Salamat po sa nagsend nito..
My name is Erika with initial (EMB) share ko lang sa inyo yung kwento ng kaibigan ko na talagang nagpakilabot sa akin.Gabi noon. Pauwi ang magkapatid na leyna at Mela. Di nila maiwasang dumaan sa eskinita sa gilid ng abandonadong eskwelahan ng elementarya sa kanilang baranggay. Lagi daw doon may nagpapakitang multo ngunit sa buong buhay nila ni minsan wala silang nakikita.At sa di inaasahang pagkakataon mas malupit pa pala ang mararanasan ng isa sa kanila. Habang tinatahak nila ang madilim na parte ng eskinita may nasalubong silang matanda na noon lang nakita ni mela habang si leyna ay busy sa pag ce cellphone siya naman ay binati ang matanda. "Lola gabi na po ahh!, Ingat po kayo sa daan" hindi siya pinansin noon at patuloy ito sa paglalakad kagaya nila.sinundan niya ito ng tingin kitang kita nya ng lingunin niya ito ay biglang nawala. Kinalibutan ang buo nyang katawan at nag madaling naglakad. Napansin ni leyna ang di komportableng pag galaw ni mela kaya tinanong niya ito. " Bakit ba? Ano bang nangyayari?"" Yung matanda. Yung nasalubong natin diba binati ko tapos biglang nawala" nanginginig na kwento nito habang naglalakad sila."Ha? Hindi ko nakita at di ko narinig na may kinausap ka!"Mas lalong natakot si mela sa kanyang naranasan. Pag uwi nila sa bahay agad niya itong sinabi sa kanyang mga magulang ngunit siya ay pinagalitan lang ng mga ito dahil sa sobrang kadaldalan. Ilang linggo na ang nkakalipas,linggo na rin ang nagdaan ng laging iniinda ni mela ang pananakit ng kanyang balikat at leeg. Di niya malaman ang dahilan. Ilang beses na siyang nagpapacheck up at ilang xray na din ang napgdaanan niya ngunit negative ang lahat. Karamihan ng doctor pagod ang sinasbi sa kanya. Sa ilang beses niyang pag papacheck up mas lumalala ang kanyang sitwasyon hanggang sa albularyo na siya nagpunta. At ng lumabas ang resulta. May matanda daw na nakasalabay sa kaniya. Matagal na daw iyon. Doon niya namataang hindi pala nawala ang matanda. Kundi pasan pasan niya sa lahat ng oras.
Pls dont forget to vote and comment! Thank you!
BINABASA MO ANG
Kwento Ni Nanay
RandomStill in #4 spot (12/12/22)Highest Rank #1 (8/14/2020) #1(12/7/18)(10/14/19) (6/29/20) in Scary stories.A spine-chilling Suspense/Horror. Based on true events.