August 23, 2007 naconfine ako sa isang hospital dito sa cabanatuan nueva ecija, which kung titignan mo sa Chinese Calendar pinaniniwalaan nila na ang buwan ng August ay "Ghost Month". Sa unang gabi namin sa hospital na iyon pag pasok mo pa lamang sa pasilyo mabigat na agad sa pakiramdam, nakakapagtaka na hindi tulad ng ibang typical na hospital dahil wala kang makikita o maririnig na mga tao sa palapag na iyon. Pag pasok ko palang ng ward 3 Bed pero isa lang ang naka admit nung time nayon. To make the story short nung bandang alas tres ng madaling araw may narinig kaming nagbukas ng pintuan sa pag aakalang may mag roround na nurse. Nagtataka ko lumipas na ang 10mins hindi parin nya ako nilalapitan, inaantok ako nung time nayon so nagdecide ako na idilat ang mata ko ng makita ko ang uniform ng isang Nurse na naka kulay Peach na parang nakatalikod sya sakin, pero nung tumingin ako sa paanan nya, nakapaharap sakin yung paa nya, hindi ako kumibo ng time nayon, kinilabutan nalang ako nung mga oras na iyon. Hindi ako nakapagsalita at nagtulogtulogan ako sa pagaakala na baka malaman nyang nakita ko sya. To make the story short mga bandang 6Am nagising yung bantay ko na nakahiga sa ibaba ng bed ko, nakita din pala nya yung nakita ko, katulad ng ginawa ko, nagtulog tulugan din sya dahil sa takot na baka tumambad sa harap nya ang nakita nya. Mga ilang minuto ang lumipas pumasok ang on duty Nurse na naka suot ng kulay Blue, tinanong namin kung naground sila ng 3Am na nakapeach scrub suit, laking gulat ng nurse sa narinig nya, dahil wala daw silang uniform na kulay peach. Nagkatitigan nalang kami ng bantay ko at nakumpirma namin na totoo ang nasaksihan namin. Sa sobrang curious namin hindi parin kami mapakali, out of curiosity nagtanong tanong din kami sa mga janitor na nagduduty sa room na yon tungkol don sa nasaksihan namin nung time nayon and then napagalaman namin na may mga creepy experience din..to be continued..
BINABASA MO ANG
Kwento Ni Nanay
RandomStill in #4 spot (12/12/22)Highest Rank #1 (8/14/2020) #1(12/7/18)(10/14/19) (6/29/20) in Scary stories.A spine-chilling Suspense/Horror. Based on true events.