eto po yung karugtong ng kwento ko pag ka out po namin sa duty galing ospital sa dorm na po kami umuwi. kami lang po ni AC ang nag dorm noong araw na yon kase malayo pa po ang tirahan namin almost 1 hour din po ang biyahe pauwi sa bahay namin kaya sa dorm nalang po kami tumuloy. yung iba po naming classmate umuwi sa kani kanilang bahay dahil malapit lang naman po ang bahay nila. pag dating po namin sa dorm . natulog agad kami ni AC dahil pagod po kami galing sa OJT namin ni hindi na po kami nag almusal dahil sa pagod at puyat hindi pa po kami sanay dahil first time lang po namin. 10pm to 6am po ang duty namin. nagising po kami ng classmate ko si AC mga 2pm na ng hapon. gutom na gutom po kami kase hindi pa kami nag aalmusal at nag tanghalian. bumili na lang po kami ng pancit canton at tinapay sa tindahan. habang nag luluto po ako nun. nag sasound trip yung classmate ko. ang lakas ng tugtog ng cp nya. tapos na po akong mag luto nun at nag hahain na kami ni AC nag sasounds pa din po cya. tapos habang nakain po kami nun may narinig akong humahalinghing at parang nag aayos ng mga gamit dinig ko pa yung pag bukas at pag sara ng zipper ng bag. kaya sabi ko kay AC paki hinahaan muna yung volume ng cp nya. sabi nya bakit daw sabi ko saglit lang may naririnig akong humahalinghing at parang nag aayos ng gamit. ang ginawa nya pinatay nya muna yung sound ng cp nya. pinakinggan namin. narinig din nya yung naririnig kong babaeng humahalinghing na parang may sakit. sabi nung classmate ko baka may senior midwifery din na nag stay din sa dorm namin. kaya binuksan ng classmate ko yung isang kwarto wala namang tao. kami lang dalawa ang tao sa dorm kaya dali dali kaming kumain at pumasok agad kami sa kwarto namin. naiwan na namin yung tinimpla naming kape at hindi na namin hinugasan yung pinggan na pinag kainan naming dalawa. medyo nakakakilabot din po kase ang itsura ng dorm na nirerentahan ng school namin. matagal na po yung nirerentahan. sa dorm po namin dalawa ang kwarto medyo malaki din po yung bawat kwarto kase kasya ang 3 double deck . okay din naman po yung cr at may dirty kitchen pa kasama na po yung labahan namin. kaya lang pag pasok mo ramdam mo na talaga na may kakaiba nakakakilabot, pag mag isa ka parang laging may nakatingin sayo. kaya pag naliligo kami sabay sabay kami ng mga classmate ko. at hindi din namin nilolock ang pinto. mas nakakakot po doon dahil bawal kaming mag dala speaker o ano mang bagay na maingay dahil pinag babawal po yun ng school namin. pag nahuli ka na may daka ka may parusa may ratio ka kaagad sa duty mo. bawal din po kaming mag cp kahit sa dorm. yung iba po nag dadala kahit bawal kase nakakainip po talaga , wala po dun kahit anong appliances kagaya ng tv o radio. kaya mas nakakatakot sobrang tahimik. yung parang nakakabingi na sa sobrang tahimik. nung mga bandang 2nd sem po namin nalaman namin na kaya pala ayaw mag dorm ng iba naming classmate kase may kung ano ano silang naririnig . may parang nag tooth brush tapos nag mumumog. may nag lalaba o nag lilinis kahit wala naman talagang tao. sinasalpak ang pinto kahit nakasarado naman, ganun po yung mga pinaririnig sa amin. tapos yung isa naming classmate si ate J trip nyang matulog sa sala kasama yung isa naming senior kase naiinitan daw sila sa kwarto. hating gabi na daw nung nagising syang hinihila ang buhok nya. akala nya niloloko cya nung katabi nya. eh tulog na tulog yung katabi nya. hindi po cya matatakutin na tao at hindi po cya naniniwala sa kwento naming mga kaklase nya, kaya nung naranasan nya nakaramdam daw cya ng takot. ang pinakamatindi ko po talagang naranasan dun sa dorm na tinutuluyan namin eh nung bangungutin ako ng babaeng nakadila at medyo malaki ang mata. medyo malabo po kase yung itsura nya, mag isa lang po ako nung araw na yun dahil yung kasama ko eh sumama sa boy friend nya kaya ako lang mag isa nun ang nag dorm . usapan namin na sabay kaming mag dorm noong araw na yun eh. bigla cyang niyaya lang bf nyang mag gala kaya ako lang mag isa ang naiwan . mabuti nalang at dumating yung dalawa kong classmate para mang hiram saken ng tsinelas na pang DR. o pang delivery room. iba po kase ang gamit na tsinelas pag nasa loob ng paanakan. kinatok nila yung bintana ng kwarto. yun yung oras na binabangungot ako. mabuti na lang at dumating sila at nagising ako. kung hindi baka patay na ako ngayon.rinig daw po sa labas ang pag ungol ko malakas daw po . marami pa po akong iseshare na kwento na naranasan namin sa ospital at sa dorm. sana po eh nagustuhan ninyo salamat po...
"Aal ng Laguna"
BINABASA MO ANG
Kwento Ni Nanay
OverigStill in #4 spot (12/12/22)Highest Rank #1 (8/14/2020) #1(12/7/18)(10/14/19) (6/29/20) in Scary stories.A spine-chilling Suspense/Horror. Based on true events.