Sa lugar ulit ito nang samar nangyari hehe doon kasi ako lumaki, doon din ako nakarinig ng mga kwentong kababalaghan at higit sa lahat doon ko naranasan ang mga ito!!
Ok start na tayo ISA, DALAWA,TATLO!! TAKBO!! Hehe joke lang aahhm!!
Nangyari ito nung na myesta kami sa isang isla at ang tinatawag sa baranggay nito ay San Vicente, nakituloy lang ako dun sa aking kaibigan ang pangalan niya ay ivan ka schoolmate ko siya at barkada rin, nangdahil sa walang highschool sa lugar nila nag pa bayan siya at doon nga sa school siya napadpad.
Ang bahay nila ay sa harap lamang ng gym kung saan malapit sa tabing dagat tinaasan lang nila ito upang d maabot ng tubig oras na lumaki o mag ka bagyo. Sa bandang gilid ng gym nandun ang pangpang kung saan doon humihinto ang mga bangka at may malaki ding puno ng niyog..
Tatlong gabi ang sayawan at puyatan!!
Pag katapos ng Fiesta nanatili muna ako ng isang gabi pa saka nila..
Nung gabi nayon wala ng sayawan at karamihan sa dayo ay naka uwi na kaya medjo tahimik na pwera nalang dun sa nag iinoman sa tabi ng gym, nakatambay kami sa harap ng bahay nila ivan at yung nag iinoman ay medjo malapit din samin kaya kahit anung pag kwentohan nila naririnig namin hahaha chismoso lang!!
Lima silang umiinom nun puro may edad narin.So ito na nga isang oras na kami nag kwekwentohan ni ivan nang biglang lumakas ang ihip ng hangin, at nang biglang may humuni ng!! Wak wak wak wak!! Sabay sabi ko kay ivan( may pato ba dito) siya(wala no! Naku ayan lumilipad na siya,[sabay tingin sa orasan niya] kaya naman pala jhay alas 12 na oh) na gets ko kagad yung mga sinabi niya na kung anu yung lumilipad! Naputol yung pag uusap namin nung biglang sumigaw yung isang umiinom (HOY ASWANG!! WALANG HIYA KA,PA HUNIHUNI KA JAN HUH!! BUMABA KA DITO AT NANG MAGAHASA KITA!!) Pag karinig namin nun bigla kaming natawa..
Yung huning naririnig namin ay lalong lumalakas na animoy papalapit samin at sa pakiramdam namin na parang may dadakitin, syempre kahit ganun d kami natatakot kasi malapit lang yung pintuan hehehe..Nakita naming tumayo yung lalaking sumigaw at umalis( mukhang uuwi na si manong ivan natakot ata,sabay tawa naming dalawa) tatlong minuto palang ang nakakalipas nagulat kami bumalik siya at may dalang makapal na lubid, tapos deretso siya doon sa may puno ng niyog bigla rin siyang umakyat, umakyat pala siya duon para iwan ang isang dulo ng lubid at yung isang dulo naman tinali nisa sa kanang paa niya. Bumaba na si manong sabay sigaw!! WALANG HIYA KA KANINA KAPA ANG INGAY MONG ASWANG KA!!KUNG MATAPANG KA HILAIN MO NGA YUNG ISANG DULO NG LUBID JAN SA PUNO!! Pag katapos niyang sumigaw maya maya lumakas ang hangin at may narinig kami na pagaspas akala mo ay sobrang laki ng ibon maya maya pa ay umaangat na ang tali!! Wala sa loob ko na natumba na si manong at hinihila na siya pataas at yung mga kasama niya nataranta na kasi humihingi na siya nang tulong,kami namang dalawa NGA NGA kasi natulala na kami diba mga walang silbi takot din!!hehe
Kinaladkad si manong nang kung anung nilalang man ang humihila sa kanya sa taas buti nalang nakakapit siya sa puno ng niyog, nag tataka rin kami kasi kahit maliwanag ang buwan d naman nakikita yung lumilipad kung at kung may nakikita man din kami ay yung lubid lamang. May kumakaripas na tumatakbo isang lalaki na may dalang itak isa sa mga kainuman ni manong pinutol niya yung lubid kaya d na nahila si manong nang nilalang na lumulipad. Laking ginhawa ni manong at pasalamat niya tapos yung pagka lasing niya biglang nawala hehe diba astig. Pero may iniwan namang marka sa kanyang paa at bukod pa dun may mahahabang buhok din na nakatali!!Pag katapos nang gabing yun naging usap usapan yun sa isla at ako ay umuwi na samin sa bayan!
Totoo po ito nangyari isa rin to sa mga karanasan ko na d ko makakalimutan!!Ctto

BINABASA MO ANG
Kwento Ni Nanay
RandomStill in #4 spot (12/12/22)Highest Rank #1 (8/14/2020) #1(12/7/18)(10/14/19) (6/29/20) in Scary stories.A spine-chilling Suspense/Horror. Based on true events.