Note: karugtong po ito ng karanasan ni mama sa probinsya nila papa. Hihi! Enjoy!
Sabi ni mama nung naglilihi palang siya sa panganay niya mahilig sya maghanap ng balot. Minsan mga alanganing oras pa kung maghanap ng makakain.
Isang gabi, inutusan niya ang papa ko na bumili ng balot. Ang kapitbahay pa noon na masasabi ay kailangan pang maglakay ng ilang milya bago makarating.Nakabili ang papa ko ng balot ngunit nv papauwi na daw sya nakaramdam daw siya na parang sumusunod sakanya. Di ba nga ang rules doon bawal na lumabas ng gabi. Pero syempre dahil loves ni papa si mama hehe sinikap nya makabili ng balot. Back to our story... hindi daw makita ni papa kung ano yung sumusunod sakanya. Pero halatang patakbo itong papalapit sakanya.
Buti nalang daw at may dala siyang itak. Nagdala sya dahil alam niya na lalabas siya ng gabi at gaya ng inaasahan may na encounter sya na hindi nya nakikita.. Ramdam niyang mabilis itong kumilos.. patakbong umuwi ang papa ko ng gabing iyon. Sapagkat batid ni papa na nasa likod na niya ito ngunit mabilis niyang nabuksan ang pinto.
Nang makarating sa bahay ay nakwento niya sa aking mama ang nangyari.
" naku baka naman naglalaway rin sa balot yung humahabol sayo.." pagbibiro ni mama
Of course, ginawa na lamang nila iyong katatawanan. Kinabukasan hapon na ng imbitahan sila sa kaarawan ng bunsong kapatid ni papa. Ang bahay nila ay medyo lagpas lamang ng kaunti sa bahay nila lola kung saan tumuloy sina mama. Sabi nila ang daanan raw ay mapuno. Matataas ang mga damo. Hindi nila namalayan ang oras at ginabi sila. Pauwi na sila ng mapansin nila na parang may sumusunod sakanila.
Malaki na ang tyan ng mama ko kaya hindi na masyado pwedeng gumalaw ng sobrang bilis sapagkat madaling mapagod na. Maya maya pa nakarinig naman sila ng parang lumilipad. Ang nakakapagtaka daw kasi parang napakalaki ng pakpak nito dahil maririnig mo ang bawat paghampas ng mga pakpak nito.
"Mahirap to..hindi ko gusto naiisip ko kung ano yung lumilipad mahal.." nangangambang sabi ni papa.
"Dalian nalang natin mahal. Tutal malapit lapit na tayo." Pagpapalakas loob ni mama dahil ang totoo may kalayuan pa sila.
Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad sa pagkakataong ito nagpakita na sa kanila ang sumusunod sakanila. Ngunit sabi ni papa nagkatawang hayop ito. Isang malaking baboy ramu ang nakita nila sa daan. Napahinto sila sa paglalakad. Iniisip nila kung papaano na magpapatuloy sa paglalakad. Dahan dahan sila naglakad. Hindi rin gumagalaw ang baboy ramu. (Sa mga nag iisip na baboy ramu lang naencounter nila that time po wlang nag aalaga ng ganung hayop o naninirahan sa lugar na iyon sapagkat hindi naman po gubat dinaraanan nila.)
Paglagpas nila sa baboy ramu bigla itong umungol ng napakalakas. Biglang buhat ng papa ko sa mama ko at mabilis na tumakbo. Kahit na alam ng papa ko na wala silang laban sa bilis nito pinilit niya pa ring tumakbo ng matulin. Nang makalabas sila sa mapunong lugar bigla nawala ang baboy ramu at nakita ng dalawang mata nila na sumilip ito between woods at nag anyong malaking ibon.
Pareho silang napanganga sa nakita nila. Napaka imposible ng nakita nila. Sila ba'y nananaginip ng gising? Minabuti nilang huwag muna pag usapan ang kanilang nakita at nagdesisyon silang maglakad na pauwi. Nakarating na sila sa bahay ng tahimik. " 'Wag na nating pag usapan ang nakita natin. Hindi ko rin alam ang nakita ko mahal.." sabi ng papa ko. Minabuting wag na magtanong o magsalita pa si mama. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga karanasan.
... ang inaakalang tinantanan na sila ng kanilang nakitang nagbabagong anyo ay yun pala'y warning lang pala sakanila.
Itutuloy. . . .
A/N: Hi guys! I just wanna say thank you for your support.. please don't forget to vote or comment... I love you guys.. you can also send me a message and ill try my very best to response.
BINABASA MO ANG
Kwento Ni Nanay
RandomStill in #4 spot (12/12/22)Highest Rank #1 (8/14/2020) #1(12/7/18)(10/14/19) (6/29/20) in Scary stories.A spine-chilling Suspense/Horror. Based on true events.