PINTO SA KWARTO 1

1K 26 0
                                    

Ako si RM. Nakatira kami sa probinsya ng Bicol, Albay. 16 yrs old na ako ngayon at nasa highschool.

Pero itong aking kwento ay nangyari nung ako’y 12 yrs old pa lamang at sa pagkakatanda ko, nasa Grade 5 ako ng mga panahong iyon.

Lima kaming magkakapatid. Ako ang bunso sa pamilya at dalawa lang kaming babae. Si Papa kasi sa Manila nagtatrabaho kaya wala siya rito. Si Ate (eldest) naman nasa Manila din kasi doon siya nag college at si kuya (2nd) din doon na sa Manila.

Ako, si Mama at sina Kuya (3rd&4th) lang ang naiwan dito sa Bicol that time. Kaso yung kuya kong pangatlo samin eh gabi na umuuwi nun kasi college tsaka graduating na siya at yung ikaapat naman samin na magkakapatid laging wala. Gala kasi yun. So kami lang lagi ni Mama ang naiiwan sa bahay nun. Mga 5-8pm. Kasi pag 4:30 nakauwi na ako niyan galing eskwela.

Simple lang naman ang bahay namin dito at luma na. 90’s pa kasi nung pinatayo ito at hanggang ngayon ganun padin ang itsura. May dalawang kwarto, isang salas, kitchen/dining area, likod bahay at isang banyo sa loob. May balkonahe naman at malawak ang compound namin sa labas. Katabi lang din ng balkonahe ang garahe.

Mahilig ako magcomputer dati kasi madaming games at kung ano-anong nauuso. Si Mama naman ay mahilig tumambay sa balkonahe namin kasi daw mapresko.

Naiwan ako sa kwarto na nagcocomputer. Iyong kwarto ay ang master’s bedroom. Pero kami na ni Mama ang natutulog dito kasi nasa Manila naman si Papa.

Hinayaan kong kalahating naka bukas ang pinto kasi solo lang ako at para marinig ko kung may tao man sa labas tutal ay hindi naman ako gumamit ng aircon. Hindi naman kasi mainit.

Naglalaro ako nun ng Aveyond: The Darkthrop Prophecy na nirekomenda ng kuya ko. Mahilig kasi ako sa mga games na may mga quest tapos yung naglalakbay at may mga kalaban. Sobrang lakas na ng character ko nun at enjoy na enjoy na ako sa paglalaro nang biglang—

-

To be continued..

Kwento Ni NanayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon