Chapter 19
INABANGAN si Jeanine ni Voltaire sa labas ng Oxford Compound. Hindi na iyon ikinagulat ni Jeanine.
"What's up?" he smirked
"Kinuha na nila ako bilang isa sa mga artist sa Exhibit!" hindi niya alam kung ikakatuwa iyon sa harap ni Voltaire.
"Really? That's it! Kailan ang exhibit?" si Voltaire ang natuwa.
"Two weeks from now. Dinala na nila ang Millenial David ko." walang gana niyang dinaanan ito.
Hinila siya niyo pabalik.
"Wait, pag-usapan natin ang mga gagawin natin. Ito na iyon."
"Pwedeng pag-usapan natin bukas. Pagod ako. Day off ko bukas magagawa natin na magplano na hindi pagod."
Bumitaw siya at hinayaan siya nito. Mga ilang hakbang palayo dito ay nilingon niya ito.
He is just a lonely man again. Pinuntahan nito ang kotse nito.
"Voltaire." hindi siya nakatiis.
Nilingon siya nito.
"Kumain muna tayo sa taas."
PINAGHANDAAN ni Jeanine ng vegetable salad si Voltaire. Siya namang ikinatuwa nito.
"Akala ko pagod ka na. Nagawa mo pa ito I aappreciate it. Thanks."
"Kulang pa iyan sa ginawa mo kay Papang."
"Ginagawa mo ito dahil nakatulong ako sa inyo pero hindi ako nagpapabayad ah. I hope you dont think that way."
"Hindi nga pero you deserved this. At saka wala namang gagawa nito sa iyo dito nito."
"Malapit na, kapag binalikan na ako ni Serena."
Kumunot ang noo niya na bihira niyang gawin.
Serena na naman!
"Nakausap ko siya. Silang dalawa ni Robert."
"Nakilala mo iyong pinalit niya sa akin?"
"Oo"
"Ano'ng impression mo?"
"Iyong totoo. Napakabait at warm. lalakeng lalake ang mukha. Ang pogi. Mukha siyang greek men."
"Attracted ka sa Robert na iyon?"
"Sa tulad kong babae oo pero hindi ko type ang masyadong pangahan. Hindi lang siya basta guwapo, he is a gentleman."
"Tama na, hindi ako interesado sa kanya. Simulan na na natin ang pagpaplano." nakita niya ang iritasyon sa mukha nito.
"Sigurado ka ba na gagawin natin ito?" naging seryoso niyang tanong.
"Sigurado na ako. I will never turn my back on this. How about you, sigurado ka na ba?"
Napalunok siya.
Lumapit sa kanya si Voltaire. Kahit napaatras siya ay nahawakan nito ang kamay niya.
Napasinghap siyang napatingin dito.
"Only you can help me on this. Kapag nagkabalikan na kami ni Serena, i will never forget you. I owe you half of my life. Please, be my girlfriend for a while to get my girl back."
Ang init ng pakiramdam niya habang nakatitig kay Voltaire. Her eyes feels like a hot springs sizzling in the ice. Nakakainit at nakakapanlamig ang kanyang pakiramdam mula sa pagtitig nito at sa paghawak ng kamay nito.
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomanceHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...