PINTO SA KWARTO 2

939 33 0
                                    

PUNYETA BAT NAG BROWNOUT!??

Sobrang inis na inis ako dahil hindi ko nasave yung laro ko at uulit nanaman ako. Wala pa akong makita dahil sobrang dilim. Dapat pala ay nisave ko muna yung laro kasi may pakiramdam na talaga ako na mag ba-black out. Parang Instinct? Inis na inis talaga ako. Ganyan talaga sa probinsya. Laging nag ba-blackout.

Nawala nalang yung inis ko at biglang napalitan ng takot nang bigla ko ring narealize na solo nga pala ako sa kwarto at si Mama ay nasa balkonahe pa. Pumira-pira muna ako kasi baka may multo sa likod ko. Hindi naman ako matatakutin pero iba to eh.

Mabuti nga at katabi lang ng computer yung bintana at may konting liwanag na pumapasok kaya nakikita ko ng konti ang loob ng kwarto.

Sa gilid ng pinto nakalagay yung aparador ni Mama na makaluma na ang itsura at may salamin na kalahati lang ng aparador ang haba. Sa katabi naman noon ang higaan na nasa likod ko dahil kaharap ko ang computer.

Natatakot na ako nun kasi ang dilim talaga at solo pa ako. Hindi nga ako lumilingon-lingon kung saan at baka may makita pa ako. Wala ring boses na lumalabas sa bibig ko para tawagin si Mama.

Napatingin ako sa pinto na kalahating naka bukas. Buti nga talaga at binuksan ko iyon kasi gusto ko na talagang umalis doon. Iniiwasan kong tumingin o mapa tingin sa salamin sa takot na baka makakita ng kung ano.

Pero hindi ako makakalabas ng pinto hanggat di ko nadadaanan yung salamin kaya namroblema ako. Buti nga at kalahati lang din ng aparador ang haba ng salamin kaya nakaisip ako ng paraan.

Wala na talaga akong pake. Mag isa lang naman ako kaya gumapang na ako na parang timang at iniiwasang mapatingin sa salamin.

Nasa tabi ko na ang pintuan noon at side view akong gumagapang papalabas ng pinto dahil iniingatan kong wag itong matamaan.

  Ayokong tumunog ito kasi nakakatakot ang tunog ng pinto kapag bumubukas o nagagalaw. Dahil nadin ata sa kalumaan. Pero laking gulat ko nang BIGLANG BUMUKAS ang PINTO. AS.IN OPEN.WIDE.!

Yung puso ko parang napahinto sa pagtibok nung tumunog ito ng sobrang lakas. Yung tunog ng pinto na nakakatakot. Para kasing binigla yung pagkakabukas kaya napatulin ang pag gapang ko sa sobrang kaba.

Napaupo ako sa sahig ng nakapikit at nakatalikod sa harap ng pinto ng kabilang kwarto na katabi lang ng Master’s bedroom. Hindi ako makagalaw AS IN. Pinagpapawisan na ako ng malamig at nagsipagtaasan na ang lahat ng balahibo ko pati sa may batok.

Wala akong lakas ng loob na tignan kung sino yun o kung ANO yun. Kasi ALAM ko at NARARAMDAMAN ko na MAY KATABI talaga ako. ALAM ko nakatayo lang siya dun sa may pinto ng Master’s bedroom kung saan ako umalis.

Parang nanigas na yung katawan ko at di na ako makagalaw nun kaya napatakip nalang ako ng dalawa kong kamay sa mukha sa sobrang takot at kaba.

Nagdadasal na ako ng mga oras na yun at paulit-ulit kong sinasabi na “kuryente bumalik ka na” “bumalik ka na please” “Lord plss.” Naiiyak na ako nun at si Mama ayun sa labas nagpapapresko parin.

Di ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob at sumigaw ako ng napakalakas na “MAMAAA!!!!” “MAMAAA! PUMASOK KA NA DITO!!” naiiyak na ako at basag ang boses ko ng sinigaw ko yun ng paulit-ulit.
Pero ang sabi lang ni Mama “LUMABAS KA NA KASI DITO!”

Wala naman akong nagawa kaya ilang minuto muna akong naupo duon sa harap ng pinto ng kabilang kwarto at nasa kaliwa ko naman ang Master’s bedroom. Pinipilit kong ibukas ang mga mata ko.

Pagkabukas ko ng mga mata ko ay wala akong nakita kundi ang pinto na bukas na bukas. Kumaripas ako ng takbo papuntang balkonahe kahit na wala ako masyadong makita dahil brownout pa.

Kwento Ni NanayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon