" I AM asking you, Oxford. Who is this young lady?" mas naging intense ang iritasyon ng daddy ni Voltaire nang balingan nito si Manong Oxford.
"She is Jeanine, Sir. One of my the tenants." tense na sagot ni Manong Oxford.
"Jeanine, bakit ka nandito?" nagulat na reaksyon ni Jeanine.
"Nakita ko na pumasok sila dito. Narinig ko na ikaw ang sinisisi kung anong nangyari kay Voltaire."
"So you know my son?"
Nagulat si Jeanine dahil nauuwaan siya ng daddy ni Voltaire.
"Nakakaintindi siya ng tagalog. Hindi lang siya masyado marunong magsalita. Sa isang business man na katulad niya, at least limang language ang alam niya kasama na roon ang tagalog." ani Manong Oxford.
"Dont act like you are a trivia man, Oxford. And you ladies, can you tell me where the hell my son is?"
Hindi niya nagustuhan ang paraan ng pakikipag-usap ng daddy ni Voltaire. Ito na yata ang pinaka-rude na tao na nakaharap niya.
"He is not with us and for surely, he didn't want to be with you so good luck sir and start looking for him. You may go now!" matapang na rin na sagot ni Serena.
"How dare you to talk to me that way?" napikang reaksyon ng daddy ni Voltaire.
"Umalis na tayo, sir." agad na umawat si Manong Oxford at niyaya na lumabas ang daddy ni Voltaire.
Nakahinga na si Serena nang maluwag nang mawala na sa bahay nito ang daddy ni Voltaire.
"Hindi ka na dapat nagkita sa kanila lalo na sa daddy ni Voltaire."
"Hindi ko kaya na maliitin at sisisihin ka niya."
"Ngayong nandito na ang daddy ni Voltaire. I suggest na humanda kayo. Kahit na bata ka pa sa amin, Jeanine, alam ko na kaya mo siyang ipaglaban. Kahit na kanino. Kahit pa sa daddy niya."
"Bakit parang nakakatakot iyan?"
"Please, dont allow any form of fear in your heart , Jeanine. Alam ko naman na palaban kayo ni Voltaire. Make your love forever."
"Sabihin mo sa akin kung anong klaseng tao ang ama ni Voltaire."
"Ayon kay Voltaire, isa siyang self centered and self demanding man. He never satisfied. Hindi sila close ni Voltaire. pero mas kilala siya ni Voltaire. Tanungin mo siya at sana hindi mo siya bitawan gaya ng ginawa ko."
Talagang nabahala si Jeanine. Iba ang impact ng pagdating ng papa ni Voltaire. Intense and spicy yet terrifying.
Ano kaya ang mangyayaring ngayon nasa bansa na nila ang papa ni Voltaire?
BUMALIK na si Jeanine sa Oxford at agad siyang pinuntahan ni Manong Oxford.
"Jeanine, Hija."
Relief siya na hindi nito kasama ang papa ni Voltaire.
"Bakit po?"
"Hija, kung alam mo kung nasaan si Voltaire sabihan mo siya na makipagkita na siya sa papa niya."
"Bakit po ba nandito ang papa niya?"
"Hinahanda na siya para palitan na ang kanyang papa sa Ichihara Motors. Kailangan nang harapin niya ang kanyang tadhana at responsibilidad."
"Tadhana? Responsibilidad? anong pinagsasabi niyo Manong?"
"Voltaire?" nagulat sila sa presence na iyon ni Voltaire.
"I cant believe na nakikipag cooperate kayo sa kanya."nadismayang reaksyon ni Voltaire.
"Hijo, alam ko ang mararamdaman mo. Ayaw ko rin na maugnay sa papa mo pero sa panahong ito ikaw ang kailangan niya."
"At naniwala naman po kayo? I know my father more than you do, Manong Oxford. Ano bang sinabi niya sa niyo? Anong kailangan niya?"
"Hindi na maganda ang nangyayari sa Ichihara motors. Pag-usapan niyo na lang ni Sir Hiro ito. Pagbigyan mo na lang siya."
"Pagbigyan mo na kaya ang daddy mo, Voltaire. He is still your father." ani Jeanine.
"Diretsahin mo na ako manong. Ano ba ang kailangan ni Papa?"
Napatingin kay Jeanine si Manong Oxford.
"Gusto niyang isalba ang Ichihara Motors sa pamamagitan ng pakikipagmerge sa Henshin Motors. Ang merger na iyon ay may kasamang kondisyon. Ang ipakasal ka sa anak ng may-ari ng Henshin."
Gulat na nagkatinginan sina Jeanine at Voltaire.
"That's awful. I thought he can do it. Hindi ko gagawin iyon. lalo na ngayon." nainis na reaksyon ni Voltaire at napahawak sa kamay ni Jeanine.
"Alam kong kilala mo ang papa mo. Gagawin niya ang mga bagay na gusto niya. Hindi mo siya mapapaunta kung hindi siya seryoso. "
"Sige na po, Manong. Maghaharap na kami ni daddy. Pakisabi na lang sa kanya. Para magkaalamanan na."
Umalis na si Manong Oxford. Pumasok si Voltaire at marahas na napahilamos sa mukha.
"Voltaire, ano ba ang nangyayari? Gusto kong maintindihan ang lahat? Nalilito ako."
"I never thought this thing will happen. Haharapin ko na ang papa. Hindi ako papayaga na siya uli ang magiging dahilan ng pagdurusa ko. Never again!"
Nayakap siya ni Voltaire nang pagkahigpit higpit na agad naman niyang ginantihan. Nalilito man pero sapat na ang yakap at pagmamahal nito para kumalma siya at mag sink sa isip niya ang mga nangyayari.
Handa siya maging kabahagi ng anumang laban na kakaharapin nito. Bigla niya tuloy ang naalala ang sinabi ni Serena.
"Ngayong nandito na ang daddy ni Voltaire. I suggest na humanda kayo. Kahit na bata ka pa sa amin, Jeanine, alam ko na kaya mo siyang ipaglaban. Kahit na kanino. Kahit pa sa daddy niya."
Na-realize niya na isa iyong babala ni Serena. At hindi siya papayag na hindi samahan si Voltaire sa kanilang kakaharapin na hahamon sa kanilang samahan.
Hindi lang siya sasama, lalaban din siya kung kinakailangan.
Sana ay kayanin niya.
BINABASA MO ANG
Scent of a Lonely man
RomanceHardworking student si Jeanine na ninais ang maging independent at malaya sa mga pasaway sa buhay niya. Piniling lumayo sa pamilya para sa pangarap na maging artist at lumaya sa mga mahigpit at tamad na kapatid na lalake na nagdamot sa kanya ng priv...