TAGAK

568 17 0
                                    

Ang kwentong ito ay tungkol nanaman sa pakikitulog ko hehe mahilig kasi ako maki tulog diba??  Parang walang may nag mamay-ari!! Hehehe

Ito na nga po nangyari to nung 2012 sa lugar ng Rio Tuba Palawan, malayo na siya sa puerto kasi pinakadulo na siya ng palaw.
Nag aral kasi ako nun dun ng high school 2nd year. May proyektong pinagawa sa amin ang aming guro at dapat pares, pinares sakin si alvin ang isa sa pinaka makulit kung kaklase pag ka bigay samin ng proyekto nag usap kami agad at pinag usapan namin kung saan gagawin at napag desisyonan namin na saka nila gagawin ang aming proyekto, uwian na ng hapon umuwi ako agad at nag pa alam ako na gagawa kami ng proyekto kila alvin dun narin ako matutulog, pinayagan din naman ako agad kasi nasanay narin sila sakin lagi naman kasi 😊.

Mag didilim na nang nakarating ako kila alvin kung totoosin malapit lang saka nila kung lalakarin aabotin ka Lang nang 10 minuto. Purok santo ninyo ako nakatira at siya ay sa purok Kinurong, Yun na nga kumatok ako sa pinto at si Michelle ang nag bukas ng pinto bunso nila.

Michelle:kuya may bisita ka po si kuya ljhay(nakangiti)
Alvin: sige papasokin mo.
. Pumasok ako sa loob.
Ako: gandang gabi pala sa inyo nasan pala si tita at si tito?? (Mama at pala nila)
M: AY kuya wala po dito nasa bataraza po bukas pa uwi nila.
Ako: ah ok sige baby, si kuya mo pala nasaan nga??
M: andun sa kusina nag hahanda po ng pag kain.
Al: oh jhay tara kain muna tayo bago gawa ng proyekto natin nag luto ako ng adobong manok.
Ako: oooy sakto sarap niyan (abot langit ang ngiti nang abno)
Sa sobrang kapal ng mukha ko ako ang naparami ng kain!!

Pag ka tapos kumain napansin namin ni alvin na ubos na ang stock nilang tubig hindi pa kasi sila nakakabitan ng linya ng tubig nung mga panahon nayon kaya kailangan pang mag igib sa malayo, ang purok kinurong kasi kunti palang ang bahay nun kaya karamihan puro puno pa ang madadaanan. Nag pasya kami na mag igib d rin naman mahirap kasi d namin bibitbitin ang mga galon may kariton naman kasi, ngayon tulak tulak na namin ang kariton mga 3 minuto ang pag tutulak namin at sa wakas nakarating na kami sa poso pag katapos mapuno ng lahat ng galon namin nilagay na ulit namin sa kariton. Hindi pa kami nakakalayo may isang Tagak na dumapo sa harapan ng kariton, nag taka kami pero hinayaan lang namin.

Malapit na kami sa bahay nila alvin at biglang lumipad ang TAGAK nagka tingin kaming dalawa at ngumiti, nakarating kami sa harap ng bahay nila at sinumulan nang ibaba ang mga galon ng may lumapit na matandang babae at may tungkod.

Matanda: Magandang gabi sa inyo.
Ako: Magandang gabi rin po lola.
Alvin: ah lola may kailangan po ba kayo??
Matanda: ah wala naman pero gusto ko lang mag pasalamat..
Nag taka kami bakit siya mag papasalamat??

Ako: ah lola para saan po?? Ei wala naman po kaming nagawang mabuti para po mag pasalamat kayo samin.
Matanda: Sa totoo lang meron kaya gusto ko lang mag pasalamat kasi nakisabay kasi ako sa inyo kanina at d niyo man lang ako tinaboy at hinayaang makapag pahinga!

Pagka tapos mag salita umalis agad ito sa harap namin at naiwan kami na naka tulala.
Naisip namin na wala namang sumabay samin kanina na tao o matanda!! Kung meron man ay yung TAGAK!! Nung naisip nga namin yung TAGAK nag madali agad kaming pumasok sa bahay nila at d na lumabas pa nung gabing yun.

Kwento Ni NanayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon