.
-Batang Sadako 1-
.
March 07 2017. Alas dos pa lang ng madaling araw ay gising na kami ng dalawang kong kapatid (3 kami lalaki, ako ang gitna) para maghanda sa pagjojogging mamaya alas tres, malapit na kasi ang anniversary ng munisipyo namin kaya madaming palaro kagaya nga ng basketball, at kasali nga kami dun kasama ang dalawang kapatid ko, 21years old ako 23 yun kuya at 19 yun bunso, kaya malamang sa senior division kami kasali, yun junior kasi ay 18 pababa.. Kasalukuyan nagbibihis yun dalawang kapatid samantala ako ay maliligo na muna para nasa kondisyon ang katawan ko at para magising ang diwa ko, yun dalawa ay hindi na daw kasi papawisan dn naman sila kaya wag na daw.
-
kakatapos ko lang maligo at diko na naabotan yun dalawa, malamang nauna na yun sa labas at nagpunta na sa meeting place namin ng team. Kailangan ko na dn magmadali baka mapagalitan ako ng coach namin... Makalipas ang ilang sandali tapos na dn ako magbihis, naka sando ako na itim, jersey short, relo at rubbershoes, nagdala dn ako ng face towel para pamunas, pagtingin ko sa relo ay 2:40am na, as usual matagal ako maligo haha. Kaya pinatay ko na ang ilaw at lumabas na ng bahay saka sinarado ng mabuti ang gate, mahirap na baka may makapasok,. Bago ako pumunta sa meeting place ay nag stretching muna ako, kaunting talon talon, push ups, situps, at buga ng hangin, sakto ready na ako, kaya tumakbo na ako papunta sa dun.. Pagdating ko ay kumpleto na pala sila at ako na lang ang kulang kaya medyo nasermonan buti nagdahilan ako na diko mahanap ang shoes ko kaya nakalusot kasama dn namin yun juniors.. Bago kami nagpasyang magsimula sa jogging ay nagusap muna kami about sa praktis pagkatapos ng jogging kung sino sino magkakampi, tungkol dn sa madaming bagay about sa laro
-
3am na nagsimula na kami magjogging. Madami dn kami 8 sa senior at 8 dn sa junior, sa praktis mamaya ay senior vs junior total medyo magkakaheight dn naman kami kaya patas lang, bali dalawang grupo kami, nauuna yun kalaban namin mamaya. At nahuhuli kaming magkakampi, nagkukwentohan kasi kami about sa ML, ang ingay nga namin habang nagkukwentohan, mahaba dn naging kwentohan habang tumatakbo ng mapunta sa tulay ang topic. About sa mga kababalaghan na nangyayari dun. Nakwento nila yun nangyari sa tito namin na nagcrash sa tulay at nagkasakit pa, yun about dn sa lalaking nagbabike na namatay sa crash. At yun matanda na sinasakyan ng babaeng multo.. Nagkabiruan pa nga kami na pumasok daw sa bahay kung sino matapang pero walang naglakas loob mag presenta, sa busy namin sa kwentohan ay di ko namalayan malapit na pala kami sa tulay, tumingin ako sa relo ko at 3:30am na pala
-
sakto pagtapat namin sa oak tree ng lumuwag ang tali ng sapatos ko kaya yumuko ako para itali ng maayos mahirap na baka maapakan ko at madapa ako baka dipa ako makalaro nxt week na kasi ang basketball competation. Pagtuwid ko ng tayo ay napansin ko naiwan na pala ako, kaya tumakbo ako para makahabol pero nakatawid na pala sila ng tulay. Kaya binilisan ko pa ang takbo ko, medyo kinakabahan ako kasi ako lang magisa naiwan, Oo naniniwala ako sa multo at iba pang elemento, ako dn kasi ay madalas makakita kaya nasanay na ako sa kanila, pero iba pagdating sa nagpapakita dito sa tulay ayon sa kwento nila, minsan kasi nagdudulot ng sakit sa nakakaincounter ng multo dito, kung mamalasin ay mamamatay kapa, swerte na kung sasaktan ka lang nila or itutulak wag lang patayin. Galing kasi ako manila at maglilimang taon na ako dun, umuwe lang ako dito kasi namiss ko ang katahimikan at fresh air, sakto pagdating liga na naman sa amin kaya sumali ako. At 3years na dn pala dito tumatakbo ang mga dating member ng senior at junior division kaya di na bihira yun may nakikita sila, pero ako bago lang ako at unang beses na nakadaan dito ng madilim, dati kasi ay di rito ang ruta nila pag nagjojogging, iniba lang nila nitong nakaraan 3years para adventure daw kuno, nakadaan na dn ako dito dati pero sakay ng motor matagal na yun at tanghali pa. May pinuntahan kaming pakain kasama parents ko.
-
Malapit na ako sa paanan ng tulay ng matanaw ko sila, sisigaw na sana ako para hintayin nila ako pero may sumulpot na pusa sa harapan ko galing sa damuhan kaya nagulat ako, napahinto at napamura ng malutong, buti di ako inatake sa puso. Hinanap ng mata ko yun pusa pero diko na makita kaya binaliwala ko at nagpatuloy sa takbo, sakto pagkaapak ko sa tulay na bakal ng muntik ako madulas kahit di naman basa yun sahig, kasabay nun ang pagngeow ng pusa. Iwan ko ba pero kinabahan ako, at bumigat ang pakiramdam ko dahil sa nangyari, ang bilis dn ng takbo ng puso ko at di ako makahinga ng maayos kaya medyo bumagal ang takbo ko halos lakad na nga. Pagkatapat ko sa lumang bahay ay parang may kung anong tumatawag sa akin na lumingon ako, pero nilalabanan ko kasi kinakabahan ako kaunte, hanggang diko na kinaya at lumingon nga ako pero sana diko na pala ginawa kasi may nakita ako sa harap ng pinto.
To be continued..
Please dont forget to vote and follow me..
BINABASA MO ANG
Kwento Ni Nanay
RandomStill in #4 spot (12/12/22)Highest Rank #1 (8/14/2020) #1(12/7/18)(10/14/19) (6/29/20) in Scary stories.A spine-chilling Suspense/Horror. Based on true events.
