6 sense

571 23 0
                                    

My story begins when my son turned 2yrs old. Meron syang yaya. Since parehas namin kailangan maghanapbuhay ng asawa ko. At first, di namin pansin yung kakaibang sensory nya. Akala namin na imagination nya lang yun since bata pa sya.

Mahilig sya magturo sa kawalan. There are times na bigla syang umiyak at ayaw tumingin sa nakikita nyang hindi namin nakikita. Pero inaamin ko im an empath. Taong malakas ang pakiramdam pero hindi psychic. So siguro dahil don? Ewan hindi ko rin alam.

Ngayon, isang beses. Umuwi kami na naiiyak sa takot ang yaya ni tenchi. Nagpapaalam na ito. Nagtanong kami bakit naman ganun. Hindi man lang inabot ng isang buwan..

"Ma'am ano ho kasi,yung anak nyo natatakot na ako.. Parang hindi ko ho matagalan sa ginagawa nya."

"manang, sandali ho. Ano ho ba problema kay tenchi ganun na ho ba sya kalikot? Ano ho ba nagawa nya sainyo?.." nalilitong sabi ko.

" ay hindi ho mam. Kase nung isang araw nagtuturo po sya sa kawalan na hindi ko naman makita. Sabi nya may isang mama raw ho na nakatayo at nakatingin samin.. Sinasama sya. Ngayon sinundan nya ho ng turo yung papaalis raw ho na mama..tinuturo nya ho sakin.. Nagtataasan ang mga balahibo ko kapag ginagawa nya yun.." paliwanag nito na hinihimas pa ang mga braso.

"ma'am, kanina ho umiiyak syang nagtago sakin ayaw ho umangat ng tingin kasi ho sabi nya nakatingin yung lalaking matangkad na maitim. Inaaya raw sya maglaro.. Napadasal nalang ho ako".. Dagdag pa nito.

" manang,ano ho kaya sa tingin nyo yung tinutukoy ni tenchi. Kasi ho sa totoo lang ho nagtuturo po talaga sya minsan sa kawalan akala ko naman imaginary friends nya lang. Ano ho kaya kung ipatawas natin si tenchi?.."

"Cge po mam. Punta po ako dito uli bukas."

Pero bago pumayag si manang of course nagkapilitan pa rin kami. But in the end napakiusapan ko syang huwag umalis at sa halip tulungan nya kami kung ano nangyayari kay tenchi.

Kinabukasan....

Inilapit namin sa babaeng albularyo si tenchi. Sabi neto na merong isang kapre ang gustong makilaro sa anak ko. Meron rin na isang kaluluwang lalaki ang dumadalaw sa anak ko. Sa kadahilanan na bukas ang 3rd eye nya. Gustong humingi ng tulong ng kaluluwang yun.

Gulat na gulat ako sa mga nalaman ko sa anak ko. Hindi ko alam na ganun pinagdadaanan nya. Alam ko ang iba sainyo hindi ako naiintindihan pero kapag ina ka na malalaman mo ang nararamdaman ko ng mga oras na yun.

Ngayon tinuro samin kung papano nya protektahan ang kanyang sarili. Mukha naman epektibo ang sinabi nung matanda. Nasanay na rin kami sa mga habit nya na may nakausap na hindi namin nakikita. Kinikwento nya samin na ma, ganito ganyan. Nakita ko yung isang babae na matangkad. Mga ganun.
Na Ma,bakit matalim ipin nya or Ma,bakit parang natutunaw ang mukha nya?(iniisip ko na baka naaagnas ang mukha?)

Kwento Ni NanayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon