Unti unti nang pumapasok sa isip ko kung bakit ako nakakakita ng mga ganitong nilalang at kababalaghan. Hanggang sa isang araw nagbago ang tingin ko sa kakayahang ito ng hindi ko makita ang nakita ng driver sa jeep.
1st year college ako nun at papauwi na galing eskwela. Mga 8:00 ng gabi na yun. Tuwing uwian, nagkokomute lang ako at sumasakay ako ng jeep. Natatandaan ko pa, labing dalawa (12) kaming sakay nun sa jeep kasama ang driver. Walang katabi ang driver sa harap at tanging siya lang.
Nasa may E Rodriguez Avenue kami nun nang biglang sa di inaasahan, Pasahero: "Bakit po kayo hindi lumiko? Saan niyo kami dadalhin?" Driver: "Magpapa-gasolina lang po." Pasahero: "Loko ka e gasolinahan na ang lilikuan dapat natin?" Napagtanto ko na kung lumiko ang jeep namin, ay may gasolinahan nga namang mas malapit. Hanggang di na namin alam kung saan kami dinala ng driver dahil bawat eskinita ay nililikuan niya na hindi naman namin alam. Pasahero: " Manong bababa na ako, ibalik mo bayad ko." Binalik naman niya ang bayad ng bumaba. Hanggang sa nagsunuran na lang ang iba. Pito (7) na lang kaming laman ng jeep at hindi ko naisipang bumaba dahil papalabas na rin sa EDSA ang nilikuan namin at alam ko na ang lugar, hanggang, Driver: Walang ulo yung isang lalaki kanina!
Nagulantang ako at lahat ng pasahero nun dahil sa sinabi ng driver. Nagtinginan kami sa isa't isa hanggang sa may nagtanong, Pasahero: "Sino po manong?" Driver: "Wala na nakababa na." Pasahero: "Manong dapat sinabihan mo siya dahil mamamatay yung tao na yun kapag di sinabihan. Driver: "Di ko namalayang bumaba eh. Kaya nga ako nag-iba ng direksyon para makaiwas sa malas."
Nagulantang ako sa mga narinig ko dahil di ko naman nakita o naramdaman man lang na may kababalaghan na nangyari sa jeep na sinasakyan namin hanggang sa isang araw ako na mismo ang nakakita.
Break time namin yun at kasama ko ang "Tropang Cubaoers" sa canteen. Napakaraming tao noon siksikan sa canteen kasi kainan din karamihan ng mga estudyante sa mga oras na yoon.
Hanggang sa isang di inaasahang kababalaghan ang nakita ko. Nakita ko mismo sa aking dalawang mata at siguradong sigurado ako na walang ulo ang taong naka-green na napadaan sa harap ko. Napatigil ako sandali at napaisip. Natandaan ko ang sinabi ng Ale na pasahero na kailangang masabihan ang taong yun para di siya mamatay.
Sa kasamaang palad, hindi ko na siya nakita pa dahil na rin sa dami ng tao doon. Lubos na pagsisisi ang aking naramdaman dahil hindi ko siya nasabihan. Pero ang pinang hahawakan ko na lang ay hindi ko hawak ang buhay niya, at kung oras na niya, ay oras na niya at di ko na mababago pa ang kapalaran niya.
BINABASA MO ANG
Kwento Ni Nanay
RandomStill in #4 spot (12/12/22)Highest Rank #1 (8/14/2020) #1(12/7/18)(10/14/19) (6/29/20) in Scary stories.A spine-chilling Suspense/Horror. Based on true events.