Walang pinipili ang pagibig girl! Kapag dumating na talaga sya sayo Wala ng patumpik tumpik! Kayo na talaga!..
Shen POV ✨❤️
"Mommmmmy! Mommmmmy!" Kaaga akong napahinto sa pag huhugas ng plato ng marining si clenz at clion na tinatawag ako. Sa sobrang pagmamadali ko hindi kona na hubad ang apron ko dahil baka ano na nangyare sa kambal ko.
"Ano nangyare?!!!" Saad ko habang papunta sa kanila. Nagulat ako ng makitang nabasag ang vase na bigay ni mamy saamin nung kasal. Habang ang dalawa naman parang asong nagsusumamo na wag paluin. Otomatikong napamewang ako sa kanila.
"Bakit nabasag Yan? Sino gumawa?" Nagkatingan ang dalawa. Tyaka nag tuturuan kung sino mag sasalita.
"Clenzean ! Clion ! Sino nakabasag ng vase? Magsabi na kayo habang okay pa alam nyo paano ako magalit"
"Kami po dalawa mom " - Clen
"Sorry Mommy po" - Clio
Nag puppy eyes pa ang dalawa tyaka pinagdikit ang palad para manghinge ng tawad sa nagawa nila. Napabuntong hininga nalang ako. Ano panga ba ang magagawa ko? Hindi ko matitiis sila. Higit pa na mas matimbang ang mga anak ko kaysa material na bagay.
"May sugat ba Kayo? Nasaktan ba?" Umiiling ng sabay ang dalawa. Tyaka mabilis na yumakap sa bewang ko.
"Sorry mamaa!"
"Sorry mama dinapo kami uulit po"
Napangiti naman ako ng bahagya tyaka hinila ang dalawa sa sofa para narin matingnan kung may sugat ba sila.
"Clen and clio listen again and again to mama okay? Kapag maglalaro kayo wag dito sa loob ng house kasi katulad nung nabasag nyo bigay ni lola nyo yun. At kahit isang ganon lang bagay na pwedeng palitan. May mahalagang value yun dahil binigay ng taong mahalaga saatin na dapat ingatan. Naiintindihan nyo ba?"
Parehong tumango ang dalawa tyaka mahigpit na yumakap at hinalikan ako. Kahit naman napaka tigas ng ulo ni clio at clen sa murang edad nila kapag nakagawa sila ng pagkakamali sa susunod hindi na nila ito uulitin. Kaya napaka saya kodin bilang nanay nila na ganito namin sila napalaki ni cliff.
"Hindi na namin uulitin mama sorry po mama"
"Lagi napo kami mag iingat ni clio mama sorry po "
ngumiti naman ako at hinaplos ang mukha nilang pareho tyaka hinalikan.
"Good boy! Pero may parusa Yan umakyat kayo sa taas at dapat malinis na malinis ang kwarto nyo okay? Kapag hindi magagalit SI mama " Natatawa ako ngsumaludo pa ang dalawa tyaka hinalikan muna ako bago tumakbo pataas.
Napalingon naman ako sa vase na nabasag at napabuntong hininga. Sana lang hindi malungkot si mamy. Hays
"Mommmmmy koooo!" Bigla akong napalingon ng may isang matinis na boses ang tumawag saakin. It's Shaina Cliffy bunsong anak namin na tatlong taon palang.
"Baby! Kamusta pag grogrocery with papa?" Namumula naman ang pisnge nitong. Inangat ang strawberry sa sa kamay nya. Napangiti naman akong nanggigil na binuhat ito.
"Bibili ako papa berry mama hihi" nangigil naman akong hinalikan ang malusog na pisnge nito. Naramdaman ko namang may yumakap sa likuran ko at hinalikan ako sa ulo.
"Hey! Kamusta? Nabili Mona lahat?" Sumaludo naman ito na parang ginawa ng dalawang anak nya. Manang mana talaga.
"Syempre naman diba baby? Very good si daddy? " Tumango naman ang bunso namin habang kinakain na nito ang malinis na strawberry.
BINABASA MO ANG
| 𝐓𝐈𝐓𝐈𝐁𝐎-𝐓𝐈𝐁𝐎?!| 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃✓
Novela JuvenilSimple Lang ang buhay ko magsuot ng simpleng damit pumasok sa trabaho at maging masaya para sa pamilya ko! pero paano kapag dumating na ang taong kakatok sa puso ko at makakapagpabago ng sarili ko? magkakagusto kaya sya saakin? o kailangan munan...