*Semester break

1K 40 0
                                    

Ctto

➡ This happened last month lang so very fresh pa ng memories na yun sakin.
2 days before back to school kaya nag decide ako ns sumama na mag hiking somewhere in CALABARZON, almost tanghali narin kami nakarating at naka akyat sa tuktok na may bahay na sya naman naming tinuluyan mag damag.
Kinabukasan maaga kaming bumaba para maligo sa man made water source. Nagtaka lang ako kase halos lahat ng rules and regulation na nakikita ko eh puro "Mag iingat po tayo". Aside from bawal mag dala ng mga nakalalasing na inumin at mga bagay na nakakasakin like (pag-ibig)😂 charot basta ganun.
Habang naglalakad kami puro mga small caves ang nadaanan namin so it makes me feel so excited.
Naglatag kami katabi ng cottage namin then nag swimming na yung iba, i saw some kids na nag tatampisaw kaya pumunta ako don. Maya maya sumunod yung friend ko sya si ann (not her real name) sabi nya mag lakad lakad daw kami sa gilid so i agreed. Sa gilid hanggang tuhod lang yung tubig, hawak namin yung magkabilang dulo ng balabal na dala nya so di kami sabay kase nauuna sya sakin.
Maya maya sabi nya " beh parang lumalalim na" i remember na di nga pala sya marunong lumangoy. Mejo napaisip pa ko kase nasa gilid lang kami pero palalim na ng palalim, since marunong naman ako, di na ko nag dalawang isip na samahan sya so hawak kamay na kami. Bigla nalang syang lumubog then after some seconds umahon sya at biglang kumapit sa balikat ko actually hanggang balikat ko lang sya. at di na namin naapakan yung ilalim, mejo natakot lang kase even though i can swim but i haven't enough body to save, yun bang kaya kong lumangoy pero di ko kayang mag ligtas if ever na may malunod.
Mahirap umahon kase ang lakas ng current sa ilalim so inaanod talaga kami, bigla nalang nya kong sinampahan sa balikat at pumailalim ako para makahinga sya, then nung wala ns kong hininga sya naman ung sinampahan ko, habang inaanod kami ganun lang ung scenario naming dalawa. Then i heard people around na sumisigaw, nalulunod na daw kami which is totoo naman at di ko na talaga kaya, then i saw a group of boys na papunta samin to save us. Mga apat ata sila yung isa hinatak yung kasama ko then nagkahiwalay kami, nasa ilalim na ko at wala pa kong naaapakang kahit ano bigla akong pinulikat, so pumikit nalang ako na sinabi ko sa isip ko na "kung mamamatay ako, ayoko sa ganitong paraan" naalala ko na marunong pala akong lumangoy, so ang ginawa ko kinampay ko yung mga paa at kamay ko para maka ahon. Dahil nga galing ako sa ilalim inalalayan ako ng isang guy na nag save sakin. Nasa gilid nako then yung friend ko hinanap ko kase di parin sya umaahon. Kinakabahan nako that moment untill nahatak sya ng isang guy at inalalayan para makaahon. I heard and saw people around us na bakit daw kase kami nag punta sa side nayun bla bla bla...

Then dumating yung iba naming mga kasama at syempre nagalit sila kaya pinag bihis na kami agad.
Nag hanap kami ng c.r na pwedeng pagbihisan pero mag babayad ka ng 5 php. Nung nagbayad nako biglang nag salita si ate. Sabi nya: nako muntik ng kunin ng uwaw yung dalawang kanina" so napaisip ako at napatanong sa kanya.
Ako: ate ano po yung uwaw?
Ate: uwaw yung nakatira jan sa balete jan sa maraming nalulunod, nung nakaraang byernes pang apat na yung nalunod nayun, kung nalunod din yung kanina siguro pang anim na silang kinuha".
Natakot ako that time ang sinilip ko kung may balete talaga, as in meron nga, dun mismo kung saan kami huling nag ka hiwalay ng friend ko.
Sabi pa ni ate: yung uwaw nayun, sabi nila ibon daw yon pero wala pang nakakakita dun pero naririnig namin yung huni nya parang umiiyak" . After non umalis na kami at umuwi na. Pero i have some conclusions that there is something wrong in this place. Hapon na ng makauwi kami, diretcho computer ako at nag search about that place to know some its historical backround. Way back 1909 ng buksan ang man made water source na yun, para mag supply ng tubig sa buong maynila. Pero nang matapos ang ibs pang mga water source ay inabandona na ito at di na ginamit pa, pero idineklara ito bilang isa sa national geographic location dahil sa mga naglalakihang mga line stones na naka palibot sa buong lugar. After that nanood naman ako ng news about accident sa lugar nayon at napanood ko ang isa sa mga yun, may isang bata 7 yrs old ata sya, may picture pa sya habang nag tatampisaw sa gilid, then after a few minutes bigla syang nawala, pero yung kinakatayuan nya kanina dun parin yung galaw ng tubig na parang hinila aya pababa i saw sa picture.
After that nakita ko naman ang isa sa mga horror reality show na naka featured ang sinasabing lugar nayon, so i watched it. Sabi sa kwento ng isang residenteng matanda: "minsan jan sa bundok sa tuktok, nakikita kong may nag puprusisyon.. Ay akoy kinikilabutan talaga".
Yung isa namang babae na namatayan ng kapatid dahil sa pagkalunod sa lugar nayun. " si kuya yung taga salba ng mga nalulunod dito, pero bakit sya nalunod eh magaling yun lumangoy". After i watched the video may narration pa ang sabi "kadalasan daw ang mga panganay na lalaki ang kinukuha ng diwatang nag babantay sa lugar nayun, dahil ng minsang umibig ito sa isang mortal ay tinanggihan sya nitong sumama sa kanya pagkatapos nitong malaman ang tunay nitong itsura"

_________________
Buti nalang bunso ako at take note di kami talo noh, lalaki rin kase ang gusto ko.😂
_________________
Sorry masyado ng mahaba sa susunod nalang ulit, marami pakong creepy experiences😉

Ps: kung sino man yung guy na nag save sakin, thank you po😘

"Ang tubig ay buhay, ngunit maari rin itong kumitil sa hindi inaasahang pagkakataon"

~👑

Kwento Ni NanayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon