Chapter Six
SOBRANG PASASALAMAT ni Jeanine kay Karlo sa agarang pagsaklolo nito kay Voltaire. Ito na rin ang nagbihis sa basang basa , tulala at may sakit nang lalake. Hindi ito nagsasalita kapag kinakausap nila kaya siya na lang kinakausap ni Karlo. Alam niya na maraming gusto malaman ito sa nangyari.
"Maayos na siya at mukhang kailangan niya ng pahinga para bumaba ang lagnat niya. Pagkagising niya painumin mo siya ng gamot."
"Salamat at nandito ka, Karlo. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa isang ito."
Napakunot noo si Karlo sa kanya.
"Ano mo ba siya?" nagtakang tanong nito.
Sasagutin na niya ang tanong nang biglang dumating ang may ari ng Oxford Compound. Si Manong Oxford.
"Jeanine."
"Manong Oxford?" nagulat sila ni Karlo sa presensya nito.
"Wala pa pong katapusan, Manong. maniningil ka na po. Wala pa akong pambayad." nabahalang wika ni Karlo.
"Grabe ka, Karlo. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon pumupunta ako dito para maningil. Nandito ako para kausapin si Jeanine at tignan ang sinasabi niyang sira sa bintana."
"Ngayon niyo po titingnan?" nagtakang reaksyon ni Jeanine. Kung kailan may bagyo ay saka ito magtsi check.
"Sige po. May sasabihin din po ako sa inyo eh." naisip niya na sabihin din sito ang problema niya kay Voltaire. Mukhang mas may maitutulong ito upang hindi na ito makaabala sa kanya.
"Sige na, Jeanine. Kailangan ko na rin magpahinga. Pasok na ako sa kwarto ko." Paalam ni Karlo.
Agad siyang hinila ni Manong Oxford papasok sa kwarto niya at agad iyong ni-lock. Nang makita nito si Voltaire ay agad na nilapitan ito ni Manong Oxford.
"Diyos ko, ano'ng nangyari sa kanya?"
Lalo siyang nagulat at nagtaka.
"Kilala niyo siya Manong Oxford?"
"Oo, Jeanine. Hindi ko maaaring kalimutan ang alaga ko. Siya si Voltaire. Hindi ko akalain sa ganitong sitwasyon ko siya uli makikita." naluha ito. Halatang concern na concern ito kay Voltaire.
"Kailan pa siya nandito?" tanong nito sabay pahid ng luha.
"Kahapon ko lang siya nakita pero mukhang matagal na siyang labas pasok dito sa bahay."
"Pasaway na bata. Kahit kailan talaga matigas ang ulo niya."
"Ano po bang kaugnayan ni Voltaire sa inyo?" curious niyang tanong.
"Manong Oxford...." nagising na si Voltaire. garalgal ang boses.
"Voltaire! Bakit nandito ka? Kailan ka pa nandito?" nag-aalalang sabi nito. Parang isang ama na nag aalala si Manong Oxford kay Voltaire.
"Paano mo nalaman na nandito ako?"
"Pinapahanap ka sa akin ng Daddy mo. Iniisip niya na nandito ka."
"Please, huwag mong ipaalam na nandito ako. Ayoko na sa Japan. Ayoko na maging modelo. Ayoko na maging tagapagmana ng Ichihara!" mula sa garalgal at nanghihinang tinig at bigla itong nagalit. Bigla rin itong naubo na parang asong kumakahol.
"Voltaire, ano bang nangyayari sa iyo?" naaawang reaksyon ni Manong Oxford. Kung hindi niya nakita ang paghaharap at pag uusap ni Voltaire at Serena ay hindi niya maiintindihan ang pinagdadaanan ni Voltaire. Sapat na ang mga nakita at nalaman niya para maging basag ang puso ni Voltaire. Wala nang ulan na magtatago ng mga luha nito. Nakita niya ang mabilis na pagluha ito na parang ulan at nabasa na nito ang makisig nitong mukha.
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomanceHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...