kay Rabelle.

Nasaan ka? Olay ka, iniwan mo ako kasama si Sir!

Nagreply siya.

I am sorry. Kailangan ko nang umuwi. Sumama pakiramdam ko.

Mabilis na nagreply si Rabelle

Kaloka ka. Sige sabihin ko na lang kay Sir Brody, nag-aalala kaya!

 Naisip niya na kailangan may pagtuunan siya ng pansin sa halip na isipin at pusuin si Voltaire.  

Kinaya ko na wala siya, kakayanin ko kahit nandiyan lang siya sa paligid. Kung anuman ang laban niya, ayoko nang sumama dahil ako ang nagiging sugatan. Tama na, tama na. Haharapin ko ang talagang dahilan bakit ako nandito para sa aking pangarap. Sana kaya ko....






Scent of a Lonely manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon