HOTEL THALASSA
Dito ginanap ang Omorphia Art Exhibit na isa sa mga inaabagang annual event ng kilalang Hotel heir at Art Philantropist na si Robert Thalassa at ng fiance nito na si Serena Esperanza. Habang nasa kotse si Jeanine at Voltaire at nakapark ang kotse ay napansin ni Jeanine na biglang natahimik si Voltaire.
"Ang daming tao." nagulat na reaksyon ni Voltaire.
"Oo nga, nahiya na tuloy ako." lalo siyang na tense.
Tumawag sa kanya si Serena.
"Hello, Miss Serena."
"Nasaan ka na, Miss de la Costa?"
Napatingin sa kanya si Voltaire.
"Nandito na po kami sa labas kasama ng boyfriend ko."
"Well good. Ipapasundo ko na kayo sa isa sa mga event staff. Sa ibang way kayo idadaan. Siya na ang bahala sa inyo."
"Thanks Miss Serena. nandito po kami sa parking lot. Ano ngang model ng sasakyan mo?" tanong niya kay Voltaire.
"Innova Touring sport." sagot ni Voltaire.
"Iyon Innova touring sport, kulay pula."
"If i am not mistaken kasama mo ang boyfriend mo right?" tanong ni Serena.
"Yes po? sa kanya po ang kotse at katabi ko siya ngayon."
"Okay, puntahan ko na lang kayo sa back lobby. Nandito na kami sa Hotel. See you then."
Tinapos na ni Serena ang kanilang pag-uusap.
"Susunduin daw tayo ng mga Event Staff kaya wait muna tayo."
Hinawakan ni Voltaire ang natetense niyang kamay.
Ramdam din niya ang panlalamig ng kamay nito.
"Nag-aalangan na akong ituloy ito, Jeanine."
"Bakit?"nagtakang reaksyon niya.
"Hindi ko alam. Somewhere in my heart tells na huwag ko nang ituloy ang kalokohan ko lalo na't hindi naman ako kasali dito. Makakagulo lang ako sa breakthrough mo."
"Voltaire?"
Marahas na huminga si Voltaire na hawak pa rin ang kamay niya. Nagsisimula nang uminit iyon.
"Nahihiya na ako sa iyo. Grabe nang abala ito sa iyo. Hindi ko pala kaya na idamay ka sa magulo kong puso."
"You mean, hindi na natin itutuloy itong pagpapanggap." matutuwa ba siya sa sinabi nito. Hindi niya rin malaman lalo na't gumuguhit ang lungkot sa mukha nito.
"Kapag sinundo ka na ng event staff, iwan mo muna ako dito. You will be showcase not me and my foolish act. Dont worry, maghihintay ako dito sa iyo hanggang matapos ang event. I am sorry, Jeanine. I am sorry."
Voltaire...nabahala siya sa reaksyon na iyon ni Voltaire. Hindi niya maiwasang mag-alala.
Hanggang sa dumating na ang event staff na kinatok sila sa kotse. Parang ayaw pa niyang iwan sa loob ng kotse si Voltaire. Napilitan na siyang lumabas at sinamahan siya papunta sa back entrance ng Hotel papunta sa venue proper ng Exhibit.
Ano'ng nangyari sa kanya?
NAGSIMULA na ang Art Exhibit.Si Serena ang host at ipinakita sa visual presentation ang lahat ng mga kasaling artist at kanilang mga obra. Nasa Hotel Auditorium sila at naroon din ang mga piyesa na kasali sa Exhibit.
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomanceHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...