hi ako pala si Reymark Gonzaga 19 from Samar Calbayog City , ako yung taong hindi naniniwala hanggat sa di ko pa nakikita. Bata palang ako marami na kung naririnig tungkol sa mga kababalaghan, about sa spirits,aswang,engkanto at iba pa. Mahilig lang ako makinig pero d ko iniisip kasi d ko pa nararanasan.
Pero nung high school ako meron akung d makakalimutan isa sa mga nangyari sa buhay ko so d ko na babanggtin yung name ng school.
1st year high school ako nun and kinahiligan ko ng sumayaw buwan ng agosto at yun ang buwan ng wika, napabilang ako sa mga mananayaw ng skwelahan namin kaya gabi gabi kami ng eensayo para sa parating ng okasyon.Hindi gaano kalakihan ang school may dalawang gusali at bawat isa nito ay may dalawang palapag bawat building at nandun ang room ng 4rth year at 3rd year at ang isa ay sa 1st year at 2nd year. Sa building ng mga senior namin may mga kwentong kababalaghan na kumakalat keso daw may tumatakbo sa hagdan, umiiyak na babae, bigla nalang daw magsasara yung mga pinto kahit d naman malakas ang hangin at sa kalagitnaan naman ng gabi may mga nag lalarong mga bata, kahit yung guard namin nag kwekwento tungkol dun kasi dun siya nakatira sa school, kaya lang nasanay na siya, kaya d na daw niya pinapansin.
Balik na tayo sa kung saan mag eensayo na kami, 5pm ng hapon ang ensayo, sa 4rth year room kami mag eensayo kung saan nasa pangalawang palapag ng building, nasa 10 kami nun limang babae at limang lalake modern dance ang nakatoka samin. So nag start(ok guys simula na tayo 5,6,7,8)sabi ng nag tuturo, habang sumasayaw ako may tumulo sa ulo ko na kung anu so napahinto ako, hinaplos ko yung ulo ko at tumingin sa labas(wala namang ulan) sabi ko sa sarili ko. Oh reymark bakit ka napahinto?? Ok balik tayo sa umpisa sabi ng nagtuturo, yung mag sisimula na kami naalala ko yung basa na nasa kamay ko nag taka ako bakit ang lapot ,pagtingin ko dugo pala bigla akung napatingin sa kesami kasi marami ng tumutulo sa ulo ko at napunta na sa mukha ko. Nagulat lahat ng mga kasama ko balot na balut na ang buo kung mukha ng dugo nagtilian ang mga kasama kung babae at kumaripas na kami ng takbo.
Mabilis ang pag takbo namin nun hanggang sa gate hinayaan namin yung mga gamit namin sa room maging yung music at ilaw iniwan naming bukas,pag dating namin sa gate lahat kami napalingon sa building at laking gulat namin may babaeng nakatayo naka suot ng itim na damit at yung mukha niya punong puno ng dugo.
Simula mangyari yun samin d na kami ulit nag ensayo dun sa halip sa labas nalang ng school kung saan may malapit na gym, at ang kwentong yun kahit isa samin tinago nalang mas lalo na sa ibang estudyante.
BINABASA MO ANG
Kwento Ni Nanay
RandomStill in #4 spot (12/12/22)Highest Rank #1 (8/14/2020) #1(12/7/18)(10/14/19) (6/29/20) in Scary stories.A spine-chilling Suspense/Horror. Based on true events.