The Departure

97 6 0
                                    

PAKIRAMDAM ni Jeanine ay nabalian siya ng mga pakpak sa sandaling wala siyang magawa para makita si Voltaire. Hindi rin siya makapagsalita habang inaaliw siya sa kuwento ng mga nagbabantay sa kanya.  Parang hinihila ang kanyang sarili ng kung anumang bulong na wala siyang kuwenta. Wala siyang magawa. Ano ba ang dapat gawin para muling makita si voltaire at malaman ang lagay nito. talagang mamatay siya sa pag-aalala. Tila ba lahat ng mga pangarap na binuo niya ay bumagsak na. 

Pangarap na binuo niya kasama si Voltaire. Kahit na gumapang siya ay hindi man niya magawa. Kung may makakapagligtas man sa kanya sa sitwasyon niya wala siyang pakialam kung paano basta makita niya lang si Voltaire. Didilim na ang mundo niya kung sakali na mawala pa nang matagal ito sa kanya.

"Hindi ka na naimik. Nagtatampo ka ba na inilihim namin na nakita namin sa ICU si Voltaire." ani Kuya Mario niya. Ito ang bantay niya. pa discharge na siya at inaasikaso na ng Papang niya ang paglabas niya.

Hindi siya galit dito O kahit sa sinuman. Galit siya sa sarili na wala siyang magawa.

"Sorry na Jeng." naglalambing na sabi ng kuya niya.

"Kung guilty ka at gusto mo makabawi, may isa along hiling at sana hindi mo ako biguin."

"Ano iyon?"

"Samahan mo ako kay Voltaire."

KAHIT PAIKA-IKA ay tinungo ni Jeanine si Voltaire sa ICU. Inalalayan naman siya ni Kuya Mario. May nakasalubong sila na pasyente na nasa stretcher na ikinagulantang niya.

Si Voltaire. Una niyang nakita na nakatalukbong iyon pero nilipad ng hangin iyon kaya nakita niya ang mukha ni Voltaire. Nakaoxygen mask ito at ingat na ingat na hinihila palabas.

"Voltaire!" nagsabay na ang sigaw at pagluha niya. Kahit na umiika at tinakbo niya ito. Lalong binilisan ng mga tao na humihila palabas kay Voltaire. Nang maabutan niya ito ay bigla niyang nakita si Mr Hiro.

"Faster!" malakas na utos nito at matiim ang anyo na hinarap siya.

"Saan niyo siya dadalhin?"

"In the place where you can't find him. I suggest that you must forget him."

"Kahit ikaw ang father niya, hindi mo ako madidiktahan na gawin iyan!"

"What will do you? Look at yourself. Helpless and poor. Now it's about time to leave your fantasy and stand what is the reality. My son doesn't deserve you."

Ang sakit niyon. Mas masakit pa sa mga sakit na naranasan niya mula nang sunog hanggang ngayon. 

"Magbabayad ka! Alam mong mali ang ginagawa mo at bahala na ang Diyos sa iyo. " sumpa niya kasabay ng mariin na tiim sa kanyang bagang. Nginisian lang siya ni Mr. Hiro at lumabas na rin ito.

"Jeng, sabi ko naman sa iyo. Wala tayong magagawa." nag-aalang nasundan siya ni Kuya Mario.

"Ito na ang huli na may mangmamaliit sa akin. I am sorry, Voltaire. Hindi man lang kita naipaglaban kahit na ang daming beses mo na akong ipinaglaban."

Niyakap siya at inalo siya ng kanyang kuya.

Hindi ko alam ang gagawin ko. pero alam ko na may magagawa ang Dios, Voltaire. Kung anuman ang mangyari alam ko na ililigtas ka niya. I am sorry na hindi sapat ang lakas ko para ipaglaban ka.

5 YEARS LATER

ISANG Solo Art Exhibition ang naganap sa Hotel Thallasa. Ang die hard sponsor ni Jeanine de la Costa. Dito siya nakilala bilang isang Breakthrough Artist. Kinilala na hindi lang ng buong bansa ang kanyang galing sa Painting and Sculpture. Ngayon ilalabas na niya ang kanyang mga panibagong collection ng kanyang mga paintings and sculpture. Dinaluhan iyon mga maraming Art Enthusiasts and Collectors. Most of them matagal na niyang tagahanga at inaabangan ang kanyang mga obra. Tuwing sumasapit ang kanyang Exhibit ay nagpapaalala iyon ng lungkot sa buhay niya na hanggang ngayon ay nananatiling buhay na sa bawat araw ay pinapatay ang kanyang puso.

Scent of a Lonely manTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon