hello po sa inyo, matagal na po akong nagbabasa ng kwento na to. kaya naisipan ko ding mag share ng karanasan ko nung nag oojt pa ako sa isang kilalang ospital dito sa laguna, itago nyo na lang po ako sa pangalang Aal, 23 years old nag simula po ito nung first duty ko "OJT". nag aaral po ako noon ng midwifery sa kilalang school midwifery dito din po sa laguna. year 2014 po ito nangyari, first duty ko po nun sa (nicu) " neonatal intensive care unit" po ako na aassign . pagpasok pa lang po namin nun kinakabahan na ako kase first time ko pong mag babantay ng baby at makakita ng nanganganak sakto po nung pag pasok namin ng mga classmate ko kasama po namin yung clinical instructor o CI namin, may nanganak po sa DR delivery room, kaso hindi po na handle ng classmate ko na naka assign sa DR kase masyado daw pong delikado yung panganganak nung babae kaya bawal ang ojt lang. 2 doktora po ang nag paanak sa kanya , pag labas po nung baby patay cya at pugot po ang ulo. idedescribe ko po sa inyo yung itsura ng baby. may dwarfism po cya yung tiyan po nya parang gelatin na pag pinindot po may tubig. malambot po cya kahit sa may parteng leeg nya malambot din kaya naputol yung leeg nya. ang matigas lang po sa kanya kamay at paa, una palang po alam na nung ina ng sanggol na patay ang sanggol sa kanyang sinapupunan. dahil inultra sound po cya pangalawang pag bubuntis na nya daw po yun. sabi nung doctor nasa genes daw po yun . o namamana. pag kalabas po nung sanggol diretso na po agad sa nicu yung patay na sanggol para ipost mortem. ako po yung inassign nung senior namin kasama ko po cya sa nicu para din po mag training saming mga freshmen. na mag post mortem dun sa baby. kabado po ako nun kase putol po yung ulo nung baby, ibabalik yung ulo nung baby sa katawan nito tatahiin po . yung post mortem po kase kasama yun sa mga procedures namin para makagraduate.
sabi ko po dun sa CI namin mam hindi ko po kaya natatakot po ako saka nahihilo at nasusuka talaga ako kase iba yung amoy malansang ewan parang bulok yung amoy saka ninenerbiyos kase ako nun. sabi saken nung CI namin sige dun ka muna sa doctor's lounge baka mapaano pa daw ako tapos binigyan ako ng classmate ko ng katinko kase nahihilo talaga ako, sinamahan ako ng classmate ko saglit. at hinilot yung ulo ko kase nalulula talaga ako, sabi ko dun sa classmate ko okay na ako tawagin nalng po natin cyang AC, balik kana sa DR . sa DR po kase cya assign baka madami ng pasyente. sabi nya okay ka ba talaga baka mapano ka dito baka matumba ka sabi ko medyo okay na talaga ako. tapos umalis na cya. nakasubsub lang ako dun sa table. kase medyo hilo pa ako, mga ilang minuto dinig na dinig ko talaga na may papalapit saken dinig ko yung hakbang nya. sabay inisod pa yung bangko. ramdam kong may tumabi sa akin saka yung buntong hininga nya dinig ko rin, inilingon ko yung ulo ko para tingnan walang tao akala ko si AC wala palang tao. dali dali akong bumalik sa nicu. dahil sa takot sabi nung CI namin bakit nandito ka bumalik ka dun sa doctor's lounge nahihilo ka ahh baka mapano ka pa dito. sagutin pa kita pag may nangyari sayo .magpahinga ka muna dun. sabi ko okay na po ako mam. ninenerbiyos lang po siguro ako kanina. saktong wala na dun yung baby tapos na cyang ipost mortem nung senior namin.hindi ko sinabi yung naramaman ko dun sa doctor's lounge baka kase isipin nila na nag iinarte lang ako o gumagawa ng kwento. may ikukwento pa po ako yung pag uwi namin sa dorm.-----
BINABASA MO ANG
Kwento Ni Nanay
RandomStill in #4 spot (12/12/22)Highest Rank #1 (8/14/2020) #1(12/7/18)(10/14/19) (6/29/20) in Scary stories.A spine-chilling Suspense/Horror. Based on true events.