"PAUPAHAN"

1.2K 37 0
                                    

Hi! Unang beses ko po itong magsha-share ng story. Sana mapost:)

Nakatira kami dati sa isang paupahan sa Marikina. Marami itong kwarto at dalawa ang palapag. Sa ikalawang palapag ang aming kwartong inuupahan. Dalawa ang kwarto sa palapag na ito pero yung isa ay di masyadong nililipatan ng tao. Minsan ay mga tatlong buwan lang ang tinatagal ng mga nakikiupahan rito. Medyo weird ang bahay na ito dahil may plant box ito sa harap mismo ng bintana sa kwarto namin na nasa second floor. Ang mga bintana ng salamin din ito ay kulang kulang kaya sa gabi ay hinaharangan namin ng makapal na kumot ang mga bintana. So eto na yung creepy story ko. Nangyari ito noong buntis ang mama ko sa ikalawa kong kapatid. May narinig akong kalabog noon sa bubuong namin. Para itong tumalon sa bubong namin buhat sa malayo. Maya-maya ay nakarinig ako ng mga yabag sa bubong na nagpabilis sa tibok ng aking puso. Narataranta ako bigla dahil para talagang yabag ng naglalakad na tao ang naririnig ko. Naramdaman yata ito ni mama kaya binuksan nya ang ilaw. Humiga na ulit sya at natulog. Pero ako, hindi parin makatulog dahil sa presensyang dala ng mga misteryosong yabag na ito. Maya-maya pa'y tumigil ang pagyabag. Pero laking gulat ko nalang ng biglang parang may matulis na bagay ang pumapaikot sa kumot na nakaharang sa bintana. Dito na ako natakot ng lubos dahil alam ko na ina-aswang na kami. Bigla kong hinawakan ang rosaryo na nakatabi lang kay mama at tinitigan ang parang kuko na pilit pinapasok sa loob ng bintana namin. Maya-maya ay natigil ang pag-ikot ng matulis na bagay sa nakaharang na makapal na kumot sa bintana namin. Nakarinig ako ulit ng yabag sa bubong at sa pagkakataong ito, para itong papalayong lumalakad dahil ito'y papahina ng papahina. Maya-maya pa'y tuluyan na itong nawala at mga minuto ang inantay ko bago ako muling tamaan ng antok.

Ito po ay talagang nangyari noong mga grade 2 palang ako. Di ko lang talaga itong nalimutan dahil sa tinding takot na hinatid nito sa akin. Kung di ako nagkakamali, tiktik ang aswang na aking tinutukoy dito. Maraming salamat sa pagbasa nito at sana ay maging babala ito na hanggang sa kasalukuyan ay gumagala-gala parin ang mga nilalang na ito.

-Brian

Kwento Ni NanayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon