Ang kaibigan kong Duwende

3.5K 81 7
                                    

Friday afternoon ng mapagdesisyunan ko na umuwi galing sa boarding house. Since malayo ang bahay namin sa school,pinayagan nila ako magboard. Hindi daw kasi wise ang sumakay ng bike or ihatid ako ng sasakyan sa kadahilanang ang lolo ko ay matanda na. Ang sasakyan naman namin laging dala ng Tita ko papuntang ospital dahil sa isa syang doctor. Ayaw rin nila ng bike kasi ang way samin ay main road. Maraming nagdadaanang pribadong sasakyan. In short, marami silang dahilan at ayaw nila.

Ang boarding house naman ay pinamamahalaan ng kamag anak rin namin. Sabi nila, pinsan ng lolo ko ang tatay ng landlady namin.

Tuwang tuwa ang lola ko ng makita nyang umuwi ako. Tinanong ako ng mama ko kung kumusta na ako. Habang nagkukumustahan kami at nakaupo sa terrace, napunta ang usapan namin sa kaibigan ko nung bata pa ako.

Sabi ng mama ko kinukumusta ako ng mga kababata ko sa probinsya ng lolo ko. Kapag kasi bakasyon namin sa school lagi kami dinadala ng lolo ko sa bahay nila nung maliliit pa sila. Sabi ng mama ko marami daw akong naging kaibigan doon. Naalala nya rin na meron akong isang kaibigan na laging sinasabi at kinakausap ngunit hindi nila nakikita.

Natakot sila para sakin dahil naging dahilan daw un ng pagkakasakit ko ng malubha at halos hindi na makalakad. Mabuti na lamang raw at natulungan kami ng manggagamot sa nayon upang mapaunawa sa kaibigan kong hindi nila nakikita ang sitwasyon namin.

Sapagkat ako'y bata pa. Hindi ko na matandaan ang mga nangyari non. Lalo na kung sino ba yung sinasabi nilang kaibigan kong hindi nakikita. Ikwenento uli ng mama ko ang mga nangyari.

Sa bayan ng Soledad nakatira sila lolo. Malawak ang lupain nila. Ancestral house na tinuturing ang kanilang bahay. Lahat ng gamit nila puro antique. Which is alam ng lahat na hindi ko talaga trip dun. Haha! Hindi ko talaga kasi gusto mga antigong bagay. Ewan. Masama ang pakiramdam ko.

Sabi nila lagi akong lumabas ng bahay at pumupunta sa likod bahay kung saan maraming puno at meron din isang sirang
Kuwadra. Dun ako naglalagi. Inaabot daw ako ng gabi don. Kadalasan lagi ako nawawala at doon ako natatagpuan.

Habang abala ang lahat sapagkat kaming magpipinsan binibigyan ng kanya kanyang task ng lolo namin. Ang iba ay magpapaturo manahi o di naman kaya magluto. Samantalang ang mga lalaki naman mangarpentero. Samantalang ako nasa lumang kuwadra nakikipaglaro sa di nila nakikitang kalaro ko. Isang araw,bigla na lamang nagdesisyon ang Lolo ko na bumalik ng manila. Meron syang emergency sa trabaho. Kinakailangan naming bumalik kasama ang Lolo ko kasi ayaw nyang maiwan kami sa probinsya.

Kinagabihan, inaapoy daw ako ng lagnat. Nagchichill ng sobra. Pinapunta nila ang doktor na kaibigan ng lolo ko.
Ngunit simpleng lagnat lamang ang kaniyang obserba sakin. Para daw makasiguro kailangan ng laboratory. Pero iba naman ang opinion ng mga matatanda sa bahay. Ang kaibigan ko sa kuwadra ang nakikita nilang dahilan.

Kinabukasan, kahit maglakad ako hindi ko daw magawa. Umiiyak daw ako sa sobrang sakit ng mga binti ko. Ang aming planong umuwi ay natuloy pa rin ngunit ako ay karga habang pasakay ng sasakyan. Pagkarating sa manila inasikaso agad ako ipatingin sa mga experto ngunit hindi nila maipaliwanag ang sakit ko sapagkat nakikita nilang wala naman abnormal sa aking mga laboratory. Itinawag ng mama ko ang nangyari sakin. At sabi ng Lola ko sa probinsya na kailangan ako ipatingin sa isang albularyo. Ayaw sana pumayag ng aking lolo ngunit wala na ito nagawa ng dalhin ako don ng aking ama.

