Chapter 5
NABIGO si Jeanine na malaman ang kuwento sa pagitan ni Voltaire at Serena. Tila wala pang plano na lumisan ang bagyo at patuloy ang malakas na pag-ulan. Nakaupo lang ito sa kama at at tulala.
He is so lonely. Ang haba na ng mukha nito. Sayang ang guwapo nitong mukha. Hindi na niya ito inusisa at inasikaso ang sarili para sa pagpasok niya sa Z Lite. Nang makagayak na siya ay nagpaalam siya dito.
"Papasok na ako sa trabaho. Kung aalis ka o hindi bahala ka na. Sana umalis ka na. Hindi maganda na may lalake at babae na magkasama sa isang kuwarto. May tiwala ako sa iyo kahit ngayon lang tayo nagkakilala pero wala akong tiwala sa mga tao sa paligid. Kapag nagkaroon ng tsismis, ako ang talo. Sana umalis ka na kapag wala nang ulan. Ayoko na makita ang...."
"Ang alin?" napatingala ito sa kanya?
"Ang mukha mo!" sabi niya na may nguso.
"Ikaw lang ang nagsabi na ayaw makita ang mukha ko? Pangit yata ako sa paningin mo."
Tila may malamig na hangin ang humaplos sa dibdib niya sa sinabi na iyon ni Voltaire.
Ano daw?
"Makaalis na nga, baka ma late pa ako sa trabaho. Kung hindi ka pa umalis, ipapahuli kita." nakairap niyang iniwan ito dahil wala na siyang panahon na makipagbaliwan dito.
Naiinis siya dahil kahit nakapayong ay nababasa pa rin siya ng ulan. Habang palayo ng bahay ay hindi niya mapigilan na tanawin ang bintana ng kanyang kuwarto. Nakita niya na binuksan iyon ni Voltaire at nakalumbaba na nakatanaw sa katapat na bintana.
"Hoy mabasa ang kuwarto ko! Kapag bumalik ako na basa ang kuwarto at nandiyan ka pa. Humanda ka talaga sa akin!"
Naiinis siya talaga dito. Parang kaugali nito ang mga kuya niya. Matigas ang ulo at pasaway. Kung hindi lang siya mahuhuli sa trabaho ay sisinghalan pa niya ito.
"PAMBIHIRANG bagyo ito. Kailan kaya ito hihinto? wala tuloy masyadong customer." nasuyang reaksyon ni Rabelle habang nagrereplenish ng mga product sa rack ng store.
Pinili ni Jeanine na manahimik at magfocus sa ginagawa nila ni Rabelle.
"Parang kanina ka pa tahimik? May problema ka ba? Tinawagan ka na naman ng mga kuya mo at kinukulit ka na umuwi?"
Napansin na ni Rabelle ang kanyang katahimikan.
"Hindi. May palaka kasi na nakapasok sa bahay."
"Talaga? Hindi ba kapag sobrang lakas ng ulan lumalabas ang mga palaka? Ano'ng ginawa mo?"
"Ang hirap paalisin. Ang kulit?"
"Iyon ba ang problema mo, madali lang iyan. Bugawin mo lang."
"Ang laking palaka, Rabelle. Naku kung makikita mo baka iuwi mo sa bahay niyo."
Napangiwi si Rabelle.
"Kadiri ka. Never kong gagawin iyon. "
"Sure ka?" in her teasing tone. Paano kaya kung sabihin niya na si Voltaire ang tinutukoy niyang palaka.
"Ang ganda ng topic natin ah, Palaka talaga. Ibang topic na lang. "
Nginisian niya lang ito at nagpatuloy sa ginagawa nilang pagre-replenish.
Kung alam mo lang.....
NANG MATAPOS na ang duty ni Jeanine sa Convenient Store ay hindi niya maiwasang mainis dahil ang lakas pa rin ng ulan. Sa sobrang lakas ay tila tatagos na ang mga buhos ng ulan sa kanyang payong.
