The Emergency

76 9 0
                                    


NAGI-GUILTY si Jeanine dahil sa tagal ng panahon ay ngayon lang uli siya nagdasal. dasal na may kasamang pagluha. 

                 Lord Jesus, I am sorry ngayon lang uli ako nag dasal nang ganito. Nakakahiya man pero alam ko na kayo po ang higit sa lahat ay makakatulong sa sitwasyon ng aking Papang. Huwag niyo po muna kunin ang Papang. Please, Lord please. Gusto ko pa po siyang makasama at mapakita ko po ang pangarap niya sa akin. Please, Lord. Pagaling niyo po ang Papang ko!

 Natigilan siya nang may panyo na tumambad sa harapan niya. Hawak iyon ni Voltaire na ibinigay sa kanya habang nakahinto ang sasakyan.

"Sabihin ng tao pinaiyak kita"

"Thanks." tinanggap niya iyon at pinunasan ang basang basang mga mata.

"Malapit na ba tayo?"

"Mga twenty minutes from here." basag pa rin ang tinig niya nang sumagot.

"You really love your father."

"Sobra. Kaya ako nangangarap nang ganito para sa kanya. Wala na ang mamang kaya siya na lang ang mayroon ako. Kapag siya pa ang nawala, malaki ang mawawala sa buhay ko."

Umandar na ang kotse nang mag green na ang traffic light.

"Dont be anxious. Walang mangyayaring masama sa father mo."

Naantig siyang napatingin kay Voltaire.

"Salamat Voltaire. tatanawin kong malaking utang na loob ang ginawa mong ito."

Ngumisi lang si Voltaire at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

"Sino ngayon ang kasama ng father mo?"

"Mga kuya ko." may nguso niyang sabi.

Tumaas ang kilay ni Voltaire.

"Makikita ko na naman sila. Kung hindi lang dahil kay Papang hindi talaga ako uuwi."

"Hmmm. It seems na hindi mo kasundo ang mga kuya mo."

"Hindi talaga."

Bigla siyang may naalala at naalerto siyang napatingin kay Voltaire.

"Oh no?"

Tumaas uli ang malagong kilay ni Voltaire.

"Why?"

"Baka makita ka ng mga kuya ko?"

"What is wrong kung makita ako?"

"Naku, mas advance pa sa technology mag-isip ang mga iyon. Okay lang ba na pagkahatid mo sa akin sa hospital ay hintayin mo ako sa parking lot. Kilala ko iyon. Baka ipahiya ka lang iyon at bigla kang i interrogate."

"Bakit nila gagawin iyon? Are they freak?"

"Sakto, Freak sila. Kaya nga sila nakakainis. Kaya nga ako nagaral sa Manila para makalayo sa kanila. Mga pakialamero, tamad,hambog at namamahiya ng mga kaibigan ko lalo na mga lalake. Mga privacy invader pa!" nag-init na ang ulo niya habang naalala ang mga hindi magandang ginawa ng mga kuya niya sa kanya. Ayaw na niyang maulit iyon.

Pagak na natawa si Voltaire.

"Extreme naman. Obvious na galit ka sa kanila."

"Basta ayaw ko sila makasama. Kung hindi lang nangyari ito, hindi talaga ako uuwi. May plano ako na kapag nakatapos ako at palarin na makakuha ng magandang trabaho, dadalhin ko si Papang dito at aalagaan. Gusto ko siyang mag retire sa Manila kasama ko. Bahala na sila kuya sa Paete."

Matapos sabihin iyon ay tumahimik na siya. Patuloy na na nanalangin para sa kagalingan ng kanyang Papang.

Nang marating na nila ang Laguna Provincial Hospital ay agad siyang bumaba ng kotse nang makapag park si Voltaire. Agad niyang kinuha ang phone sa bulsa at tumawag sa kanyang kuya Jay-ar. Agad na namang iyong sinagot ng kanyang kuya.

Scent of a Lonely manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon