NAGISING si Jeanine sa napakaputi at amoy alcohol na lugar. Alam na niya kaagad iyon.
Hospital.
"Voltaire!" agad siyang napabangon. Ang sakit ng kanyang paa na agad niyang idinaing.
"Jeanine!" nag-alalang nilapitan siya ni Jordan at kasama nito si Rabelle.
"Jordan, si Voltaire. Nasaan siya? anong nangyari sa kanya?" muli siyang nahisterikal.
"Hindi pa okay ang lagay mo, may pinsala ang kaliwang paa mo." ani Jordan.
"Jeanine, kumalma ka. Isipin mo muna ang kalagayan mo." segunda ni Rabelle
"Hindi ako kakalma, nag-aalala ako kay Voltaire. May hindi magandang nangyari sa kanya. Please naman, sabihin niyo kung nasaan siya at gusto kong malaman ang lagay niya?"
Nagkatinginan lang sina Rabelle at Jordan.
"Nandito rin ba siya sa hospital?"nakadama na siya ng panghihina. Nasapo niya ang nahihilong sulo at napahiga uli. Parang batang humikbi.
"Hindi rin namin alam kung nasaan siya. Nakita ka namin na dinala sa ambulansya ng mga bumbero. Wala kaming dahilan para itago o ilihim siya sa iyo, Jeanine."
Lalo pa siyang naiyak nang paulit-ulit niyang naalala ang nabagsakan ng nagliliyab na poste si Voltaire.
Ayokong isipin na patay siya. Hindi siya pwedeng mamatay. Hindi!
"Jeanine!"
Dumating ang kanyang Papang at kuya Mario niya. Kahit nahihilo at bumangon siya at niyakap ang kanyang Papang.
"Salamat sa Diyos at ligtas ka!"
"Papang si Voltaire, nabagsakan siya ng nagliliyab na poste. Hindi ko po alam kung anong nangyari. Kung hindi niya ako niligtas hindi siya mapapahamak!"
"Nasaan na si Voltaire?" tanong ni Kuya Mario.
"Hindi ko alam. Gusto kong malaman kung anong lagay niya. Hindi ako matatahimik. Please." naiiyak na niyang pakiusap.
"Ito lang ang pinakamalapit sa hospital mukhang nandito lang din siya." ani Kuya Mario.
"Kuya, please hanapin niyo siya kung nandito siya."
"Mario, ipagtanong mo dito sa hospital kung nandito rin si Voltaire. Para mabawasan ang pag-aalala ni Jeanine.
"Opo Papang." sumunod si Kuya Mario
"Sumama ka kay Kuya, Rabelle. Please."
"Okay sige. Basta kumalma ka."
Agad na umalis si Kuya Mario at Rabelle. Nagpakilala naman si Jordan sa Papang at kay Kuya Jay-ar. Nagpatulong na rin si Jordan sa mga ito na mabili ang mga reseta ng gamot niya. Naiwan sila sa kwarto na labi pa ring nag-alala kay Voltaire.
"Magpalakas ka, anak. Hindi pwedeng pangunahan ka ng pag-alala mo. Hindi pababayaan ng Dios si Voltaire. Alam mo na napakabuti niyang tao. Hindi lang iyon. Matapang din at hindi basta basta papatalo kahit sa anumang kapahamakan."
"Hindi ko kakayanin na may mangyaring hindi maganda sa kanya Papang."
Muli siyang inalo ng kanyang papang.
SINURI na ng mga doktor si Jeanine. Hindi naman maysadong napinsala ang paa niya. Nahihirapan at masakit lang na ididiin iyon sa lupa. Kaya pinagamit muna siya ng isang saklay. May mga gasgas siya at sugat pero hindi naman iyon malala. Pero kahit na maayos na ang lagay niya ay hindi siya napapanatag dahil wala siyang ideya sa ano ang lagay ni Voltaire.
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomanceHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...