Kahit sa malayo ay nakita niya si Voltaire at basang basa na ito sa ulan. Malapit ito sa bahay ng kapitbahay niya na sinusundan nito.
Sa bahay ni Serena.
"May sakit siya, nagpapabasa siya sa ulan? Ang tigas ng ulo niya grabe!"
Bigla siyang napahinto nang may lumabas sa bahay na iyon. Si Serena. Magbubukas na ito ng payong nang biglang yumakap si Voltaire at niyakap ito nang buong higpit. Halata ang labis na pananabik.
"Serena..."
"Voltaire?" gulat na gulat si Serena. Nabitawan pa nito ang payong.
"I miss you. "humigpit pa ang yakap ni Voltaire pero mabilis na kumalas si Serena.
"Why are you here? At paano mo nalaman na nandito ako?"
"Alam kong pupunta ka dito. We grew up here. Hindi ka ba natutuwa na nandito na ako?"
Sa narinig niya ay na se sense niya na matagal nang magkakilala si Voltaire at Serena. Lumigid siya sa malapit na eskinita para hindi siya makita ng mga ito. Nagkaroon siya ng curiosity sa kanyang nakikita at naririnig.
"Nag-usap na tayo. Tapos na tayo. Ayaw ko na!" mariing sabi ni Serena. Akmang babalik na ito sa loob ng bahay nito pero hinatak ito ni Voltaire na biglang ikinaalarma nito.
"Nandito na ako. Tapos na ang kontrata ko. Iniwan ko na ang pamilya ko. Handa na ako na makasama ka gaya ng gusto mo!" basag na ang tinig ni Voltaire.
"Ano ka ba? Matagal ko nang tinapos ang relasyon natin. Please, Voltaire patahimikin mo na ako. Parang awa mo na!"
Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Sumabay ang luha sa buhos ng ulan. Para itong salamin na unti unting nababasag.
"Tinapos? Wala tayong pinag usapang may tatapusin tayo."
"Wala ka bang naalala o nagmamaang maangan ka? Nakipaghiwalay na ako sa iyo almost a year ago dahil wala nang nangyayaring maganda sa relasyon natin. May mga bagay na hindi natin naibibigay sa isa't isa dahil sa distance natin."
Distance? ano niyang sabihin?
"That is why i am here to fill that distance nandito na ako. Mahal na mahal kita, Serena. handa akong iwan ang lahat para makasama ka."
"I am sorry pero huli na ang lahat. " this time si Serena naman ang naiyak.
"What do you mean?"
"I am already engage...."parang hirap pakawalan ni Serena ang mga salitang iyon.
Nanlaki ang singkit na mga mata ni Voltaire. Nagtagis ang mga bagang nito na napalayo kay Serena.
"It can't be..." kahit umuulan ay nakita niya ang mas mabilis na pagtulo ng mga luha ni Voltaire. Hindi niya maiwasang maawa.
"Akala ko nag-isip ka lang. Akala ko gusto mo lang gawin ang mga gusto mong gawin. Hindi ko akalain na pagpapalit mo lang pala ako!" sa sobrang galit nito ay sinuntok nito ang pinto sa likod ni Serena. Napatili sa takot si Serena.
"I am sorry Voltaire..." halata ang guilt sa pag apologize ni Serena. Pumasok na ito sa loob ng bahay nahumihikbi. Hindi na ito hinabol ni Voltaire na natulala lang at parang zombie na naglakad palayo sa bahay nito. He looked so low. Napakalungkot, Nakakaawa. He is just like an archangel na nabalian ng pakpak.
"Saan ito papunta?" sinundan niya ito.
Bigla na lang itong natumba at agad siyang nabahala.
"Voltaire!" nabitawan niya ang payong at pinilit niya itong buhatin.
Nang maglapat ang balat nila ay para siyang mapapaso sa sobrang init nito.
"Ang init na naman niya. Diyos ko! Tulong. Tulungan niyo kami!"
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomanceHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...