(Hide identity)
Parents ko separated po. Nasa Cebu papa ko, while mama ko nasa Mindanao po. Nasa papa po ako pero every vacation pumupunta po ako sa mama ko which is in Mindanao nga po. Nung una mas gusto ko doon kasi hindi maiinit less traffic then ang daming pwedeng pasyalan like falls, beach na konti lang ang mga tao unlike sa Cebu ang dami wala kang privacy. Gustong-gusto ko talaga dito.
Ff.
Sumama ako sa mga pinsan ko (side ng mama ko) pumunta kami sa isang falls. Grabe namangha talaga ako. Nagtampisaw agad kami then ang ingay-ingay namin kase kasama din namin ang mga friends ng mga pinsan ko. Ako naman wa' pakels nag bathing suit ang lola niyo sanay na kasi ako like duh? bawal sa Cebu na naka pants Lol. So balik tayo. Habang lumalangoy ako may nakita ako sa isang sulok na may mga wild flowers nagagandahan ako sa mga yun. Pumunta ako kung saan naroroon. Di na ako napansin nila kasi nag eenjoy masyado ang mga bruha. So ayun habang pinipitas ko. May nakita akong lalake na sobrang gwapo ewan ko ba pero nakaka attract sobra ang lolo niyo. Alam niyo kahit maraming gwapo sa City of Cebu pero iba parin ang pagka gwapo niya. So kinawayan ko siya. Ngumiti lang siya then tinawag ako ng isa kong pinsan ng lumingon ako pagbalik ko wala na siya. Pinagtataka ko mga 3 seconds lang akong lumingon sa pinsan ko pagtingin ko ulit wala na siya. Eh di yun wa' pakels. Bumalik na ulit ako sa mga kasama ko.
Ff.
Nung nakauwi na kami pagpasok ko palang sa room ko, may nakita akong mga bulaklak sa table ko. Ang ipinagtataka ko lang same ng flower dun sa falls. Pero syempre dahil probinsya maraming flowers na ganun so inisip ko nalang na si mama ang naglagay ng mga yun. Nung naghapunan na kami ng mama ko may naaamoy akong mabango as in mabango. So tinanong ko si mama if may naaamoy ba siyang mabango. Sabi niya wala daw. Nag joke pa nga si mama sabi niya, utot ko daw naaamoy niya. HAHA walangya! so ayun. Pagkatapos ng hapunan nag presenta na akong maghugas ng pinagkainan namin. Yung wall sa hugasan namin bale may design na nakikita ang labas yun bang flower² HAHA bahala na kayo mag imagine. Mahilig kasi akong kumanta kaya habang naghuhugas nag co' concert ang lola niyo. Parang namalikmata ako yun para bang may tumititig sayo. As in dahil dun dali-dali kong tinapos ang paghuhugas ko ng plato. Nakakapangilabot. Di pa nman ako naniniwala sa mga Wak-wak, Tyanak, White lady, etc. Para sakin gawa-gawa lang yan ng mga pilikula para kumita then ayun yung mga tao naman nag iimigine nalang ng kong ano-ano. Impluwensya sa kakapanuod. Genern ba. So
Ff.
Pagkatapos kong mag half bath tumungo na agad ako sa room ko. Ayun nanaman may mabango nanaman akong naaamoy at may bulaklak nanaman akong nakita sa ibabaw ng lamesa ko. Sabi ko pa, sweet naman ni mama. Bukas mag papasalamat ako sa kanya. Pagkahiga ko agad akong nakatulog. Then mga 3am naaalimpungatan ako kasi feeling ko may katabi ako at ang lamig pa. Hay buhay charap naman dito sa probinsya libre aircon. NiyaHAHA so ayun, paglingon ko sa right side ng kama ko wala naman akong katabi pero yung feeling ba na tumataas lahat ng balahibo mo pati na nga sa kili-kili ee. HAHA juk!
Ff.