Papasok palang ako ng sabi ng matandang lalaki na isang duwende ang may kagagawan. Kailangan ng aking mga magulang na mag alay para makawala ako sa kastigo ng duwende. Nagalit daw ito sapagkat ako ay lumayo at umalis. Gusto nito na dalhin ako sakanilang kaharian upang maging kalaro ng kanilang anak na duwende.

Sabi ng matanda kapag nagawa na patawarin ako ng duwende ay hindi na ako maaaring malagi sa may kuwadra kung maaari hindi ako pwede magtagal sa probinsya.

Inabot ng isang linggo ang pag aalay nila at nanunumbalik na ang aking kalusugan. Lalong lalo na at ako'y medyo nakalalakad na. Pinatawad nila ako at sabi ng aking ina kinausap nya ang ina ng kalaro kong duwende. Ipinaunawa niya na mahalaga rin ang anak nya sakanya.
Ngunit sadyang hindi ako kontento na ganun na lamang kami maghiwalay ng kalaro ko. Kaya ng magkaron kami ng pagkakataon na makabalik sa probinsya. Nangangamba man sila pero sabi nila na kailangan rin namin ng closure (parang ano lang eh...)

Dumating kami doon ng umaga. Ihinanda na rin ng aking mga lolo ang dapat kong ialay. Sa pagkakataong yun nakacrutches pa ako. Isang platong puting marshmallows ang nakaready na. Yun daw kasi ang dapat ialay lalo na bata ako para malaman rin daw na malinis ang intensyon ko. Nilapag ko ang plato..

Nakita ko ang kalaro ko..sabi nila ganito ang naging usapan namin..

"(Tinawag ko ang pangalan ng kalaro ko) kumusta ka na? Galit ka pa rin ba sakin?.. Hindi naman kita iniwanan ng walang paalam. Si lolo kailangan naming bumalik agad kasi may nangyari sa trabaho nya..

(Ano ba yun? Gusto mo magick.in natin para hindi ka na umalis?)

"Hindi ko alam eh. Pero hindi mo pwedeng gawin yun. Bad yun. Kaya ako napunta rito para bigay to." Habang nilapag ang isang platong marshmallows.

(Aalis ka na talaga di ba kaya mo ba to binibigay?)

"Kahit naman umalis ako magkaibigan pa rin tayo. Alam ko alam mo yan. Pero magkaiba mundo natin eh. Di tayo pwede magsama pero gayun pa man habang buhay tayong magkaibigan wag mo kakalimutan yon."

(Nalulungkot ako pero alam ko na bibisita ka pa rin di ba? Kung ganon,binabawi ko na lahat ng masamang sinabi ko para bumalik ka na sa dati)

"Maraming salamat kaibigan.."

After namin mag usap sabi nila nawalan ako ng malay. Nakwento ko rin sa mama ko nangyari. Sabi nila magpahanggang sa ngayon patuloy sila nag aalay ng puting marshmallow simbulo ng pasasalamat sa patuloy na paggabay sa pamilya namin.

Pero ilang taon na ako hindi nakakabalik roon. Wala na rin ako balita sa mga lolo't lola ko roon. Ang balita ko nga nirenovate na ang ancestral house na yun sapagkat nasira na ito ng bagyo.

Maraming hindi naniniwala sa nangyari sakin. Pero tanging mga saksi lamang ang magpapatunay sa naging usapan naming MAGKAIBIGAN.








A/N: hi guys! Sorry kung medyo natagalan mag update. Daming gawa ng momshie eh... Nagkataon rin na maraming okasyon sa bahay. Alam ko hindi gaano ka tense tulad ng una kong kwento ngunit hayaan nyo babawi ako.. Sana patuloy nyo akong suportahan.  MARAMING SALAMAT SAINYO!

Kwento Ni NanayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon