So this was related sa story i've sent here before ("the nun") but this time it was the room itself.
It was already 9 pm at night, all lights off na ang mga rooms from school na pinapamahalaan ng mga madre na syang pinapasukan namin.the house of the nuns or yung "kumbento" is just a few steps from the school kung kaya nilalakad lang ng mga madre mula school hanggang kanilang bahay each and everytime na magtuturo sila. Pauwe na sila that sa kumbento dahil na i lock na nila ang rooms at nacheck narin itong maigi kung malinis na ito at wala ng naiwang tao or gamit nila sa loob ng biglang may malakas na kalabugan silang narinig mula sa second floor.para itong mga silyang ihinahampas sa mga pader at waring mga kuko na ikinakalmot sa pisara. Nagtinginan ang mga madre sapagkat kataka takang magkaroon ng ganoong klaseng ingay gayong nasisiguro na nila na wala ng tao roon.agad nilang ipinatawag ang guard ng school upang samahan silang icheck ang school muli.ng papalapit na sila sa paaralan ay nakikita nilang bukas sindi ang bawat ilaw sa silid aralan. "Ano ba ang nangyayare?" Sambit ni sister cora. "Diyos naming mahabagin,ilayo mo po kami sa kapahamakan" ang sabi naman ni sister juvy habang natatakot na sa naririnig na kalampag mula sa loob. Ng kanilang bubuksan na ang gate ay nakakita sila ng mga batang pumanhik sa ikalawang palapag ng paaralan. "Akala ko ho ba eh wala ng mga batang naiwan?" Ani ni sister argilene."wala na po sister! Dahil ang lahat ay nasundo na ng school service" pagtatakang sagot naman ni kuya manny(school guard). Agad nitong sinindihan ang flash light at bubuksan sana ang main power ng ilaw sa baba ngunit ayaw nitong sumindi."oh bakit walang kuryente gayong ok pa iyan bago namin iwan kanina" sabi ni sister juvy. Napadasal na lamang ang dalawa pang madre dahil sa sobrang lakas parin na kalampag sa taas..dahan dahan silang umakyat .papalakas rin ng papalakas ang pagwawala ng kung ano man ang nasa second floor habang ang gwardya at madre ay papalapit.nakarinig sila ng batang umiiyak at sinasabing hindi na po ako uulit!!! Ng makarating sila sa second floor ay biglang bumukas lahat ng ilaw.bukas ang mga bintana sa silid.gulo gulo ang mga silya at nagkasira sira sa lakas ng hampas nito.puro kalmot din ng kuko ang pisara at may nakasulat na hindi na ako uulit.dahil doon ay ipinatawag ang maintenance at iba pang madre upang ligpitin at ipag pray over ang classroom dahil sa nangyare rito.Sinasabing dating may pinarusahang estudyante sa silid na iyon..inutusan syang magsulat ng 1000 ulit ng "sorry,hindi nako uulit." Dahil sa pagnanakaw sa pera ng kaklase nya.nilock sya dito ng guro hanggang sa mag gabi at hindi nakalabas hangang sa makalimutan na sya.dahil sa galit ng bata ay nagwala ito at sinasabing dito ito nawalan ng buhay sa di malamang dahilan.kung kaya pag sapit ng 9 pm ng gabi ay maririnig ang kanyang pagdadabog at pagkalmot upang ipaalala na sya ay nakalimutang palabasin sa silid
Cleo
BINABASA MO ANG
Kwento Ni Nanay
RandomStill in #4 spot (12/12/22)Highest Rank #1 (8/14/2020) #1(12/7/18)(10/14/19) (6/29/20) in Scary stories.A spine-chilling Suspense/Horror. Based on true events.