Mata sa Dilim

6.2K 131 8
                                    

2nd year highschool ako ng maki-sleepover ako sa apartment ng ate ko. Final examination kasi namin at bawal malate. Malayo rin ang bahay namin. 3 rides lagi ko ginagawa kung mula sa bahay. Samantalang sa bahay nila ate at nang kanyang asawa ay walking distance lamang.

Wala pang anak sila ate non. Naiiwan rin sya lagi sa bahay nila dahil sa maselan na kalagayan ng ate ko. Gusto na kasi nila magkaanak. Mahirap rin sya magbuntis. Sabi ng doktor kung gusto nila magkaanak hindi sya pwedeng mag gagalaw ng sobra.

Kaya after ko syang tawagan ng gabi na yun bukas na bukas pwede na daw ako pumunta agad apartment nila.

Dumating ako sakanila ng 6am. Ang aga di ba? Utos kasi ni Ate Cherry. Maaga rin kasi umaalis si Kuya Bernie. Namamasada kasi sya. Isang katok lang nagawa ko sa gate ng pagbuksan nya agad ako.

Sabay rin kami nag almusal. Pagpunta ko ng kusina napansin ko agad ang daanan papuntang palikuran nila. Kung ang iba nasa loob mismo ng bahay ang palikuran yuon ay hiwalay sa bahay. Weird di ba? Sabagay yun pa kasi uso noon. Unlike ngayon na modern na.

Lumabas ako ng back door at tumitig sa matataas na mga puno sa dulo ng palikuran. Napansin ko rin na ang daanan ay puro mga maliliit na bato. Gravel. Isa pang napansin ko na merong kalayuan ang palikuran. Siguro kung talagang tinatawag ka na ng kalikasan kailangan mo tumakbo para makaabot.

Pumasok na ako at pumunta sa guest room nila. Halos maghapon ako nagbasa ng mga notes ko at nagreview. Alam ko sa susunod na araw pa ang exam ko pero 10 subjects pa ang kailangan ko ireview. Hanggang sa makatulog ako. Hindi ko namalayan kung ilang oras ako nakatulog dahil pagmulat ng mga mata ko ay masyado ng madilim.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Nakita ko ang ate ko na nagluluto na ng para sa hapunan. Nagulat ako. Hala! Hindi ako nakapag tanghalian? Mukhang nabasa ng ate ko ang iniisip ko.

"Hindi ka nakapagtanghalian kaya nagluto ako ng maaga. Kumakatok ako sa pinto mo kanina pero hindi ka sumasagot baka kako pagod ka at nakatulog ng mahimbing". - Ate Cherry.

"Ganun ba te? Sorry.. parang ganun na nga. Napagod ako kakareview. Ha-ha ang sarap naman ng luto mo".

"Umupo ka na at kumain. Tumawag ang kuya mo sakin at magagabihan daw sya ng uwi. Mabuti nalang nga andito ka ngayon".

Sabay kami naghapunan magkapatid. Nagkatuwaan rin kami after namin kumain naglaro kami ng family computer. (Yun kasi uso noon yung tipong may pindutan na nakakabit sa player ng games). Hindi namin namalayan ang oras at alas dyes na ng magpasama sakin ang ate ko sa palikuran.

Naisip ko. Wrong timing naman manawag ang kalikasan. Gabing gabi na. Worst, wala pang ilaw. Kailangan mo magdala ng flashlight/kandila or whatsoever para hindi ka kainin ng dilim. Sa kasamaang palad. Kandila ang available. Kung bakit kasi nakalimutan ni ate bumili ng battery ng flashlight. (Hindi pa uso noon ang decharge na flashy!)

Naglalakad na kami and hoping na hindi mahanginan ang hawak naming mga kandila. Nakarating kami sa pinto ng palikuran ng late ko marealize na hindi nga pala ako pwedeng sumama sa loob. Kaya kailangan ko maghintay sa labas. And yes, hawak ko yung isang kandila habang nakaharap sa puro matataas na puno.

"Please ate pakidalian mo dyan. Pumikit ka sa hindi walang pinagkaiba. Hindi rin maganda pakiramdam ko rito".

Hindi sumagot ang ate ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Tsshhhh shhhhh... *footsteps *footsteps".

"D-did you hear that te? Ano yun?".

"Oo,nakikita mo ba?" -Ate Cherry.

"Nope. Te..dalian mo na". Pakiusap ko. Habang ramdam ko na may mga nakatingin sakin. Inaaninag ko kung ano ba talaga yun. Kung animals ba or something..

* footsteps.. * footsteps.. tssshk..tsssshhkk!

Ramdam ko ang malamig na hangin. Malapit na talaga ang kung anuman ang nasa harap ko. Namatay rin ang kandilang hawak ko. Ang kaninang tila lakad ay napalitan ng parang pasugod na takbo.. hindi ko na napigilan kinatok ko na ang ate ko.

"Ate...ate... pls papasukin mo ako. May papalapit sakin.."

Dalidaling binuksan ni ate ang pinto. Pagkasara ng pintuan kumalabog ito na tila gustong pumasok ng kung ano ang nasa labas. Patuloy ang pagrattle ng door. Hinarangan ko ng katawan ko ang pintuan upang hindi nito tuluyang mabuksan ang pinto.

Ang bubong ng palikuran ay tila hinahagisan rin ng malalaking bato. Ang pintuan ay binabato rin. Nagpapanic na ang ate ko. Kita ko sakanyang mukha na natatakot na sya. Sa aming dalawa magkapatid matatakutin ang ate ko kesa sa akin. Kaya naisip ko ang isang bagay.

"Ate kailangan natin magdasal. Na pilit ko nilalakasan ang loob ko".

"S-sige Blossom m-mag umpisa na t-tayo"- wika ni Ate Cherry na nagsastammer na habang ngsasalita.

Makailang beses namin dinasal ang The Lords Prayer. Habang dinadasal namin ito papahina ng papahina ang pagbato sa pintuan at sa bubong. Epektibo ang aming dasal sapagkat unti unti ng naglaho ang activity. Hindi ko alam kung ilang minuto kami ng ate ko nakatingin sa isat isa at patuloy na nakikiramdam.

"Te. . ."

" w-wala na kaya sila Blossom?"

"Sa tingin ko kailangan natin tumakbo ng mabilis pagkalabas natin dito. Hindi tayo pwede magtagal dito te..." sagot ko sakanya na nilalabanan ang anumang pangamba na nakaabang samin paglabas.

"M-mauna kang lumabas".- Ate Cherry.

Sabi ko nga. Matatakutin ang ate ko. Kaya wala akong nagawa kundi hawakan ang doorknob. Sinenyasan ko si ate para maghanda sa pagtakbo. Alam ko na hindi namin makikita ang daraanan sapagkat namatay ang dala naming kandila at ni isa samin walang nakaisip na magdala ng posporo or lighter.

Mabilis kong binuksan ang pintuan at patakbong lumabas. Ganun rin ang ate ko na hindi ko na nilingon pa basta alam ko at naririnig ko ang pagtakbo nya. Rinig ko rin ang hindi pamilyar na takbo ng kung anuman ang humahabol samin.

Mabilis kong nabuksan ang backdoor kasabay ng pagpasok rin ng ate ko. Sabay sara at lock ko ng pinto. Humihingal kami pareho. Marami akong gustong itanong sa ate ko pero minabuti kong ipagpabukas na lamang yon. Hindi ko naiwasan na sumilip sa maliit na bintana sa may lababo na matatanaw ang matataas na puno. At sa aking gulat maraming mga matang tila nakatitig saakin. Mapupula ang mga mata nito. Pero hindi ko makita ang itsura.

Ibinaba ko ang kurtina ng bintana at siniguradong lock lahat ang mga pintuan at bintana. Hindi nagtagal dumating narin ang asawa ni ate na tila nagtatanong ang mga mata kung ano ang nangyari samin. Nauna na akong umakyat sa kwarto sapagkat sumenyas ang aking kapatid na tila sya na lamang ang magpapaliwanag.

Hindi ako tuluyang nakatulog ng gabing iyon. Inabot ng umaga bago ako nakatulog. Hinding hindi ko makakalimutan ang karanasang iyon.

Kinabukasan kasama akong pumunta sa may ari ng apartment. Napag alaman ko rin na sila ate lang pala ang tenant na andun sa kasalukuyan. Halatang pilit na itinatago ng may ari kung anuman ang storya sa likod ng matataas na puno na yun.

Nangako na lamang ang may ari na gagawan ng paraan para gumawa ng palikuran karugtong ng bahay mismo. Ngunit mukhang hindi kontento ang asawa ni ate sa mga pangyayari at nagdesisyon ito na maghanap na ng malilipatang tirahan.

3rd yr highshool naman ako ng makita kong dinedemolish ang apartment na yun. Hindi ko alam ang dahilan pero naisip ko na mas mabuti nalang yon kesa may panibagong tumira uli don. At matuklasan ang nakakatakot naming karanasan.

Kwento Ni NanayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon