Chapter 21
"OH MY God! Ikaw na ba iyan? Jeanine. Ang ganda mo? Ang ganda ganda mo na! Ang ganda ng buhok mo. Parang model ng shampoo. Mas lalo mo naging kahawig si Erich Gonzales!" na amaze na sabi ni Caitlin. Nagkita sila sa Z Lite habang naghihintay ng duty niya.
"Hindi kita pinapunta dito para sabihin na maganda ako at..."
"Teka, bakit ako lang ang niyaya mo? Hindi ba ito pre- celebration para sa pagpili sa Artwork mo sa Exhibit ng Omorphia Techni Arts. Kung hindi pa sinabi ni Sir Barbarosa ang participation mo doon hindi namin malalaman." ani Caitlin. Nagkita sila sa Z Lite habang naghihintay ng duty niya.
"Hindi ko rin nasabi sa inyo dahil sa nangyari kay Papang. Umuwi ako ng Paete. Mabilis ang mga pangyayari."
"Kumusta na pala ang Papang mo?" bigla itong nag-alala
"Okay na siya. Tapos na siyang ma operahan.
"Okay naman pala ang Papang mo? Bakit malungkot ka?"
"May sasabihin ako Cait. Hindi ko alam ang gagawin ko. At sana hindi ito makakalabas."
"Ano iyan? Kinakabahan ako diyan?"eksaheradang nasapo ni Caitlin ang dibdib at nanlaki ang mga mata sa kanya.
"Huwag ka namang OA. Hindi iyan ang kailangan ko. Kailangan ko ng matinong kabigan lalo na't nalilito ako sa nararamdaman ko."
"Ano bang problema? Okay sige, seryoso na ako."
"Kami na ni Voltaire...." nilakasan nya ang loob niyang sabi sa kabila ng matinding kaba.
"Hmm... inasahan ko na iyan. Buti na lang nilagyan mo na ng label."
"Makinig kang mabuti, hindi ito ang iniisip mo. It is a fake relationship. Kami, pero hindi kami!"
"What do you mean?" napataas kilay na tanong nito.
"Kailangan namin umarte na kami para mapagselos niya ang ex girlfriend niya na fiance ng may ari ng Omorphia."
"Wait. Ano'ng nangyayari? Naloloka na ako. Makikinig ako sa anumang gusto mong sabihin. Okay then, I understand. You need someone to listen. "
" Caitlin, sa buong buhay ko ngayon ko lang ito naranasan. Simple lang naman ang gusto tahimik nabuhay, makatapos ng pag-aaral at maging isang artist. Pero hindi ko akalain na malalagay ako sa sitwasyong ito na hindi ko alam kung paano ihahandle."
"Ano ang malinaw na sitwasyon mo? I will try myself to understand and help you as well."
"Pumayag ako sa gusto ni Voltaire na magpanggap na girlfriend niya para mapagselos si Serena Esperanza. Kaya siya nandito sa bansa at iniwan ang magandang estado niya sa Japan para kay Serena."
"Hala, Bakit ka pumayag?"
"Dahil tinulungan niya kami na mabayaran ang operasyon ni Papang."
"At ito ang kapalit. A fake girlfriend to win his ex girlfriend? Bakit napunta ka sa ganitong sitwasyon, Jeanine?"
"Pero hindi lang iyon, Caitlin. Sa tingin ko, nahuhulog na ako sa kanya."
"What?" nagulantang na reaksyon ni Caitlin.
"Alam ko hindi dapat dahil alam ko na may mahal siya pero hindi ko maawat ang damdamin ko sa kanya. Hindi siya mahirap mahalin."
"Hindi ko alam kung paano ka matutulungan kahit gusto. wala akong idea. Sorry friend."
Mapait siyang ngumiti.
"Kapag nakuha na niya ang gusto niya mawala rin sana itong nararamdaman kong ito. Kahit masakit sa loob ko sana ay balikan siya ni Serena. Iyon naman talaga ang gusto niya. Hindi ako."
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomanceHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...