The Hopefully Devoted

71 8 0
                                    


Chapter 24 Hopefully Devoted

LULAN ng sasakyan si Voltaire at Jeanine. Mabilis na pinaandar ni Voltaire ang sasakyan.

"Hindi pa tayo nagpaalam kay Ma'am Serena at Sir Robert."

"Tawagan mo na lang sila. It's their fault. Private event iyon. Nagpapasok sila ng mga reporters." naiinis na sabi ni Voltaire.

Inis na inis na hininto ni Voltaire ang sasakyan at marahas na huminga. Hindi niya maiwasang mag-alala.

"It's not in our control now. Dahil sa mga reporters na iyon malalaman na kung nasaan ako." namurublemang reaksyon ni Voltaire.

"Hindi mo pa pala nagagawa ang mga dapat mong gawin. Ngayon palang umeepekto ang plano." aniya

"Iyan pa rin ang naiisip mo. Hindi ba dapat iniisip mo ang mga susunod mong gagawin bilang isang artist."

"Hindi ko na halos naiisip iyon dahil ang iniisip ko ay ang nais mo, ang bumalik sa iyo si Miss Serena." 

Hindi makapaniwalang sumulyap sa kanya si Voltaire.

"Iniisip po pa rin iyon."

"Hindi ba dapat isipin ko iyon. Nararamdaman ko na nagseselos na siya."

"How can you say that?"

"Babae din ako. Nakita ko kung paano niya tayo tingnan. Hindi siya makapaniwala. Hindi pa natatapos iyon hanggang sa kinausap niya ako nang sarilinan. Parang may nais pa siyang malaman. Kung hindi ka dumating baka malamanan na natin ang kasiguruhan na mahal ka pa rin niya.Hindi naman agad nawawala iyon  gaya ng inaasahan mo." 

Napansin niya na naging blangko lang ang reaksyon ni Voltaire. Inaasahan niyang matutuwa ito o mabubuhayan ng bagong pag-asa.

"Hindi ka ba natutuwa?" untag niya. Sana handa siya sa positibong isasagot nito.

"Hindi ko alam. Something weird is happening.  I can't explain it."

"Anong ibig mong sabihin?" nalito na siya. Hindi niya inaasahan ang kalituhan nito. Iniisip niya na nag-aalala lang ito dahil malalaman na sa Japan na nasa Pilipinas siya. Baka takot ang nadarama nito. Takot na malaman ng Papa nito na nasa bansa siya at pabalikin siya.

Matamang tinitigan siya nito. Pakiramdam niya ay sa lahat ng nilikha ay siya lang ang focus na tinitigan nito. Hindi pa siya natitigan nang ganoon. Mata sa mata. Mata sa ilong. Mata sa labi at ibinalik ang mga titig nito sa kanyang mga mata.

Nakainom ba ito? Nag serve ba ng cocktail sa Exhibit? 

Marahas itong umiwas ng tingin at sumandal sa kotse. Inis na nasapo ang ulo.

"Maybe I am crazy. I cant be..."

Naalala niya na halos ganoon din ang naging gesture nito nang marating nila kanina ang Hotel Thalassa.

"Ano'ng nangyayari sa iyo, Voltaire?" nag-iigting na ang kanyang pag-aalala.

Basa na ang mga mata na nakatitig sa kanya.

"I am sorry, Jeanine. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Wala ito sa kontrol ko. Gusto ko nang ialis ka sa magulo kong buhay. Nakita ko kung anong magandang future ang mayroon ka na. Kalimutan mo na ang napagkasunduan natin. Tinatapos ko na ang pagpapanggap natin."

"Bakit?" naguluhan niyang reaksyon. 

"I will be more complicated. Hangga't nasa control pa ako, I have to stop it and exclude you. You dont deserve the effect of my crazy actions. I am sorry."

Scent of a Lonely manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon