Ilang lingo ang lumipas na payapa ang lugar nila papa. Walang mga hindi maipaliwanag na pangyayari. Tuluyan na rin nila kinalimutan ang anumang nakita nila noong gabi ng kaarawan ng kapatid ni papa.
Isang hapon ng mapagpasyahan ni mama na magpahinga sa bahay kubo sa labas. Andun rin nagpapahinga ang byenan nyang babae.
"Rose, anak. Kapag gabi wag na wag mong kakalimutan magtabi ng asin at gunting. Ang walis tingting naman ilalagay mo sa may pintuan ng patayo." Salaysay ni lola na titig na titig sa kanyang tyan.
8 months na ang tyan noon ni mama.
"Sige po Inang. Pero bakit po? " curious na tanong ni mama.
" nakaugalian na kasi na ganun ginagawa kapag buntis.. alam mo naman. Maraming hindi maipaliwanag na mga pangyayari dito." Ngumiti ito ng tipid. " Sabagay," dugtong pa nito. Kayong mga taga lunsod mahirap maniwala sa mga pamanhiin o kasabihan."
" aaminin ko po sainyo na noon mahirap nga pong maniwala. Pero matapos po lahat ng mga masaksihan ko na mahirap hanapan ng paliwanag. Na para bang lahat ho ay mahika lahat. Unti unti po talaga na may mga bagay po na sadyang...mahirap ipaliwanag na gugustuhin mo nalang manahimik... mahabang paliwanag ni mama.
"Basta gabi gabi mo gagawin yung sinabi ko ha?" Paalala uli ni Lola.
" Oho Inang.."
Bumalik na ng bahay si mama. At nagpahinga. Maagang dumating si papa galing bayan. Nagplano para sa hapunan.
---------
Kinagabihan, alas nueve na ng gabi ng magising si mama. Parang may kung ano sa taas ng bubong? Wala rin sa tabi niya si papa. Baka nasa sala ito nanonood ng basketball.
Ang bubong ng bahay ay gawa sa nipa. Lahat ng bahay noon gawa lamang sa mga nipa or dahon ng anahaw.
Inisip ni mama na baka pusa lamang nasa itaas ng bubong. Pumikit sya uli. Nang marinig nanaman niya ang pawang bumubuklat sa ibabaw ng bubong.
"Ano kaya yun? Sambit ni mama na halatang nangangamba kung baka anu naman ito. Huminga na lamang daw ng malalim si mama at ipinagpatuloy ang pahinga.
Matagal na katahimikan ang namayani. Nang bigla na lamang pumasok ang aking lola sa kwarto at biglang humiyaw....
" Roseeeeeeeeee! Gising! (Nagmura sa Ilokano) malakas na hiyaw ng lola ko.
Napamulat ng mata si mama at biglang napaupo. Sa kanyang pagkagulat ay halos napaurong siyang bigla sa dulo ng kama. Napatitig siya sa kanyang byenan na babae na may hawak na gunting. Napatitig rin sya bigla sa bubong na ang nipa ngayon ang may munting butas na ngayon pero wala na ang nasa itaas.
Napapasok na rin bigla ang aking papa. Ngunit bigla nagsalita si lola at inutusan si papa na kumuha ng garapon at asin. Agad naman kumilos ng mabilis si papa. Nagtataka man si mama napatitig si mama sa sahig ng kwarto. Isang mala sinulid na unti unti pumopormang dila ng tao. "Ano nanaman ba ito??! Wika ni mama. Ngunit minabuti uli ni Lola na 'wag na lamang magsalita. Sapagkat alam ni Lola na kahit hindi nya sagutin ang tanong ni mama alam nya sa sarili niya na mula ngayon mag iingat ng mabuti si mama.
Nilagyan nila papa ng asin ang naputol na dila mula sa kung anumang nilalang yon. At tinakpan ng garapon. Kitang kita nila na naging parang malapot na likido ito na kulay itim. Nilagay nila sa garapon iyon at kinaumagahan pinabless nila sa pari.
Week later, bali balita ang isang nasa middle age daw na babae ang nakakapagtakang hindi na lamang makapagsalita. Nakita ni papa ang pagdududa sa mga mata ni mama. Ngunit inawat nya ito at nagsabi na mahirap ang magbintang. Hindi magandang gawain yun. Wala rin silang alam na totoong dahilan bakit bigla na lamang itong hindi nakapagsalita. 3 days after ng insidente umuwi na sa manila sila mama. At nagsilang ng isang malusog na batang babae.
Nagtataka siguro kayo anong ginawa sa pinabless na nasa garapon. Nilibing nila daw yun sa simenteryo. At ang babaeng hindi na nakapagsalita? Bigla na lamang daw naglaho sa kanilang lugar.
End.
A/N: hi guys! End of story ng unusual events lamang to. Hindi pa tapos ang mismong kwento ni nanay. Maraming pa pong dapat abangan sa mga darating na kwento so pleaseeeeeee patuloy nyo sana akong suportahan. Humihingi rin po ako ng inyong tulong (hindi po financial hehe) kundi inspirasyon sa pamamagitan ng votes at comment nyo. Parang awa nyo na hahahaha!
Abangan po ang susunod na kabata.. mahal ko kayo!
BINABASA MO ANG
Kwento Ni Nanay
RandomStill in #4 spot (12/12/22)Highest Rank #1 (8/14/2020) #1(12/7/18)(10/14/19) (6/29/20) in Scary stories.A spine-chilling Suspense/Horror. Based on true events.