NAGHANDA na si Jeanine sa Z Lite para sa kanyang duty at hinatid siya ni Voltaire. Nakita nila sa labas si Sir Cody na kausap ni Rabelle.
"Jeanine." natuwang sinalubong siya ni Rabelle.
"Hello Rabelle. Kumusta po sir."
"I am fine. Hindi ka man lang nakapagpaalam last time we met and I think its about time na ipakilala mo ako sa kasama mo."
"Ah, sir. Si Voltaire Ichihara po. My boyfriend."
Shock na napatakip ng bibig si Rabelle.
"OA ah!" natawang palo niya sa balikat ni Rabelle.
"Sabi ko na nga ba ikaw iyon. Isa mga cover boys na ginayahan ko. I am Cody Zaragoza. Chairman ng Z-Lite."
"Nice to meet you Sir. You said na ginayahan mo ako, in what way."
"Ayaw ko sanang sabihin dahil hindi pa siya napa publish pero na convince ako mag pose sa Men Royale Magazine. Wala naman akong background sa ganoon pero this woman highly recommend you na gayahin ka." turo nito kay Rabelle.
"Hindi ako mapapahiya dahil mahusay na model si Voltaire." proud na sabi ni Rabelle.
"Hoping to talk about business with you, how about endorsing my store?"
Natuwang nagkatinginan sila Voltaire at Jeanine.
"Hindi ko tatanggihan iyan pero kailangan ko pang ayusin ang mga legalities ko."
"I undertstand. Dont worry, I dont close my door. By the way, I have to go. I have to finish something. Thanks for the time guys."
Umalis na si Sir Cody at nang makaalis na ito lulan ng sasakyan nito ay agad niyang tinanong si Rabelle.
"Mukhang napapadalas ang pagkikita niyo si Sir ah!"
"Ay gusto ko iyang naiisip mo pero hindi ako ang interes ni Sir. May iba siyang gusto. sayang di ako pero okay lang dami naman diyan iba. Makaka jackpot din ako gaya mo!"
Natawa silang nagkatinginan ni Voltaire.
"Jackpot talaga? Kakaloka ka pero ano nga at nandito si Sir."
"Sabi niya ay natutuwa siya sa akin. Kahit hindi raw ako nagpapatawa natatawa siya at kailangan niya raw tumawa. Ginawa akong stand up comedian at comedy bar itong store. Actually, nakakatense ang presence niya dahil alam mo na man na boss of bosses iyon pero mukha ngang kailangan na gumaan ang mundo niya dahil broken hearted siya. Sinabi ko naman iyon nung umalis tayo kasama siya di ba?"
"Alam ko broken hearted pero kanino nga uli?"
"Mamaya ko na uli i tsika tara na muna sa loob at magtrabaho na tayo."
"Mauna na ako, Jeanine. Daanan na lang kita uli."
Humalik ito sa kanya at umalis na rin.
"Ang tamis ah! Tinalo ang arnibal sa taho at panutya sa banana cue."
Natawang reaksyon ni Jeanine.
"Ano iyong panutya?" clueless na taong ni Voltaire.
"Eto iyong panutya." natawang tinuro niya ang noo ni Rabelle.
"Ay below the belt yan!" nakanguso at nakairap na reaksyon ni Rabelle.
"Anong below the belt eh ang taas taas nito. Mataas pa sa sikat ng araw." nagpipigil ang tawa ni Jeanine.
"Nakakatawa iyon?Tara na baka di ka na sikatan ng araw. Kakaloka ka!"
Natawa na rin si Voltaire sa kanila bago ito umalis.
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomanceHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...