ccto*
Ako SI VINCE At Eto ang AKing Totoong Kwento
Madaming kababalaghan at mga pangyayaring hindi kayang maipaliwanag. Pinipilit ng siyensya na sagutin ang lahat ng mga ito pero laging may tanong na maiiwan.
Ako? Hindi ko rin masasabi ng buong kasiguruhan na meron ngang multo dahil sa totoo lang hindi pa ko nagiging saksi sa pagpaparamdan ng mga ito at wala akong balak maging isa hehehehe.
Ang siste kasi sa mga nababasa ko na horror stories e hindi mo pwedeng ma confirm kung authentic yung kine-claim nilang stories dahil yun mismong character nung nag-sasabing may paranormal experience sya is always in question, pwedeng nagsisinungaling sya or he or she might be simply delusional.
Take for example yung mga near death experience kung saan yung isang tao ay naka experience na tumawid or makakita ng isang madilim na tunnel kung saan may liwanag sa kabilang dulo. Sabi ng mga naniniwala yung ilaw sa dulo ang kabilang buhay, sabi naman ng siyensya resulta daw yun ng oxygen deprivation kung kaya nakakalikha ng ganung ilusyon ang utak ng tao. Ganun lagi may paliwanag lagi ang magkabilang panig.
Teka… kahit na wala akong experience na personal meron naman akong mga istoryang direkta kong narinig sa mga taong sigurado naman akong hindi mag-sisinungaling. Hmmmm i-bullet ko na lang kaya para mas maintindihan hehehehe
***
Sabi ng lola ko, nun daw 6 na taong gulang pa lang sya nangyari yung first encounter nya sa multo. Mula ng ipanganak daw sya ay hindi pa sya nakikita ng lolo nya dahil sa malayong probinsya ito nakatira kung kaya’t wala nang komunikasyon ito sa kanila. Isang araw daw habang malalim ang gabi at nasa loob sila lahat ng kulambo ay nagising sya at may nakitang isang lalaki na nakaupo sa kanilang tumba tumba. Nakatingin ito sa kanya at hindi umiimik. Dahit bata agad daw syang natakot at ginising yung ama nya. Noong hawiin ng ama nya yung kulambo sa pag aakalang may magnanakaw bigla namang nawala yung lalaki. Siniguro ng ama niya na walang tao at muli silang natulog. Nang silipin ulit daw ng lola ko yung ulunan nila na pinaglalagyan ng tumba tumba ay nandun ulit yung lalaki at muli nakatingin sa kanya. Sa puntong yun nagsisigaw na daw sya at nagkagulo na ang buong kabahayan pero gaya nung una muli nanamang nawala yung lalaki. Paglaon daw ay nakita ng lola ko yung picture ng lolo nya at sinabing yun yung lalaking nakita nya sa tumba tumba.
***
Maagang namatay yung tatay ng tita ko, I think mga four years old pa lang sya noon ayon sa kwento. Habang nakaburol daw yung tatay nya e nakaupo sya dun tabi ng ataol, bilang bata syempre hindi pa nya ganap na naiintindihan yung konsepto ng kamatayan. Bigla na lang nagkatakot yung mga tao dun daw sa burol noong sabihin ng tita ko itong mga salitang ito “NANAY! NANAY! GISING NA PO SI TATAY.” Nang usisain ng mga tao kung bakit nya nasabi yun e sinabi daw nung tita ko na tumingin daw sa kanya yung tatay nya.
***
Kwento naman ito nung great grandfather ko na ayon sa lola ko ay isang magaling na albolaryo nung nabubuhay pa. Isang gabi daw ayon sa kwento nakita daw nung matanda yung matagal na nyang hindi nakikitang kapatid. Dumaan daw ito sa harap ng kama nung matanda at walang sinabi na kahit ano. Ayon sa kwento nung matanda mukha daw itong malungkot at mabilis na lumabas ng kwarto sa kalaliman ng gabi. Kinaumagahan nagpaalam yung mga anak nung lolo ko na may pupuntahan lang daw sila, agad na sinabi nung matanda sa kanila. “Huwag nyo nang ilihim sa akin, alam kong namatay na ang aking kapatid, nandito sya kagabi at nag paalam sa akin”
***
May isang malayong kamag anak daw kami na namatay noon sa cancer, bata pa daw ang mga anak nitong naiwan. Sa patay syempre merong mga abuloy, may isang kapitbahay daw na nag-abot ng abuloy sa anak na batang lalaki nung namatay. Dahil sa bata natukso itong itago yung abuloy at hindi ibigay sa kanyang ina. Noong araw yung mga upuan daw ay yung mga mahahabang bangko, nakaupo daw dun yung mga kaanak namin at sa banding dulo dun naka upo yung nangupit na anak. Nagkagulat ang lahat ng bigla na lang nagsisigaw yung pilyong bata, hysterical daw talaga ito at nanginginig sa takot. Nang mahimasmasan kinausap ng ina yung bata, umiyak ito at sabay inabot sa ina ang perang kinupit. Ayon dun sa bata nakita daw nya yung multo ng kanyang ama at umupo ito sa dulo ng bangko kasama nya, ayon pa sa kanya ay inakbayan pa sya nito.
***
Yung brother kong si Chris finished his Engineering degree sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ay may weird na encounter din sa isang multo. Siguro mga 3rd year sya noon kung tama yung pagkakatanda ko. Laman sya ng library being a Summa Cum Laude pati na yung isa ko pang utol na si Rolando who happens to be Magna Cum Laude hehehehe. Yung strange na experience nya ay nangyari ng around 7:00 pm ng school day ewan ko lang kung anong day. Tumatakbo sya noon papuntang library knowing na malapit na itong magsara. Mayroon syang book na due na nung araw na yon kaya nag mamadali sya.. Noong malapit na sya sa library nabuhayan sya ng loob kasi may teacher pang nasa loob ng library na laglalakad dun sa loob. So binilisan pa nya lalo yung takbo then nung tinulak nya yung door nung library nagulat sya dahil it was locked from the outside. Kadena at kandado yung ginamit na pang lock sa labas. Lumingon sya para hanapin yung babaeng teacher na nasa loob, parang bula naman itong nawala. Glass daw yung front ng library so kung may tao sa loob kitang kita dapat. Up to this day may mga naririnig pa rin kaming mga estudyante na nagsasabing nakita di nila yung mahiwagang teacher kasi yung isang cousin ko ay member ng faculty ng PLM. Hanggang ngayon hindi pa rin daw matahimik yung kaluluwang ito.
***
Si Chris din yung source nitong story na ito, sa amin kasi sya yung medyo lapitin ng mga multo. Being an honor student nga lagi syang kasama sa mga extra curricular activities. Na nominate sya noon sa TOST or Top Ten Outstanding Student of the Philippines. During nung selection process pina stay sila sa isang malaking hotel. Isang gabi nagising sya, ayon sa kwento nya mga past 12 midnight nay un. Nung tumingin sya sa isan corner nung room may figure ng lalaki na nakatayo at para daw bang nakatitig dun sa roommate nya. Sa pagkabigla agad nyang inabot yung switch ng ilaw para makita kung sino yung nakapasok sa room nila. Pag on ng ilaw nilingon nya agad yung direksyon kung nasan yung lalaki. Bigla na lang itong nawala, nilibot niya ng tingin yung buong room pero hindi na nya ito nakita.
BINABASA MO ANG
Kwento Ni Nanay
De TodoStill in #4 spot (12/12/22)Highest Rank #1 (8/14/2020) #1(12/7/18)(10/14/19) (6/29/20) in Scary stories.A spine-chilling Suspense/Horror. Based on true events.