Shen pov. 🌼Ringgg...
Ringgg...
Rin...
Pok!
Napaupo naman ako ng marinig ang malakas na tunog ng alarm clock!
Araw araw sya ang gumigising sa akin! Hayys!Tumayo na ako sa higaan ko at pumunta sa veranda ng condo ko ang ganda kasi ng view dito kapag 6:00 am
Nakakamiss tuloy sila mama!Pero kailangan Hindi ako malungkot dahil ang malungkot PUMAPANGIT!
HAHHAHA ay oo nga pala pangit na nga Pala ako HAHAH!Napahinga naman ako ng malalim at malakas na sumigaw ng
Magandang umaga pilipinas!
HAHAH wala namang makakarinig hehe!
Nagunat na ako at pumunta na sa baba para mag almusal!Oo nga pala ngayon ang first day ko sa trabaho! Yehayyy! Excited na akuuu!
Naisipan ko bigla na tatawagan ko pala sila mama!
Agad akong nag bukas ng lap top at sakto namang naka online si Mama kaya agad Kung pinindot ang video chat!
Nilagay ko ang laptop ko sa may lamesa katapat ako para habang nagluluto nakakausap ko si Mama!
Video chat :
(hello princess kamusta? Ano mag tratrabahp kana ba kailan ka uuwe? )
Sabi na sunod sunod nanaman ang tunog ng boses ni mama HAHAH
Namiss ko talaga sya!(HAHAH OK Lang po ako ma! Ako paba?)
(teka? Yung suot MO panglalake nanaman change your clothes nga!)
Hayys ito nanaman ano naman masama sa ganito kumportable kaya(eh? MA! Wag na kumportable ako dito!)
Napalalim naman ang paghinga nya. Ayaw nya kasing nagsusuot ako ng ganitong damit panglalake kaso si Papa kasi!
(O! Hon? Bakit? Si chin chin bayan?)
Tumingin naman ito at kumaway kaway naman ako. Habang si Mama nakasimangot parin WHAHAH wala like father like daughter eh HAHAH!
(Nako! Kasalanan MO yan kaya nagsusuot panglalake yan si princess ko kainis ka!)
Bulyaw ni mama Kay papa hahha habang ako naman ay nagluluto ng sinangang at itlog!
(eh! Hon! Gusto naman nya yan eh suportahan nalang natin!)
Panunuyo ni Papa Kay mama at dahil sadyang masyado silang matamis. In the end nagkabati!Nakakatuwang isipin na may magulang akong gaya nila!
(huy! Anak umuwe kana ha maglaro tayo ng basketball ha!)
(opo PA! Pag day off ko po maglalaro tayo! Humanda kana PA ha! )
Tumawa naman ito pati si mama natawa nadin. Kung close kasi kami ni mama mas close kami ni Papa Hindi ko din mapaliwanag pero siguro kasi nagiisa Lang akong babae sa pamilya yung bunso namin lalake din hahah
BINABASA MO ANG
| 𝐓𝐈𝐓𝐈𝐁𝐎-𝐓𝐈𝐁𝐎?!| 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃✓
Teen FictionSimple Lang ang buhay ko magsuot ng simpleng damit pumasok sa trabaho at maging masaya para sa pamilya ko! pero paano kapag dumating na ang taong kakatok sa puso ko at makakapagpabago ng sarili ko? magkakagusto kaya sya saakin? o kailangan munan...