Pagka umaga kiniss ko agad si mama at nagpasalaamat sa binigay niyang mga flowers sabi ko ang sweet mo talaga ma. Agad lumingon si mama at sinabing "Nak, alam kong sweet ako, pero di kita binigyan ng bulaklak. Baka daw sa admirer ko nanggaling. Biglang hinawakan ni mama ang mukha ko. Laking gulat ko ng sumigaw si mama. Sino daw may gawa nito sakin. Ako naman lutang. Was' maisip. Ma? naka shabu ba kayo? halaka ipapa tokhang kayo niyan, umayos kayo. Sabi niya seryoso nga nak, sinong kumalmot sayo? ipapa Kapitan natin. Kumalmot? seriously, ma? meron akong kalmot? Tumango siya. Sabi niya lagot daw kay papa. Baka daw di na ako payagan sa susunod na pumunta rito. So tumingin ako sa salamin. Gossssh! May mga kalmot nga ako sa mukha. ang tataas pa ng pagka kalmot. Naiyak na talaga ako. Then bigla nalang akong nagsusuka ng yellow parang itlog talaga. Then ang sikit pa talaga ng tiyan ko. Bigla akong nahimatay! Nagising nalang ako ng may naririnig akong mga boses. May nakita akong parang manggagamot. Nag uusapan sila ni mama. Sabi ni mama tanungin nalang daw nila ako pagkagising ko. Kaya tinawag ko si mama. Agad lumapit si mama at mga pinsan ko. Then lumapit din ang matandang lalaki kanina na para bang manggagamot. Tinanong niya ako kong may nagbigay ba daw sa akin ng kung anu-ano. Sabi ko ewan ko po. Naalala ko yung mga bulaklak na sabi ni mama di naman daw sa kanya nanggaling. Sabi ko sa matanda pwera nalang po sa bulaklak na lagi kong nadadatnanan sa kwarto. Biglang tumayo ang matanda. Naku bakit mo kinuha. Ngayon malakas ang kapangyarihan nung demonyong yun kasi may kapit siya sayo. Wala akong masabi. Demonyo? GED! nasa kalagitnaan ba ako ng shooting? saan ang camera? okay ba mukha ko naka make up ba ako? gosh! pano na ang mga kalmot ko? nakakadistract yun aah. xD So bumalik ang diwa ko kasi biglang nagsalita ang matanda na ANDITO SIYA. Huh? sinong andito? sabi pa niya, Hindi ko kaya ang lakas niya sapagkat may kapit na daw saakin ang demonyo.
Maghanap nalang daw kami ng mas malakas kay manong.
Agad-agad na umalis ang matanda na para bang takot na takot. Si mama naman iyak ng iyak.
Ff.
Nakahanap si mama ng ibang albularyo. Sabi sakin ng albularyo, kung may ibibigay daw ulit sakin ang nilalang na iyon di ko daw pansinin. Sabi pa niya, ang mga nilalang na iyon ang magpapalit anyo para makuha nila ang simpatya nila sa tao. So naalala ko ang lalaking nakita ko sa falls na ngumingiti lang di nagsasalita. Sinabi ko sa albularyo yun. Sabi niya andoon daw sa tabi ko ang nilalang na iyon. Di daw iyon itim kaya di yun masama. Nagkakagusto lang daw talaga yun sa'kin kaya gumagawa ng paraan para makuha ako. Kasi kong itim daw na nilalang ang nagkagusto sakin. Matagal na daw akong di makalakad at may ano-anong sakit ngayon. So ayun sabi ni mama umuwi nalang daw ako sa Cebu pero sabi ng albularyo, kahit saan daw susundan daw ako ng nilalang. Sabi niya gagamutin daw muna ako bago umuwi. Nagpa ready siya ng tatlong manok na puti, limang itlog, aqua bindita, buhok ng Santo sa simbahan. Para daw ialay sa nilalang na iyon. Pero di pa daw iyong sigurado kung tatanggapin ang alay. Magdasal nalang daw po na sana.
Ff.
Pagkatapos ng alay ang sabi ng albularyo, tinanggap daw iyon ng nilalang. Laking pasalamat ko at ni mama sa albularyo. Ngayon naniniwala na talaga ako na hindi lang tayo ang nakatira sa mundong ibabaw. Umuwi na ako sa Cebu at si mama nalang pumumunta sa Cebu. Never na akong bumalik sa Mindanao.Hanggang dito nalang po. God bless us!
-end
BINABASA MO ANG
Kwento Ni Nanay
De TodoStill in #4 spot (12/12/22)Highest Rank #1 (8/14/2020) #1(12/7/18)(10/14/19) (6/29/20) in Scary stories.A spine-chilling Suspense/Horror. Based on true events.