Sabi ng mama ko noong pinapanganak nya palang ang aking ate nakasaksi na siya ng bagay na napakahirap ipaliwanag. Na magpasa hanggang ngayon hindi niya talaga maexplain.
Sabi ni mama, nagbakasyon sila sa bayan ng
Papa ko. Somewhere in Nueva Icija. Pagbaba palang ng sasakyan pinapasok na agad ang mama ko. Kinausap rin sya ng kanyang byenan na hindi sya pwede gumala ng walang kasama. Bawal lumabas lang nang basta sa bahay at kumausap ng hindi kilala. Lalo na at buntis sya.Sabi ng kanyang byenan. Kapag dayo ay nakakatuwaan. Minsan kakainggitan. Uso kasi noon ang ganun. Kinahapunan may tumatawag mula sa tindahan nila. Ang papa ko naman ay nasa kanilang sakahan. Walang ibang tao sa bahay kundi ang aking mama at ang aking lola.
"Pabili..". anang boses.
"Inang... may bibili ho..". Sabi naman ni mama.
--WALANG SAGOT--
"Inanggg..." nilakasan ang boses.
--wala pa ring sagot--
Nagdisisyon ang aking Mama na sya na lamang pumunta ng tindahan. Sapagkat walang sumasagot. Nagdadalawang isip man pumunta na sya sa tindahan.
Isang magandang babae ang kanyang naaninag. Sabi pa ng mama ko nakakasilaw ang kanyang ganda. Para siyang dyosa.
" ano ang iyong bibilhin?.." tanong ng aking Ina.
"Kandila.... yung puti." Sagot nito.
"Ilang piraso ho?.."
"Isa lamang.."
Napansin ng aking Ina na ang boses ng babae ay parang nagmumula sa ilalim ng lupa. Hindi niya mawari bakit ganon. Ang titig rin sakanya ay tila pati kanyang kaluluwa ay nakikita. Naninindig balahibo ang aking Ina.
" Rose! Pasok sa loob. Pasoook!" Galit na galit na sabi ng byenan nya.
"P-pasensya na po kayo. Kanina pa ho kasi ako tawag ng tawag eh wala naman ho sumasagot kaya ako na lamang pinuntahan..." habang papasok at patuloy na nagpapaliwanag.
" ang tigas ng ulo mo! Pasok!..dali!" Pasigaw pa rin na sabi.
Habang nasa loob ng bahay at halatang nabahala ng husto ang aking Ina. Pasilip siyang pumunta ng bintana. Nakita niyang bago ang perang binigay sa aking lola. Matapos makaalis ang magandang babae. Tinawag uli si mama ng lola ko at sinabing magmadali.
Nalilitong lumapit si mama kay lola. Tinuro ni lola ang babae at pinahawakan sakanya ang bagong perang papel na binayad nito.
" Tingnan mo maigi ang babae. Wag kang kukurap." anang lola ko.
Nanlaki ang mata ng aking mama. Dahil ang babae ay naglalakad na pawang nakalutang ang dalawang paa nito. Sumasabay sa hangin ang lakad ng babae. Napansin rin ng aking mama na mayroong malaking balete sa di kalayuan.Nang bigla na lamang ang hawak na kandila ng babae ay sumindi at ang magandang babae ay unti unting humukot ang likod na naging matandang uugod ugod na ngayon. Kasabay noon ang paglukot rin ng bagong papel na pera.
Gulat na gulat ang aking mama. Muling tinignan ang babae at tuluyan na itong naglaho. "Anong nangyari?! Totoo ba ang mga nangyari?" wika ng aking mama.
"Totoong lahat yon anak. Kaya ako nagalit saiyo sapagkat baka kung mapaano kayo ng anak mo. Hindi ko kilala ang mga nakakasalamuha mo. Sa susunod hayaan mo nalamang kung hindi mapagbilhan ang tindahan. Ang importante ay wag ka masyado maglalalabas ng nag iisa ka." mahabang paliwanag ng aking lola.
Kaya mula noon, hindi na nawili ang mama ko na lumabas ng bahay kung sya lamang mag isa. Minabuti niyang sumunod sa kanyang byenan. After rin ng insidenteng iyon ay hindi na nila nakita pa ang magandang babae na naging matanda pagtapat sa balete. Sabi ng ibang kamag anak ng aking papa na muli lamang nagpakita ang babae sa balete marahil sapagkat naramdaman nito na merong dayuhan sa lugar nila.
Until now hindi pa rin niya iyon maipaliwanag kung nalinlang ba siya ng kanyang paningin o pawang talagang nagpakita at nakausap niya ang babae sa balete.
*BONUS*
------ dahil sa maikli ang kwento na ito naisipan kong dagdagan ng iba pang pangyayari sa aking Mama habang siya ay nasa probinsya ng aking Papa. . . . Hope maenjoy ninyo ang kwento. . .
Here it is..
Sabi ni mama ng ipanganak niya si ate. Mga siguro 2yrs old ata. Habang hinehele niya ito banda sa may bintana. Lagi niya nararamdaman na humahagikgik ang ate ko at kumakaway sa kawalan. Hindi lang daw ito isang beses nangyari kundi maraming beses. Dahil sa pangyayaring iyon minabuti ng mama ko na maglagay ng salamin harap sa may bintana. Isang malaking salamin na kasing laki raw ng aparador ang nilagay niya papaharap sa bintana.. Isang araw habang karga niya ang aking ate ay biga na lamang itong kumaway.. Pilit sinilip ni mama sa salamin kung sino ba o KUNG ANO BA ang nakikita ng aking ate sa bintana. Laking gulat ni mama ng isang parang aninong tao ang kumakaway rin. Sabi ni mama pusta nya babae iyon sapagkat sa mahabang buhok nito na pawang nakasabukot ang mga buhok. Sa takot niya biglang hinarap niya pero bigo syang makita. Kaya muli niyang sinilip sa salamin at nakita nya uli ito ngunit nahalata niyang medyo malapit na ito nakatayo sa bintana kung saan nakatayo sila. Nilingon nya muli sa bintana ngunit wala ito. Nagdadalawang isip man,muli niyang sinilip sa salamin at napatakbo siya sa takot nang makita niyang nakaupo na ito sa mismong bintana at kumakaway na mismo sa aking mama. Nagsisigaw siya sa takot at mabilisang tumakbo pababa ng hagdan. Nang muling balikan ng aking papa at lolo ang kung anumang nakita ng aking mama at para naman bulang nawala ito.
Mula noon hindi na niya pinapatulog sa may bintana ang aking ate. Bagkus, sa may sala na sila nahihiga at lumipat sa babang kwarto.
Present day. Nanonood kami ng lights out movie. Nang biglang sabi ng aking lola (nanay ng aking mama) na "yung babae sa dilim naaalala ko sakanya yung kwenento ng mama mo na nakita niya sa bintana ng pinatutulog niya ang ate mo"... sagot ko naman na ganun ba lola? Pano mo naman po nasabi na ganun ang itsura?....."nakuuuuu hindi ako naniniwala pero iginuhit mismo ng nanay mo ang nakita nya noon at ganyan na ganyan ang itsura... Naitanong ko kung naitago nya ba ang iginuhit ng aking mama ngunit sabi nya na matagal ng naitapon sapagkat nakakakilabot daw yon.
A/N: hi guys! Hope nagustuhan niyo uli ang handog kong kwento. Pipilitin kong makaupdate agad agad.. salamat sa walang patid na suporta! Sana next mabigyan nyo na ako ng vote hehehe wag rin kayo mahihiyang magcomment. (Sana wag naman violent reaction kasi mabibiyak ang puso koooo hehehe) hanggang sa susunod na kabanata.... bago ako makalimot pwede rin kayo magsend ng messages at iisa isahin/ pipilitin kong sagutin kung may katanungan kayo..
BINABASA MO ANG
Kwento Ni Nanay
RandomStill in #4 spot (12/12/22)Highest Rank #1 (8/14/2020) #1(12/7/18)(10/14/19) (6/29/20) in Scary stories.A spine-chilling Suspense/Horror. Based on true events.